Champion
Hanggang sa dumating ang araw ng schedule namin sa pag asikaso ng booth ay iniisip ko ng mabuti kung anong ibig niyang sabihin na kailangan.
Is there any deal between him and that Sophie?
Bakit ba hindi niya malayuan.
Wala naman akong pakealam kung girlfriend niya eh. Ang sakin lang bakit hindi niya nalang sabihin ang totoo.
Maaga palang ay nasa school na kami nila Jesther. Huli kaming dumating ni Kyla. Pagdating namin ay nandoon na si Jesther, Wesley, Warren, Angelo at Clarisse. Nag aayos na sila ng mga gamit.
Abala ang lahat para sa mga kaniya kaniyang booth. Mukhang maganda naman ang naging resulta ng mga unang araw ng booth namin. Sabi ng President namin ay maaga palang ay may mga bumibili na.
Mukhang sabik nga ang mga estudyante sa street food sa oras na nasa loob sila ng school.
Si Wesley at Clarisse ang na assign na magluto dahil sila ang sanay. Kami ni Kyla sa pera at ang tatlo ang bahala mag asikaso ng mga customer. Papalitan nalang ni Jesther ang gustong magpahinga kay Wesley at Clarisse dahil sanay din siyang mag luto.
"Ang init naman pala dito. Pano sila nakakatagal ng hanggang alas tres," angal ni Kyla noong tumatanghali na.
Totoo naman na mainit talaga. Kahit ako ay pinagpapawisan na. Kita ko din na pinagpapawisan si Wesley at Clarisse na nasa may kalan. Di hamak na mas naiinitan sila kaysa sa amin.
Tumayo ako at kumuha ng tissue para ibigay sakanila.
"Punas muna kayo ng pawis," ani ko at inabot sakanila ang tissue.
Nahihiyang kinuha ni Clarisse ang tissue na binigay ko.
"Salamat."
"Punasan mo na ako Anya. May mantika ang kamay ko eh," ani Wesley na hindi ko inaasahan.
Yumuko siya ng konti para maabot ko siya dahil mas matangkad siya sa akin at saka ko siya pinunasan sa may bandang noo. Kumuha ako ng isa pang tissue para naman sa may gilid ng kaniyang pisngi.
"Salamat," aniya at ngumiti sa akin.
"Gusto niyo ba ng inumin?" tanong ko sakanila.
"Wala namang tayong inumin dito eh," sagot ni Wesley.
"Bili tayo Anya," aya sakin ni Warren.
Tumango ako sakaniya.
"Ako ba hindi mo aalukin?" tanong Jesther sa akin.
"Lahat na bibilan namin," sabi ko habang natatawa.
Pupunta sana kami ng canteen para doon bumili pero meron akong ibang naisip.
"Kung sa mga booth nalang kaya tayo bumili? Hanap tayo," aya ko kay Warren.
Hindi ako masyadong malapit kay Warren, kahit na kay Wesley, kaya medyo naiilang ako. Buti nalang ay inaya niya ako kaya kahit papano ay nagkaron ako ng pagkakataon na malapit sakaniya.
"Doon tayo sa mga higher years tumingin," aya ni Warren.
Kadalasan naman ng booth ay pagkain ang tinda. Nakakamangha lang sa mga higher years dahil mas maganda ang mga stall nila kaysa sa amin.
"Ayun!" turo ni Warren sa isang stall. "Baka gusto nila ng lemonade."
Pinuntahan namin iyon. Hindi lang drinks ang tinda nila. Meron din silang rice in a cup na puwedeng ipang lunch.
YOU ARE READING
Trepidation
FanfictionAnne Yani Alvarado is a Manila girl that was involved in a car accident causing her to have her biggest trepidation in life. Because of the accident her parents died and it caused her the need to continue her life in a small province with her auntie...
