Kabanata 29

2 0 0
                                    

Tita

Inutusan ko ang staff para mag serve ng pagkain para kila Jesther at sa mang mama ni Wesley.

Dinig ko ang bati nilang lahat kay Arzel.

"Congrats!"

Nilingon ko ang banda nila. Kinakamayan nila si Arzel at binabati. He is genuinely happy showing his gratitude for the congratulations.

"Congrats Chief!"

I remember that he got the promotion.

I think he deserves being the Chief of Police. Kita ko ang paghanga sakaniya ng Mayor. Kahit si Tito ay humanga din sakaniya.

Masyadong mabilis ang naging promition niya pero naniniwala naman akong kaya niya iyon.

He got the promotion because he solved the case of my parents. The case was a big talk and problem.

Kahit ako ay hindi ko inaasahan na maaayos pa iyon.

Then I realized that I didn't thanked him yet neither congratulate him for the promotion.

Nawala ako sa iniisip noong ayain ako ni Wesley na lumapit pa sa ibang bisita.

"You looks constipated. Ayos ka lang ba?" Natatawang tanong ni Kyla sa akin. Lumapit siya sa akin noong matapos kami Wesley sa paglapit sa mga bisita.

Kanina pa ako parang wala sa sarili.

"Ayos lang. Pagod lang siguro," sagot ko sakaniya.

Simula nang dumating sila Tita Mona ay hindi na ako makakilos ng maayos. Pakiramdam ko kasi ay pinanunuod niya ang mga galaw ko. Tuwing matitingin ako sa table nila ay madalas na sa akin ang tingin niya.

Pansin ko na mayroong ibang kilala si Tita Mona kaya iniwan siya ni Arzel at Jesther. Lumipat sila sa table ng mang mama ni Wesley kasama si Sophie.

She never left Tita Mona. Nakaalalay kung saan nito gusto pumunta.

Kahit pinipigilan ko ay nagagawi padin ang tingin ko kay Arzel. Nasa akin din ang tingin niya. Agad naman akong nag iiwas at nililibang ang sarili sa ibang bagay.

Noong lumalalim na ang gabi ay nag alisan na rin ang mga negosyante. Si Tita at Tito din ay nagpaalam na.

Naiwan si Dave at Kyla. Pati na rin ang basketball team. Naiwan din si Tita Mona at Sophie. Pati na si Mila at ang mama ni Wesley.

Tinanong ni Dave kung ayos lang ba na magpabili siya ng alak para daw mas masarap ang maging kuwentuhan. Ayos lang naman pero ang sabi ko ay wag nalang ganon karami dahil magda-drive pa ang ilan sakanila.

Nagbibigay din ako kay Dave ng dagdag na pambili pero ayaw niyang tanggapin. Sagot niya daw iyon.

"Okay lang ba kung pag dugtungin ang mga lamensa Anya? Para isang grupo nalang," si Kyla noong dumating na ang inumin.

"Oo naman," sagot ko kaya agad silang nagtayuan.

Inayos nila ang mga upuan. Tinawag ko ang ilan sa mga staff para tumulong.

Sobra na sa oras ang trabaho nila kaya balak ko na din silang pauwiin. They've been working since early in the morning.

Nilapitan ako ni Wesley at binulungan.

TrepidationWhere stories live. Discover now