Kabanata 25

4 1 0
                                    

Sige

Binawi ko agad ang kamay ko at tumayo. Hindi ko malaman ang gagawin. My heart pounded so hard. Huminga ako ng malalim.

Tumalikod ako at kinapa ang pisngi ko. Sigurado akong nag iinit at namumula iyon.

"Sorry," ani Arzel kaya napalingon ako sakaniya.

I sighed heavily.

"Ah. Okay lang..."

Napaisip ako sa sagot ko.

Anong okay lang, Anya? Gaga ka ba?

"Tutuloy na ako," aniya na nakapag pagaan ng loob ko. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

Hindi ko alam kung tatagal ba akong kasama siya dito.

Tumango ako sakaniya. Naglakad ako papunta sa pintuan para sana ihatid siya pero nag salita ulit siya.

"Pupunta ka ba kila Dave bukas?" Tanong niya.

I looked at him. Naghihintay siya ng sagot ko. Nag iwas ako ng tingin bago sumagot.

"I'll be there the whole day."

He nodded.

Hinatid ko siya sa labas. Nauuna ako at nakasunod lang siya. I opened the gate for him.

"Thank you," aniya at tumango lang ako. Lumapit na siya sa sasakyan niya.

"Sorry din kung nabigla kita. Akala ko kanina sa checkpoint alam mong ako ang pupunta," dugtong niya.

I remember his face when he heard that I'm going to cook for our dinner. Siguro akala niya ay talagang ipinagluto ko siya.

He smiled at me bago ulit nagsalita.

"Alam ko naman na... hindi ka pa handa na makita ako. Akala ko lang talaga alam mong ako ang pupunta kaya nag tuloy ako. Believe me, kung alam ko lang na hindi mo pala alam, nagpapunta nalang dapat ako ng iba," aniya pa.

I think my heart sinks with what he just said.

Oo at hindi ko siya inaasahan pero hindi naman ako ganon kasama para nalang paalisin siya.

Oo, may konting galit akong nararamdaman sakaniya pero hindi ko naman kayang paalisin nalang siya basta basta.

Hindi naman siya nagpunta para sa personal na dahilan. This is not about 8 years ago. Tungkol 'to sa magulang ko. I'm not that immature to just push him away because of personal reasons.

Totoo ang sinabi niya na hindi talaga ako handa na makita siya. I tried to get myself ready to see him pero baliwala. Hindi ko alam ang gagawin ngayong nandito pa siya mismo sa bahay ko.

"It's okay. Hindi naman ako ang pinunta mo dito. You just came because of your job. I understand. I just don't expect to see you," I honestly said.

Parang hindi niya inaasahan ang naging sagot ko. Kita ko na natigilan siya saglit pero ngumiti din sa huli.

Tumango siya tila naiintindihan na ang sinabi ko. Alangan siyang pumasok sa sasakyan niya. Parang may gusto pa siyang sabihin pero nagpigil nalang.

Pumasok lang ako nang makaalis na ang sasakyan niya. Napabuntong hininga ako noong makaalis na siya.

Nang makaalis lang siya at saka lang ako nagkaroon ng pag kakataon para maisip ang mga nagbago sakaniya.

TrepidationWhere stories live. Discover now