Kabanata 13

9 1 0
                                    

Babae

"Anong kurso ang kukunin mo pag nag college ka na?" I asked Arzel out of nowhere. Dahil wala pa naman ang inorder namin at gusto ko munang makipag kuwentuhan sakaniya.

Natigilan siya sa tinanong ko. Hindi niya ata inaasahan ang tanong ko. Napaisip lang naman ako dahil next year ay college na sila ni Dave.

BS Business Administration ang kukunin ni Dave sa kolehiyo tulad lang ng inaasahan kong kukunin niya dahil sa pagpapatakbo ng negosyo nila dito sa probinsya.

Inaantay ko ang sagot niya pero parang hindi niya malaman kung anong isasagot sa akin. I felt that he become uneasy.

"Sorry," bawi ko dahil mukhang hindi niya nagustuhan ang tanong ko.

He shifted on his sit and smiled, trying to assure me. "Ayos lang, hindi lang ako sigurado pa," aniya.

Napatango ako.

Hindi ko inaasahan na hindi pa siya sigurado sa kurso niya dahil graduating na siya pero ganon siguro talaga. Mahaba haba pa naman ang oras niya para makapag isip.

"Teacher kaya? Magaling ka naman magturo," suggestion ko.

He smirked with what I just said.

Nahiya ako bigla. Bakit lahat nalang ay bagay sakaniya? He is so boyish in that smirk!

"Magaling akong magturo, Anya?" ulit niya sa sinabi ko habang nangingiti padin.

Nag iwas ako ng tingin sakaniya. Hindi ako sanay na binabanggit niya ang pangalan ko.

"O-Oo. Hindi b-ba naging tutor kita," sagot ko.

Napatango siya. "Kung ganon, ayos lang sayo na maging teacher mo ko?" tanong niya.

Nag init ang pisngi ko sa tanong niya. Naalala ko noong tinuturuan niya ako. Kung hindi ko pa pinilit ang sarili na mag focus sa mga tinuturo at sinasabi niya ay wala siguro akong natutunan.

Muntik ko ng sabihin na ayoko dahil baka wala akong matutunan pero buti nalang ay napigilan ko ang sarili ko.

"Gusto mo ba akong maging estudyante?" balik ko ng tanong sakaniya.

"Ayoko," seryoso niyang sagot.

Napanguso ako sa sagot niya. He tried not to smile.

"Ayoko sa estudyanteng naghahanap ng ibang taga turo. Pag estudyante ko dapat estudyante ko lang," dugtong niya at serysong nakatingin sa akin.

Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Nag iwas ako ng tingin sakaniya. Nag init ang pisngi ko. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin sakaniya. Bakit ba kasi eto ang napili kong usapan?

Halos pumalakpak ako noong makitang papadating na ang ang order namin. Sa waiter lang ako nakatingin at napansin din ata ni Arzel iyon kaya napatingin din siya pero binalik din sakin ang tingin.

"Bakit namumula ka? Hindi naman mainit dito, o masyado kang nalalamigan?" he asked and looked around the restaurant.

Nilagay ko sa pisngi ang dalawang kamay at pinisil. Natawa siya sa ginawa ko. Napairap ako sakaniya.

Nilapag na ng waiter ang mga pagkain.

"Thank you," sabi ko sa waiter at nginitian ito.

"Thank you Ma'am," sagot nito at umalis na.

Pagbalik ko ng tingin kay Arzel ay kunot noo at mariin lang tong nakatingin sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagsimula ng kumain.

TrepidationWhere stories live. Discover now