Kabanata 23

10 1 0
                                        

Checkpoint

Matagal pa bago kami nag hiwahiwalay. Ngayon lang din ata sila nagkita kita ulit kaya napasarap ang kuwentuhan.

Uminom din sila pero hindi naman karamihan. Sumali sakanila si Kyla pero ako hindi na dahil pagod ako.

Nauna na din akong umalis sakanila dahil inaantok na din ako.

Noong sumunod na araw ay dumalaw agad ako kila mommy at daddy. Tulad padin nang nakagawian ay bumili ako ng bulaklak.

Kung saan ako nag simula noon na bumili ng bulaklak ay doon padin ako bumibili hanggang ngayon. Gusto ko ang mga disenyo nila. Mabait din ang mga tauhan at may ari.

Halata din na umaasenso ang negosyo nila dahil lumaki na ang puwesto nila. Noong naka kuwentuhan ko ang may ari ay mayroon na din daw silang lima pang branches.

Sa loob ng mahigit walong taon na pagpapabalik balik ko sa tindahan nila ay natatandaan na ako ng may ari, kahit ang mga tauhan.

I-ni-park ko ang ang motor ko sa parking lot nila. Dati ay wala silang parking lot pero ngayon na lumalago na ang negosyo nila ay isa yon sa dinagdag nila.

Tinanggal ko ang helmet ko at noong makita ako ng may ari ay kinawayan agad ako.

"Magandang hapon po," bati ko sa matandang babae.

"Nagbabalik pala ulit ang maganda naming suki!" salubong ng matanda habang natatawa.

Nginitian ko siya.

"Linggo linggo niyo na po ulit akong makikita," ani ko.

Halata kong nagulat siya dahil napadilat ang singkit niyang mata.

Gusto kong matawa sa reaksyon niya.

"Kung ganon, hindi ka na babalik ng Maynila?" tanong niya.

Ngumuti ulit ako sakaniya bago sumagot.

"Babalik pa din po siguro pero hindi ko pa po sigurado kung kailan. I'll stay here for good po," sagot ko at ngitian siya.

"Mainam pala!"

Malaking bulaklak ang binili ko dahil noong bagong taon pa ang huling dalaw ko sakanila.

Itinali ko iyon sa likod ng motor dahil hindi ko kayang hawakan.

Katabi padin ng bilihan ng bulaklak ang paboritong pastry shop ni Tita Rita. Mukhang umasenso din dahil lumaki na din ang puwesto.

Ang mga katabi nilang negosyo ay mukhang nag alisan na at sila ang natira. Mayroong mga bagong negosyo.

Isinuot ko ang helmet at umalis na.

Masaya ako sa nakikita kong unti unti na pag unlad ng maliit na probinsyang ito. Dumadami ang mga negosyo pero nandoon padin ang bakas ng pagiging probinsya.

Kabado ako na excited sa pagbubukas ng sarili kong negosyo.

Nakakatanggap na ako ng ilang tawag para sa mga gustong umupa ng kani kanilang mga puwesto sa commercial building. Karamihan ay hindi pa sigurado kung uupa nga. Gusto munang matignan ang lugar at syempre, isa sa tinitignan ay ang upa.

Sa mga susunod na araw ay mayron akong naka schedule na mga meeting. Hindi ko ipinisan lahat sa iisang araw lang dahil parang hindi ko ata iyon kaya.

Pangatlong araw ko na ngayon dito sa San Velasco at dito padin ako pinatulog ni Tita. Plano ko nang sa bahay ko naman mamayang gabi matulog.

Nabisita ko naman na ang bahay noong mga nakaraang araw. Noong isang araw ay inayos ko na din ang mga gamit ko doon. Nag iwan nalang ako ng ilan dito.

TrepidationWhere stories live. Discover now