Opening
Pagkatapos kila Wesley ay nagpunta na ako sa iba pa. Huli ko ding pinuntahan ang Mayor.
Buti nalang at nasa opisina naman ang Mayor. Hindi ko na kailangan magpunta sa bahay nila.
"Mag aabot lang sana ako ng invitation," sabi ko sa secretary.
"Sige ma'am. Sasabihin ko po lang, upo ka muna."
"Paki sabi, pamangkin ako ni Ricardo Dela Vega," bilin ko.
Tinanguan ako ng sekretarya at pumasok sa opisina ng Mayor.
Walang interes si Tito sa politika pero kilala siya ng lahat ng politiko dito sa San Velasco. His business is a big asset to the province.
Isa sa Tito sa may pinakamalaking negosyo dito.
Madami ding taong hawak kaya nakakapang hiyakat kung sino ang dapat i-boto kapag eleksyon.
Malaki na din ang naitulong ni Tito sa San Velasco. Madalas siyang mag bigay ng donasyon kapag may pangangailangan ang probinsya.
"Pasok daw po Miss," ani ng sekretarya.
"Salamat." Tumayo ako at nag diretso sa opisina.
Medyo kinakabahan ako pero pumasok padin. Nakakahiya dahil hindi naman ako kilala, buti nalang ay kilala niya si Tito.
"Magandang hapon po, Mayor," bati ko nang makapasok.
Tumayo siya at ngiting ngiti.
"Dito tayo, hija."
Iginiya niya ang sofa. Nauna akong maupo at umupo naman siya sa malayo pa sa akin.
"Gusto ko lang po sanang iabot 'to. Gusto kayong imbitahan ni Tito Ricardo," ako at binaba ko sa lamensa ang invitation.
Tinignan niya lang yon at tumango.
"I see. You are the daughter of Valentino Alvarado?" tanong niya sakin.
Tumango ako. "Yes po," sagot ko. He smiled at me.
"You're father is a friend of mine. Wala pa ako sa politiko ay kaibigan ko na yan. It's nice seeing his only daughter."
Sinuklian ko ang ngiti niya.
"It's also nice meeting one of my father's friend. Nice meeting you, Mayor."
He's all smile. Halata ngang masaya siyang makita ang anak ng kaibigan niya.
Nakakatuwang makakita ng ilan sa mga kaibigan ni daddy. Parang ang gaan sa pakiramdam. It's like it's bringing back the memories of my late father.
I just don't know if he's trustworthy. Dahil ang dalawa sa kaibigan ng ama ko ay naging udyok sakaniya para makagawa ng masama. Sila din ang tumapos sa buhay ng magulang ko kaya hindi ko maiwan ang pag aalala.
Malapit si daddy sa mga politiko at mga alagad ng batas dahil sa negosyo, katulad ni Tito Ricardo. Kaya hindi na ako gaanong nagulat nang malaman na kaibigan niya si daddy.
Pilit ko lang siniksik sa utak ko na hindi naman ako papupuntahin ni Tito kung hindi katiwa-tiwala si Mayor.
"Masaya ako nang mabalitaan kong natapos na ang imbestigasyon sa kaso ng magulang mo. Kasama ka sa aksidente, hindi ba?"
"Opo. Walong taon na rin po ang lumipas."
"It's a good thing that you're alive. Tama din ang desisyon mo na dito sa San Veslasco i-invest ang pera mo," puri niya.
YOU ARE READING
Trepidation
FanfictionAnne Yani Alvarado is a Manila girl that was involved in a car accident causing her to have her biggest trepidation in life. Because of the accident her parents died and it caused her the need to continue her life in a small province with her auntie...