Kabanata 10

13 1 0
                                    

Bag

Kinabukasan ay hindi na bumalik si Jesther. Ang sabi niya sa akin ay kapag hindi late natapos ang training nila ay pupuntahan niya ulit ako.

Gusto nina Wesley at Warren na puntahan ako pero masyado silang gagabihin.

Okay lang naman dahil pumasok naman na din ako noong mag Miyerkules na.

Meron pading takip ang sugat ko sa noo. Gusto ko na sanang alisin yon dahil masyadong pansinin pero kung ang sugat ko naman ang ilalantad ko ay parang mas nakakahiya. Baka din madumihan ang sugat kapag walang takip kaya hinayaan ko nalang.

Noong mag Sabado ay bumalik kami ni Dave sa ospital para sa check up. Gusto sana ni Tita na siya ang sumama pero dahil may kailangan silang lakarin sa Manila ay hindi siya nakasama. Si Mang Lando nalang at si Dave ang nakasama ko.

Noong Linggo naman ay ayaw akong payagan ni Tita Rita na dumalaw kila mommy at daddy pero nagmakaawa ako sakaniya. Sa huli ay pumayag naman siya pero hindi niya na ako pinaiwanan kay Mang Lando.

Gusto akong samahan ni Kyla at Dave pero tumanggi ako dahil alam kong may kanya kanya kaming lakad kapag Linggo.

Gusto ako samahan ni Mang Lando hanggang sa puntod pero nakiusap ako sakaniya na gusto kong mapag isa habang nandoon. Pero ayaw niyang pumayag dahil nag aalala din siya kaya hinayaan ko siyang sumama pero nasa malayo lang siya at nakatanaw sa akin.

Nakakahiya naman kausapin sina mommy habang nandoon si Mang Lando. Ayoko ding makita niyang umiiyak ako.

Nalalapit na ang quarterly exam kaya ang iba naming teacher ay nagbigay na ng mga projects ngayong Monday na dapat naming gawin at next week ang pasahan.

Kadalasan naman ay mga portfolio lang. Pasalamat akong walang group project pero sa dalawang subjects ay kailangan ng partner.

Sa unang subject ay teacher ang nag decide kung sino ang makakapareha namin at si Jesther ang naka partner ko.

Tuwang tuwa si Jesther samantalang si Kyla ay naiinis dahil gusto niyang kami nalang pero hindi pumayag ang teacher namin.

Sa pangalawang subject naman ay nag request ang isa sa mga classmate namin na ang gamitin nalang na basehan ay iyong sa naunang subject para isang meeting nalang at hindi na magulo. Pumayag naman ang teacher namin dahil convenient naman para sa lahat ang naisip ng kaklase ko.

Hininto muna ang training sa lahat ng sports hanggang sa matapos ang quarterly exam para hindi maging sagabal sa pag babalik aral at pag gawa ng mga projects.

"Wala si Papa sa bahay Anya kaya pumayag ka na," pilit ni Jesther. Nagulat ako sa sinabi niya.

Ayokong pumayag na sakanila dahil natatakot ako na baka nandoon ang ama niya. Lahat na ng dahilan ay nasabi na ni Jesther para pumayag ako sa gusto niya pero hindi padin ako pumapayag.

Gusto niya doon dahil kailangan niya daw tulungan ang mama niya sa mga gawain.

"Alam mo? Sinabi sayo ni Arzel?"

Napahinga siya ng malalim.

"Hindi naman sinabi ni Kuya. Tinanong ko siya. Napansin ko lang naman eh. Kinuwento mo sa amin yung aksidente. Tapos noong birthday ko, tapos yung habulan sa bayan. Napagtanto ko lang naman. Tinanong ko si Kuya, hindi naman siya sumagot," paliwanag niya.

"Huwag mong sasabihin sa iba Jes," dismayado kong paalala ko sakaniya.

"Oo naman. Ano? Payag ka na? Kakaalis lang ni Papa kahapon at sa Biyernes pa ng gabi ang uwi niya. Lingguhan ang uwi ni Papa dahil sa ibang lugar siya nakadestino," ani Jesther.

TrepidationWhere stories live. Discover now