Kabanata 24

5 0 0
                                    

Hawak

"Sabi sayo hindi mo na kailangan magbantay dito sa checkpoint eh. Kakarating mo lang," ani ng isa pang unipormadong pulis na lumapit sa amin.

"Ayos lang naman," sagot ni Arzel.

Inaya nito si Wesley na may kailangan lang pirmahan at makakaalis na din.

Wesley decided to take his car home at siya nalang daw ang magmamaneho ng motor ko.

I was left with Arzel there. I can't give him a straight look.

Kunot ang noo ko dahil nasisilaw sa sikat ng araw. I am sure that I look irritated now.

Umatras ako ng konti para sumilong sa kakaunting anino sa gilid ng kalsada.

Sumandal ako sa motor at kinandong nalang ang helmet.

He's just intently watching me. Nakasunod ang tingin sa lahat ng kilos ko.

"Puwede ka naman sa may tent. Hindi mainit doon," biglang sabi niya.

It just made my heart pound even more. Hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako. Akala ko hanggang sa makaalis kami ni Wes, walang magsasalita sa aming dalawa.

"Hindi na... aalis din naman agad kami ni Wesley," malamig at walang emosyon kong sagot, hindi padin tumitingin sakaniya.

Pansin ko ang pagtango tango niya.

I gave him a quick look pero binawi din agad. I want to look at him but I badly try not to.

Ngayon nalang ulit ako kinabahan kapag nahinto sa checkpoint.

I think this is a different kind of nervousness.

Iba.

"You can sit there. Meron doong mono-block--"

"Ayos na ko dito," tanggi ko agad kahit di pa siya tapos magsalita. I tried to give him a smile pero sigurado akong pilit iyon.

Hindi ko na ulit siya binigyan ng tinigin.

Hindi ko alam kung paano mag response sakaniya. Hindi ko gusto na mabastos siya o ano man pero kasi... hindi ko talaga alam. Sobra akong kinakabahan.

This is not a joke.

After 8 years, ngayon lang ulit kami nagkita.

The last time I saw him was on his farewell party. And I still don't forget what he did. Hindi maganda ang huli naming tagpo kaya hindi naman siguro ako dapat maging ganon kasaya na makita siya.

I can't be the same old grade 8 Anya. I can't be that excited whenever I see him just like the old times.

Alam kong magkikita at magkikita kami, lalo na at dito naman talaga siya nakatira sa San Velasco pero hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon.

Honestly, I expect to see him sa reunion at hindi ngayon.

Hindi ko alam kung wala na sakaniya ang nangyari noon. Oo nga naman at walong taon na pero ito nanaman siya.

Acting like he cares but the truth is he's not.

Ayos na ako dito sa motor. Hindi ko kailangan na sumilong sa tent at umupo sa mono-block na sinasabi niya.

Kahit mangitim at mangawit ako dito, hindi ko susunduin ang sinabi niya.

Noong makita ko si Wesley na pabalik na dito ay tumayo agad ako. Isusuot ko na sana ang helmet ko para makaalis na.

TrepidationWhere stories live. Discover now