Dismayado
"Nakausap mo ba si Wesley?" tanong ko kay Kyla na kausap ko sa telepono.
"Oo, magkita nalang daw ulit kayo dito," sagot ni Kyla.
Noong ma final ang business plan ko ay sinimulan ko nang ligawan si Wesley. Siya ang gusto kong maging chef sa restaurant.
Nagkita kami ng dalawang beses dito sa Maynila pero hindi niya ako binibigyan ng sagot. Kaya ngayon na pauwi na ako ay nakibalita ako kay Kyla at pinakausap ko sakaniya.
"Sabihin mo hindi ako mag-o-opening hanggat hindi siya sumasagot," sabi ko.
Natawa si Kyla sa sinabi ko.
"Bakit ba kasi hindi kayo ang mag usap?"
"Hindi siya sumasagot sa messages ko. Ayoko din istorbohin masyado," sagot ko.
Malakas naman ang pakiramdam ko na papayag siya dahil kung hindi ay dapat nagsabi na siya una palang para nakahanap na ako ng iba.
I feel like he is just trying to tease me.
Humingi na din siya sa akin ng recipe ng menu.
"Is that Anya?"
Dinig ko si Tita sa background.
"Yes mom," sagot naman ni Kyla. Narinig kong hiningi ni Tita ang cellphone ni Kyla.
"Anong oras ka aalis?" si Tita na ang narinig ko.
Pumasok ako sa kuwarto at tinignan kung kumpleto na ba lahat ng dadalahin ko. Hinila ko ang isang maleta palabas ng kuwarto at dinala sa sala.
Hinihintay ko si Mang Lando para sunduin ang mga gamit ko.
"Mga 4pm po," sagot ko habang nilalabas ang mga gamit ko.
"So you'll be here late? Ilang oras ka naman bibiyahe niyan?" tanong niya.
"3-4hours?" hindi ko siguradong sagot.
"Bakit naman kasi hindi ka nalang sumabay kay Mang Lando? I'm sure that the SUV's break is working well. Maingat din magmaneho si Mang Lando," aniya.
"Alam ko naman po iyon. Wag na kayong mag aalala. Naka ilang beses na din akong naka biyahe pauwi diyan gamit ang motor. Sinasamantala ko lang din po yung pagkakataon na bumiyahe. Para na din madala ko ang motor diyan," sagot ko.
Hindi na siya nakipagtalo sa akin.
Kabado ako sa pag uwi. Hindi naman ako ganito kapag tuwing uuwi doon para sa pasko at bagong taon. Siguro dahil iba ngayon? I'll stay there for good. Hindi nalang basta bakasyon.
Dumating si Mang Lando bandang mag aalas tres na rin ng hapon. Naghahanda na din ako pag alis.
Balak ko sana mag siesta muna bago umalis para hindi antukin sa biyahe kaso lang ay hinintay ko ang pag dating ni Mang Lando kaya hindi na ako nakatulog.
Ayos lang din naman dahil tanghali na akong nagising kaninang umaga at hindi rin naman ako puyat.
Tinawag ko ang ilan sa mga bodyguards at pinatulungan si Mang Lando sa pag bababa ng mga bagahe ko.
Ngayon ang huling araw nila sa pagtatrabaho sa akin. Pag dating sa San Velasco ay hindi ko na sila kailangan.
Apat na taon din sila nag trabaho sa akin kaya kahit papaano ay napalapit na din ako sa ilan sakanila.
YOU ARE READING
Trepidation
Hayran KurguAnne Yani Alvarado is a Manila girl that was involved in a car accident causing her to have her biggest trepidation in life. Because of the accident her parents died and it caused her the need to continue her life in a small province with her auntie...