Helmet
After that call, hindi ako agad nakatulog. I never thought that he would call. Akala ko din ay tulog at nagpapahinga na siya that time. Iisipin ko na sana na hinintay niya talaga ang reply ko pero puwede din namang hindi. Baka hindi lang talaga makatulog.
Sadya siguro siyang tumawag para sabihin ang tungkol sa vacant time ko?
Kinabukasan ay hirap akong gumising dahil napuyat. I tried to conceal my eye bags. Halata iyon dahil sa maputi kong mukha.
Ngayon ko napagdesisyunan na kausapin si Arzel tungkol sa pag-tu-tutor niya sa akin. Ayos lang naman kung bibitawan niya ako at pipiliin niya ang pagiging player at coach nina Jesther.
Sa klase ay naghintay ako ng magiging vacant time namin pero wala. Ang tanging oras lang na wala kaming klase ay noong break time at lunch break kaya naghintay nalang ako hanggang sa mag-uwian.
Nagtext ako kay Arzel na sa labas nalang kami magkita. Tinext ko sakaniya ang isang kainan sa kabilang bayan.
Hinihintay ko ang pagbalik ng SUV sa parking noong may marinig akong asaran sa isang banda.
"Jero, lapitan mo na!"
"Bahala kayo diyan! Mapapagalitan tayo ni coach!"
Nilingon ko iyon at napansin ang grupo ng mga lalaki na naka jersey. May isang lalaki na nauna na sa pag alis habang ang mga kasama nito ay nagtatawanan padin at patingin tingin sa banda ko.
Hinarangan ng mga kaibigan niya ang lalaki.
"Nandito na tayo! Lapitan mo na!" Pilit ng mga kaibigan niya.
Hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy ng mga ito pero sa akin sila nakatingin.
Lumingon sa banda ko ang lalaki.
"Sige na, Jero!"
Bahagya naman akong kinabahan dahil napilit siya ng mga kaibigan niya. Naglalakad siya ngayon papunta sa akin.
I looked away.
"Hi..." ani 'to noong makalapit sa akin.
I actually don't know how to react. Hindi ko ito inaasahan. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at bakit hindi ko na ata alam kung paano mag-handle ng ganito?
I tried to take back my guts. You're used to this Anya!
I looked at him. "Hi."
"I'm Jero," he smiled at me confidently. Tila wala na ang hiya kanina habang inaasar ng mga kaibigan.
"Yeah, I heard it from your friends back there," ani ko sabay nguso sa mga kaibigan niyang tila hinihintay kung anong mangyayari.
"You are Anya, right?" he asked. Napataas ang kilay ko dahil alam niya ang pangalan ko.
Huminga siya ng malalim, tila humuhugot ng lakas ng loob.
"You know, uhmmm... the... love letter?"
Nanlaki ang mata ko.
"Ikaw yon?" Tanong ko at pareho kaming napatingin sa pagdating ng SUV namin.
Tumango siya. "Yeah but... I'm really sorry. I really need to go. I hope I see you around," aniya habang patingin-tingin sa relo, halatang nagmamadali. Siguro ay may basketball training.
Kinindatan niya ako bago tinalikuran. Napangiti ako sa ginawa niya. In fairness, he's cute.
Pumasok ako sa SUV. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin ni Mang Lando.

YOU ARE READING
Trepidation
FanfictionAnne Yani Alvarado is a Manila girl that was involved in a car accident causing her to have her biggest trepidation in life. Because of the accident her parents died and it caused her the need to continue her life in a small province with her auntie...