Simula

23 1 0
                                    

052120

Hope you will like this story. I'm not really a writer. I'm trying so hard to finish this novel. Nagdadalawang isip ako kung dapat ko ba 'tong i-publish kahit hindi pa tapos. Writing is actually my weakness. Hate ko ang mga pa-essay sa school, hahahaha. But I really want to try. Mapapansin niyo, I barely describe things. I'm not good at describing things. I don't know if I write and explain here the right emotions that should be felt. But I really do hope that you'll like and appreciate this story.

Enjoy reading and thank you in advance!
---------------------
Pulis

"I'll recommend a tutor for you," ani ng aking adviser pagkatapos ng aming klase.

Huli na ako ng halos isang buwan. Dahil doon ay huli na din ako sa klase. I told my teacher that I can handle myself pero pilit niya akong kinukumbinsi na magpa-tutor. Well, it's not bad. Mas maigi nga siguro kung mayroong tutor.

"Sige ma'am, kung anong tingin niyo na mas maigi," sagot ko para hindi na humaba ang usapan.

I don't mind having a tutor pero mas convenient lang naman sa akin kung wala na iyon. Tingin ko kasi, it would take a lot of my time. Kailangan may fixed na schedule.

It was a boring day of my first day of school, I mean, in other school.

Lumabas ako ng room at nakitang nag-aabang na don si Kyla, Warren, Wesley at Jesther. Ang sabi ni Kyla ay birthday ni Jesther kaya may kaonting salu-salo sa kanilang bahay. Ayoko sanang pumunta pero hindi ako titigilan ni Kyla hanggat hindi ako pumapayag.

Sinalubong ako ni Jesther. "Ano? Tara? Hindi yon kasing garbo tulad ng dinadaluhan mo sa Maynila pero masaya," pagkumbinsi niya sakin.

Isang araw ko palang sila nakikilala pero aaminin ko, masaya sila kasama at kausap. Bahagya akong nahiya. Iniisip niya bang ayoko dumalo dahil iniisip kong hindi iyon malakihang salu-salo? Ayoko lang talagang sumama dahil tingin ko hindi pa ako dapat magsaya. Isang buwan palang mula noong namatay si mommy at daddy kaya tingin ko hindi pa dapat.

"It's okay Anya. Tito and Tita will understand," ani Kyla, pertaining to mommy and daddy.

"Magbihis muna tayo," ani ko dahil ayokong pumunta na naka uniporme.

"Yes!" Sigaw ni Jesther.

Umuwi kami ni Kyla para magbihis. Kyla is my cousin, may kapatid siya, si Dave. Since the accident happen, dinala na ako ni Tita Rita dito sa probinsya. Tita Rita is my father's younger sister. Dito din pinadala ni Tita Rita ang labi ng aking magulang. No one will look after me in Manila. Tingin din ni Tita na mas ligtas kung dito ako sa probinsya.

At first, ayoko talaga. My life is in Manila. Pero wala akong magagawa.

"Kyla you didn't inform me earlier. Wala akong regalo kay Jes."

"It's okay, hindi iyon maghahanap ng regalo," ani Kyla pero hindi ako nakuntento kaya inaya ko siya sa bayan para makabili ng regalo.

I suddenly felt the difference. Iba ang buhay dito. I expected a mall pero wala, puro tiange-an lang. Nahihiya akong bumili ng mumurahin pero naisip ko, sanay naman siguro sila sa ganito.

"Wala bang mall, Kyla?"

Natawa siya sa tanong ko. "Meron naman pero sa kabilang bayan pa. Kung pupunta tayo don, gagabihin na tayo sa pagpunta kila Jesther."

Sa huli, wala akong nabili. Maybe I'll just go to the mall on the other day?

Bumalik kami at nagpunta sa bahay nina Jesther. Huminto ang SUV namin sa isang tulay.

"I'll just call you Manong," ani Kyla sa driver.

"Nandiyan na si Dave pero hindi naman niya kayo maisasabay pauwi dahil motor lang ang dala niya kaya tawagan niyo nalang ako. Mag-iingat kayo. Tawagan mo na ang Kuya mo at magpasundo na kayo. Huwag kayong maglakad papunta sa mga Sobejana," ani Manong Lando.

TrepidationWhere stories live. Discover now