Kabanata 1

14 1 0
                                    

Kapatid

It is weird for others. Oo, takot ako sa pulis. It's ridiculous to feel unsafe around them. Aminin man o hindi pero hindi lahat ng pulis ay mabuti. Meron talagang masama ang hangarin.

Hinatid ako ni Arzel. Nag-alala si Tita sa nangyari. Alam niya kung gaano kalaki ang epekto sa akin ng aksidenteng iyon. I expected Kyla to tease me tungkol sa paghatid ni Arzel sa akin pero walang dumating, at gusto ko iyon. Hindi ko gustong tinutukso niya ako kay Arzel.

Tinatamad akong pumasok kinabukasan pero pinilit kong pumasok. Nakakahiya na kaka-transfer ko lang ay a-absent agad ako.

Pagdating sa building namin ay ramdam ko ang tingin ng mga naroon. Ganoon din naman kahapon ang tungo nila sa akin pero pakiramdam ko ay iba ngayon. Hindi ba sila sanay na mayroong nag-ta-tranfer sa school nila?

Tinignan ko ang mga naroon. Ang ibang nakita ko ay naroon sa birthday ni Jesther kahapon. Nadismaya ako sa ginawa ko kahapon. I got carried away. Nataranta ako. I made a scene for sure. Kaya siguro iba ang pakiramdam ko sa tingin nila sa akin ngayon.

"Siya yon diba? Yung tumakbo bigla pagkatapos makabasag?"

"Ano yon? Natakot sa nabasag na pinggan?" Rinig ko ang tawanan nila.

I groaned. They don't know anything. Tingin ba nila, tumakbo ako dahil nakabasag lang ng pinggan? Napailing ako at nagsuot ng earphone para hindi na marinig ang usapan.

Bigla kong naisip si Arzel. Ganon din ba ang iniisip niya?

Kaya niya ba ako sinundan agad para sa pinggan?

I think it is better that way. Siguradong pagtatawanan lang ako ng mga nandito kapag nalaman nila ang tunay na dahilan, hindi sa hindi pa nila ako pinagtatawanan pero mas okay na iyon. Tumakbo ako dahil may pulis. Kapag nalaman nila yon ay baka iba pa ang isipin nila.

I should talk to Kyla. Hindi niya dapat iyon i-kuwento sa kahit kanino. Sana ay hindi niya pa yon nasasabi kina Jesther.

Hindi kami sabay ni Kyla pumasok dahil hindi pa ako sigurado kung papasok ba ako o a-absent nalang kaya pinauna ko na siya, hindi naman kalayuan ang school kaya kahit kinse minuto nalang ay hindi pa din naman ako ma-le-late.

Noong dumating ako sa room ay agad ding dumating ang adviser namin para sa unang klase sa araw na iyon. Tahimik sa klase at tutok ang lahat sa pakikinig pero wala ako sa sarili at iniisip padin ang nangyari kahapon.

Ngayon lang ata ako nahiya ng ganito.

"Let's talk about your tutor later, Anya. After class, sa faculty room. Hindi ko pa siya nakakausap kaya mamaya nalang," ani ng adviser namin pagkatapos ng klase.

"Okay ma'am."

Noong maglunch time ay nagpunta kami sa school canteen. Maingay ang mga estudyante.

"Jes, sorry kagabi. Nasira ko ata yung party mo... tsaka... yung ano... yung pinggan niyo. Papalitan ko nalang," ani ko habang kumakain kami.

Natawa siya sa sinabi ko. "Huwag mong isipin yung pinggan namin. Ang importante, ayos ka lang. Nag-alala kami sayo. Hindi mo kabisado ang lugar dito." He said.

Naisip ko ang nangyari kagabi. Ano kayang nangyari pagkatapos kong umalis? Natuloy parin kaya ang kasiyahan nila? Hindi naman siguro naging mabigat para sa kanila ang nangyari. Hindi ko rin sigurado kung marami ang nakapansin sa pag-alis ko pero naalala ko ang usapan kanina ng mga tao sa building namin. Meron ding nakapansin.

Plano kong pumunta sa isang mall sa kabilang bayan pagkatapos kong kausapin si Ma'am Mercedes tungkol sa tutor ko. Sino kayang tutor? I wish hindi siya gaanong istrikto at masungit para hindi ako mahirapan. Sana din magtugma ang schedule namin. Ayon kay ma'am, mabait naman daw iyon. Achiever at scholar din.

TrepidationWhere stories live. Discover now