Kabanata 6

8 1 0
                                        

Tutor

Tuwing naiisip ko na umuwi siya para kumuha ng extrang helmet para sa akin ay parang may kakaiba akong nararamdaman. Thinking that he wants me to ride with him gives me unexplainable feelings.

Hinintay niyang dumating si Mang Lando at sinundan niya lang ang sasakyan hanggang sa makarating sa bahay. Noong makapasok kami sa garahe ay saka lamang siya umalis at bumusina pa, siguro ay senyales na aalis na siya. Sinagot naman iyon ni Mang Lando ng busina din.

Kyla was waiting for me to come home. Dahil as expected, mangungulit siya kung anong nangyari sa pagkikita namin ni Arzel.

Gusto niya pang makipag kuwentuhan sa akin pagkatapos ng hapunan pero tinanggihan ko na siya dahil pakiramdam ko ay sobrang pagod na ako para sa araw na iyon.

Gusto ko pa sanang i-kuwento sakaniya iyong tungkol kay Jero pero kinabukasan nalang. Ang naikuwento ko nalang ay ang tungkol sa pagkikita namin ni Arzel dahil alam kong hindi niya ako titigilan tungkol doon.

Sinabi ko sakaniya ang lahat.

"Of course, tatanggi yon," aniya.

"At first ayaw niyang tanggapin yung pera pero kinuha din pero hindi siya pumayag na ako ang magbabayad sa bill namin," ani ko.

"You really think a man like him would let a girl pay for his meal? No way, Anya."

"Ade parang wala lang din na binayaran ko siya? Kasi ginastos niya din para sa kinain namin," angal ko.

Kinabukasan, pagkatapos nang lunch break ay tumambay muna kami sa mga pahingahan sa loob ng school. Wala kaming klase ng isang oras kaya hindi muna bumalik ng classroom.

I would be lying kung sasabihin kong hindi ko namimiss ang Manila. Pero hindi ko din inakala na tatagal ako dito. Noong malaman ko ang desisyon ni Tita na dalin ako dito ay umangal ako at tumanggi.

She was mad at for being disobedient. Ayokong iwan yung mga kaibigan ko. But then I realized, wala manlang nakaalala saakin sakanila. There's no chats, text or call.

They're not that bad. I had many good memories with them. Pero nagbago ang tungo ng iba noong malamang pabagsak na ang negosyo namin. Ngayon ko lang napagtanto na iba talaga ang nagagawa ng pera sa tao.

Ang hindi lang nagbago ang pakikitungo sa akin ay si Ethan. Hanggang ngayon, I am waiting for his message. Hindi ko alam kung anong nangyari at parang pati siya ay hindi na ako naalala.

Hindi ko inakala na makakahanap ako ng kaibigan dito sa probinsya. Higit sa kanilang apat, kay Jesther ako pinaka nagpapasalamat. He's like a brother to me. Iba ang gaan ng pakiramdam ko sakaniya.

Hindi ko lang malaman kung bakit hindi ko iyon nararamdaman sa kapatid niya. I am always comfortble being with him, walang ilang, walang hiya. Unlike with his brother, Arzel. I am always uneasy whenever I am with him. Pakiramdam ko ay nawawala ang confidence ko kapag kasama ko siya. I am always conscious with myself.

"Guys, do you know Jero?" Tanong ko sakanila.

Natigil ang boys sa pinag-uusapan nila tungkol sa basketball training nila. Si Kyla naman ay halos malaglag mata. I don't know pero parang ang OA naman ata ng reaksyon nila.

"You mean Jerick Roneil?" Tanong ni Kyla.

I shrugged. "I don't know. Basta he is Jero."

"What's with him?"

TrepidationWhere stories live. Discover now