Manliligaw
Hindi ako mapakali. I was preoccupied when Jero continue explaining to me. Nahihiya ako sakaniya kaya noong tumunog ang cellphone niya ay halos magpasalamat ako.
"Excuse me," paalam ni Jero at tumango ako sakaniya.
"What's going on here?" makahulugang tanong ni Kyla at pabalik balik ang tingin niya sa akin at kay Jero na nasa may main door at may kausap. Sa ingay niya napalingon saglit sakaniya si Jero pero pinagpatuloy na ang pakikipag usap sa cellphone.
Naupo si Kyla sa tabi ko. Kita ko ang pagtaas ng kilay niya nang makita ang mga gamit ko sa center table dito sa sala.
"Wait Anya, nagpapaturo ka ba kay Jero?" walang pasintabi niyang tanong.
"Can you please lower down your voice?" ani ko sakaniya dahil nakakahiya kay Jero.
Nanlaki ang mata.
"Arzel is up there! Nasa study room sila ni Kuya..." napatakip siya ng bibig at hindi maituloy ang sinasabi.
Napahilamos ako ng mukha.
"I know what you are thinking, okay?" I sighed. Mas lalo lang atang nadagdagan ang problema ko dahil kay Kyla. Ang OA pa naman ng isang to!
"Anya, I'm sorry. I need to go home. Tumawag si dad," ani Jero noong bumalik.
Tumayo ako at lumapit kay Jero.
"I understand."
Hinatid ko siya sa labas at hindi ko napansin na nandoon pa pala ang sasakyan nila.
Hindi naman sa gusto ko siyang pauwiin pero medyo gumaan ang pakiramdam ko noong sinabi niyang kailangan niyang umuwi.
Gusto niya sanang hintayin si Tito at Tita dahil matagal na daw siyang hindi nakakabisita pero kailangan niya na talagang umuwi. Nalaman kong business partner pala ni Tito ang daddy niya.
I waited for him to go bago bumalik. Kinakabahan akong bumalik sa loob.
I wanted to explain everything to Arzel. Ito ang pinagtaluhan namin. Baka isipin niyang totoo nga ang iniisip niya. Baka isipin niyang pinahinto ko siya dahil gusto kong iba nalang ang magturo sa akin.
Niligpit ko ang nga gamit ko at hindi pinansin si Kyla na sinusundan lang ng tingin ang bawat ginagawa ko.
Pumanik ako at nadaanan ko ang study room. Sabi ni Kyla ay nandito sila. Ano kayang ginagawa nila?
Pumasok ako sa kuwarto at ipinaglatuloy ang ginagawa pero halos wala ding maintindihan dahil kung ano ano ang pumapasok sa isip ko. I took my phone instead and browse on social media. I open the wifi and notifications fire up. Hinintay kong matapos ang pagpasok ng mga notification at messages.
Most of the notifications are friend request and follows. I ignored it and went to the messages. Kadalasan ding message ay sa request.
Nanlaki ang mata ko noong makitang may message si Ethan!
Ethan Fuentes:
I'm sorry ngayon lang ako nakapag message. How are you? I hope you're all fine. I know it's not yet safe for you to come back here but I'm missing you. I wanna see you. Sana makabalik ka na. Or I wish I could have a chance to at least visit you.
Halos tumigil ang mundo ko sa message na natanggap ko. It's almost two months since the accident pero ngayon lang siya nag message. I don't know his reason yet but his one message is enough for me to forgive him.
YOU ARE READING
Trepidation
FanfictionAnne Yani Alvarado is a Manila girl that was involved in a car accident causing her to have her biggest trepidation in life. Because of the accident her parents died and it caused her the need to continue her life in a small province with her auntie...
