Finality
Kay Dave na ako sumabay pauwi.
"Pinopormahan ka ba ni Jesther?" Tanong ni Dave noong makarating kami sa mansyon.
"Hindi. Kaibigan lang talaga, Kuya Dave."
Nagtaas siya sakin ng kilay at tumango. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. Napanguso ako.
He chuckled. "Wala namang problemang humanga o magkagusto pero hanggang doon nalang muna sana. Masyado ka pang bata."
"Wala naman akong gusto kay Jesther eh."
"Kung ganon, sino ang gusto mo?"
Kinabahan ako sa tanong niya. May pumasok sa isip ko pero binaliwala ko iyon. Imposible!
"W-wala... wala pa!"
Natawa siya at pumasok na kami. Nag diretso ako sa kuwarto. Naligo ako saglit at nag palit ng damit, pambahay. Tumunog ang cellphone ko para sa isang text message, wala sa sarili ko itong kinuha at binasa ang mensahe.
Naupo ako sa kama.
Unknown Number:
Nasa baba ako. Itutuloy pa ba natin ang session ngayon?
Nanlaki ang mata ko. Kahit hindi nagpakilala ay alam ko na kung sino iyon!
Halos malaglag ang cellphone ko sa gulat noong tumunog ulit iyon para sa isa pang text message.
Unknown Number :
This is Arzel.
I saved his number. Kinuha ko ang module sa bag ko at madaling bumaba. Muntik pa akong madulas dahilan ng pagkakapahiya ko noong makita ko silang dalawa ni Dave na nasa sala at napatayo, siguro nakita na muntik akong mahulog!
"Be careful, Anya!" Sigaw ni Dave at lumapit sa akin. Nanatili si Arzel sa sala. Hindi ko maipinta ang mukha niya, natatawa ba o naiinis.
"S-Sorry..."
Inalalayan ako ni Dave hanggang makakababa mula sa hagdan.
Dave left us there. Doon kami sa sala. Gusto ko sana sa may garden dahil kita agad kami ni Kyla dito pero nauna na siyang naupo sa sofa kaya sumunod nalang ako. Am I too late? Anong oras na ba?
"Nakalimutan mo?" Tanong niya pagkabigay ko nung module sakaniya.
"Nawala sa isip ko," sagot ko. Napatango siya habang tinitignan ang module. I looked at him intently.
I saw his long eyelashes moves when he blinks. I swallowed when I saw his adam's apple move when he swallowed involuntarily. He's wearing gray t-shirt and faded maong pants. Hindi ko alam na maganda pala ang ganong suot. I saw he sweat kaya tinignan ko ang bintilador na malayo sa amin at umiikot ang ulo.
Tumayo ako at inilapit ng bahagya sa amin at itinapat sa kaniya. Bakit pa kasi siya nagpantalon kung naiinitan naman pala?
Nagulat ako noong napansin na pinapanood niya pala ang ginagawa ko.
"Anong ginagawa mo?" Tanong siya.
"You're... You're sweating," sagot ko.
"Wag mo itutok sakin. Matutuyuan ako ng pawis."
Nataranta ako sa sinabi niya kaya agad ko iyong pinaikot. Is that bad? Ang matuyuan ng pawis?
"S-sorry."
"Come here. Maupo ka nalang." Kumalabog ang puso ko sa marahan na pagkakasabi niya.
Naupo ako katapat niya. We started. Hindi ko alam kung may naintindihan ba ako sa mga tinuro niya. I tried to focus listening intently to him. I can say he is a good tutor. May pagkakataon na napipigilan ko ang sarili sa panunuod sakaniya pero madalas ata ang pagkakawala ko sa focus.
YOU ARE READING
Trepidation
FanfictionAnne Yani Alvarado is a Manila girl that was involved in a car accident causing her to have her biggest trepidation in life. Because of the accident her parents died and it caused her the need to continue her life in a small province with her auntie...