Letter
"Okay. Let's just talk about your day."
As always, before we start, he's always asking how's my day. Binaliwala ko yon. Maybe he's just lighting up the mood before we start. Kaya napatingin ako sakaniya sa sinabi niya. I expect him to go home and rest, not to hear about what's up with my day.
Ano nga bang nangyari ngayong araw? Wala namang bago. Nag-quiz, lecture, discuss at kung anu-ano pang kadalasan na ginagawa sa klase.
"Just the usual. How about yours?" Ibinaling ko sakaniya ang tanong na hindi ko naman madalas na ginagawa. Eh wala naman akong makuwento eh.
"Hi Anya," napalingon ako kay Kyla. Siya ang may dala ng merienda. Dalawang juice at ilang sandwich.
"Bakit ikaw ang nagdala niyan?" Tanong ko.
Nagkibit balikat lang siya. Nilapag ang merienda sa table. Kinuha niya ang tray. Kumunot ang noo ko sakaniya.
"Mamaya ha? Basahin natin ang love letter ng admirer mo!" Humagikgik siya at sabay na umalis. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.
Oh gosh! Hindi parin siya tapos sa love letter na yon? I actually forgot about it.
I got it. Inuuto niya ako para lang payagan ko siyang basahin ang love letter. I actually don't mind if she will read it, pero tuwing naiisip ko ang mga pang-aasar niya, mas pipiliin ko nalang na huwag niya ng basahin. Paano kung nandoon ang pangalan noong nagbigay? I know what she can do. Nakakahiya!
Napahilot ako sa sintido ko. Sumasakit ang ulo ko sakaniya.
"Love letter, huh?" Mariing sabi ni Arzel dahilan ng pag-angat ng tingin ko sakaniya.
Hindi ko alam kung guni-guni pero parang naging interesado siya. Umayos ako ng upo at hinarap siya ng mabuti samantalang siya ay nakasandal sa upuan. His long legs are wide open. Ang kaniyang jersey shorts ay hanggang ibabaw nalang ng kaniyang tuhod. Nagtaas siya ng kilay.
"Yeah... I... I actually forgot about it." I sounds defensive and I hate it.
Kanina lang ay nagtatanong siya kung anong nangyari sa araw ko, at hindi ko nasabi sakaniya ang tungkol sa love letter. Why do I feel guilty for not saying this to him? I honestly forgot about it pero pakiramdam ko, mas gugustuhin ko ding hindi niya yon malaman kahit natatandaan ko ang tungkol don.
Tumango-tango siya at umayos ng upo. He looks doubtful to what I just said. Tingin niya ba nagsisinungaling ako sakaniya?
Magpapaliwanag sana ako na hindi ko talaga naalala ang letter pero bakit naman ako magpapaliwanag sakaniya? I don't have anything to prove to him. Hindi ko nga alam kung talagang confiscated ang phone niya kaya hindi siya nakatext. But I don't care, mas okay nga kung hindi na siya nagpunta.
"So you got admirers," komento niya.
"This is the first time. I mean, here in the province."
"Sa Maynila?"
"Madami," wala sa sarili kong sagot.
I saw his jaw tensed. I watch how his adam's apple move. Kung kanina ay mukha siyang hindi naniniwala, ngayon naman ay para siyang problemado.
I'm just being honest here.
"How about... boyfriend?"
Halos mabilaukan ako ng sariling laway sa sunod na tinanong niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako pero hindi ko na napigilan ang pagngiti. He's really interested. Bakit?
I looked at him while smiling at siya naman ang nag-iwas ng tingin at nagsungit ulit.
"Wala..." I honestly said. "But I entertain suitors," dugtong ko.
YOU ARE READING
Trepidation
FanfictionAnne Yani Alvarado is a Manila girl that was involved in a car accident causing her to have her biggest trepidation in life. Because of the accident her parents died and it caused her the need to continue her life in a small province with her auntie...