Kabanata 11

10 1 0
                                    

Selos

Inisip ko kung anong ibig sabihin niya na iintayin niya ako. Iintaying pumunta sakanila para sa project namin ni Jesther? Ibig sabihin ba noon ay gusto niya akong makita?

Natawa ako sa sarili. Bakit naman niya ako gugustuhing makita?

Pinilig ko ang ulo ko para matigil sa kung anu anong iniisip.

Kahit noon pa man ay lahat ng kilos niya ay napapansin ko, rason kung bakit ako lumalayo at umiiwas. Ngayong nagkaron ako ng pagkakataon na mapalapit at makasama siya ay mas madami pa akong napansin na kilos niya, lalo na kung tungkol sa akin. Tulad nalang ng paghatid niya sa akin ngayon at ang sinabi niya kanina.

Those little efforts somehow affect me and it means so much to me.

Ayokong bigyan ng kung anong kahulugan ang mga kilos at salita niya dahil imposible ang naiisip ko.

Noon ay hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit ako umiiwas sa kaniya pero ngayon parang naiintindihan ko na.

Maybe my unconscious self is protecting itself.

Medyo pinahirapan akong matulog ng salitang binitiwan niya kaya kinabukasan ay medyo hirap ako sa pag gising pero sumabay padin ako kay Kyla sa pagpasok.

Paglabas ng sasakyan ay kita ko din ang pagdating ni Arzel. Hindi ito ang unang pagkakataon na halos sabay ang dating namin pero hindi tulad ng dati, ngayon mayroon siyang angkas.

Sinundan ko sila ng tanaw at huminto sila sa may kalayuan kung nasaan kami.

"Mag ingat kayo ha," bilin ni Mang Lando.

"Salamat po," sagot ni Kyla.

Nagulat ako sa pag sarado ng pintuan ng sasakyan dahilan ng pag alis ko ng titig sa dalawa.

"Hoy ano? Ayos ka lang?" natatawang tanong ni Kyla sa akin.

Binalik ko ang tingin sakanila. Bumaba ang babae sa motor. Hinawakan siya ni Arzel sa baraso bilang alalay sa pagbaba. Tinanggal ni Arzel ang helmet na nakasuot sa babae habang nakaupo padin sakaniyang motor. The girl smiled at him sweetly.

Tinignan kong mabuti ang babae. She's wearing the usual senior uniform. Skirt and blouse.

Nakapalda!

I clenched my fist and jaw. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

That girl is wearing a damn skirt! A skirt that is shorter than juniors'!

"Ano bang tinitignan mo?" tanong ni Kyla.

Hinila ko paalis ng parking si Kyla pero hindi siya nagpahila sa akin.

"Is that Arzel? Sinong kasama niya?" tanong niya at tinignan ng mabuti ang dalawa, kinikilala kung sino ang kasama ni Arzel.

"Tara na Kyla, ma-le-late na tayo," hila ko sakaniya.

"Wait Anya," natatawa niyang sabi.

Tamad ko siyang binalingan. Nakatingin padin siya kung nasaan ang dalawa. I sighed.

"Is that Sophie?" hindi makapaniwalang sabi niya.

Sa inis ko ay umalis ako mag isa sa parking at iniwan si Kyla. Kung ayaw niyang umalis doon at gustong panoorin yung dalawa ay bahala siya!

I can't believe it!

What does that mean? She let that girl to ride with him even on skirt. Tapos pag ako, hindi puwede?

TrepidationWhere stories live. Discover now