Kabanata 2

16 1 0
                                    

Well trained

Tama ang hinala ko, susundan niya lang ang SUV namin hanggang sa bayan. Pumarada ang sasakyan namin sa malayo pa sa mga tiange.

"Bawala na pumarada don, Anya. Dito mo nalang ako balikan. Bilisan mo daw sabi ni Kyla," ani Mang Lando noong huminto na ang sasakyan.

"Opo Manong."

I remember Kyla, what will be her reaction kapag nalaman niyang kasama ko si Arzel? Siguradong aasarin lang ako noon.

Naalala ko ding tutor ko si Arzel at mapapadalas ang pagpunta niya sa bahay. Hindi puwedeng hindi iyon malaman ni Kyla. Naiisip ko na ang makahulugang tingin niya habang nakaklase kami ni Arzel sa mansyon. Wala pa man din ay nahihiya na ako sa maaaring gawin niya. She will tease me for sure.

I would tell her later para balaan na siya.

Nakita kong ipinarada din ni Arzel ang motor niya sa tabi ng SUV. Pinauna ko siya sa paglalakad at sinundan ko lang siya. Dinig ko ang bati ng mga nagtitinda doon sakaniya. He seems popular with the vendors here. Madalas ba siyang mamili?

He politely reply to the vendors. Maski mga kargador na nagdadaan ay binabati siya. At ako naman ay tahimik lang na sumusunod sakaniya.

"Ano bang balak mong bilhin?" Tanong niya na nakapagpagulat sa akin dahilan ng pagkakahinto ko.

"S-Sapatos sana o kaya ay relo, " sagot ko. Nakatingin lang siya ng seryoso. Tumango siya.

Lumapit siya sa tindahan na may mga relo. Magaganda naman ang mga iyon pero iniisip ko kung magtatagal ba ang mga iyon. Siguradong malaki ang kaibahan ng presyo dito at sa mall.

"Pumili ka na."

Lumapit pa ako sa mga iyon.

Naghanap ako ng walang nakalagay na brand. I look for simple pero babagay sa palapulsuhan ni Jes. Hindi maputi si Jes. He has the same complexion as Arzel. Parehong kayumanggi katulad ng karamihang nakatira dito.

Wala akong mahanap na babagay kay Jes sa mga nasa baba so I looked up. Doon ang mas magaganda. Itinuro ko ang nasa pinakataas. It's a black wrist watch. Simple pero maganda. Limitado din ang disenyo.

"Patingin po ako non," tinuro ko ang relo.

Kinuha ito ng tindero at ibinigay sa akin.

"Ano sa tingin mo?" Tanong ko kay Arzel.

He just looked at me seriously. "Maganda," pilit niyang sagot.

Napairap ako dahil sa kawalan niya ng interes. Narinig ko siyang nagbuntong hininga.

I should be thankful na sinamahan niya ako pero kung hindi niya talaga gustong sumama ay dapat hindi na siya sumama. Isa pa, he volunteered to come with me. Hindi ko siya inaya. Hindi ko naman kailangan na samahan niya ako, ang kailangan ko lang naman ay sagutin niya ang tanong ko kanina.

Bakit ko ba hinayaang samahan niya ako?

"Magkano po?"

"500 hija."

Kumuha ako ng pera sa pitaka. I gave the vendor a 1000 cash.

Inilagay ng tindero ang relo sa isang kahon. Bumili rin ako ng maliit na paper bag na magkakasya ang kahon ng relo.

Maghahanap pa sana ako ng iba pa pero nawalan na ako ng gana.

Naiinis ako tuwing naiisip na ayaw niya talagang sumama.

Then why did he come with me?!

I calm myself. Bakit ko ba to ginagawang big deal? Kung ayaw niya akong kasama, ayoko din siyang kasama! Anyway, ever since naman ay ayoko na siyang makasama. I even make excuses para lang makaalis ng mansyon tuwing nandoon siya o kaya ay hindi nalang lalabas ng kuwarto.

TrepidationWhere stories live. Discover now