Kabanata 19

7 1 0
                                    

Words

Umalis ako doon at nag abang ng tricycle para umuwi. Sinundan ako ni Dave pero hindi ko siya kinikibo hanggang sa makauwi.

Sa kuwarto ako tumuloy. Kinabukasan ay halos hindi ako lumabas ng kuwarto ko. Noong mag Linggo din ay lumabas lang ako para bumisita kila mommy.

"Sorry na Anya. Huwag mo naman akong idamay sa galit mo kay Kuya," ani Jesther noong mag simula na ang klase.

Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan. Hindi naman niya kasalan kaya hindi ako galit sakaniya. Nahihiya lang ako.

I was too emotional that time at hindi ko napigilan ang sarili ko. Laking pasasalamat ko lang na wala kaming school mates ngayon na nandoon.

I looked at him and smiled.

"Hindi naman ako galit sayo," ani ko.

"Akala ko galit ka din sakin eh," aniya.

"Bakit naman ako magagalit sayo? I never asked you anything about your brother. You never lied to me. It's just your brother who lied," ani ko.

"Naiintidihan ko naman kung bakit nag sinungaling si Kuya. Kilala ko ang kapatid ko. Ayaw lang ni Kuya na matakot ka sakaniya. Ayaw ni Kuya na layuan mo siya," paliwanag ni Jesther.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. I remembered Arzel telling me na ayaw niyang layuan ko siya.

"Anya, sometimes there are good lies. There are lies that has a good purpose," Jesther said.

Napatingin ako sakaniya.

"Lies are lies, Jesther. Kahit anong sabihin mo hindi padin tama. Isa pa, bago ko pa nalaman na papasok siya sa PNPA, he already distanced his self to me. So what's the purpose of his lies?"

Hindi na din siya nakasagot kaya biniro ko siya.

"Baka balak mo din mag pulis, sabihin mo na," biro ko.

Natawa siya.

"Ang gusto ko maging Abugado," sagot niya.

It was a tough talk with Jesther. Naiwan sa akin ang mga sinabi niya.

If you really think of it, there are lies that has good intentions. They lie to you because they doesn't want to hurt you with the truth. But lie is never a solution.

Kahit anong gawin mo lalabas at lalabas ang totoo. Minsan yung iniiwasan mo na makasakit ka, kapag nalaman ang totoo, mas masakit pa ang nadudulot kesa sa inaasahan mo.

Sa pagdaan ng taon mas naging malapit ako kila Warren at Wesley, lalo na kay Jesther. Nagkaron na rin ako ng iba pang kilala sa ibang grade level at sections.

Tulad ng inaasahan dati ni Jesther mas dumami pa ang naging interesado sa akin. Madaming gustong sumubok manligaw pero kadalasan ay hindi ko pinagbibigyan.

Nagpapakita padin si Jero ng motibo pero kahit kailan ay hindi naman nagsabi na gustong manligaw. Hindi ko din naman siya nababalitaan na nagkaron ng girlfriend hanggang sa makagraduate ng senior high school.

Mula noong grade 8 hanggang sa mag grade 10 kami nila Jes ay hindi kami nagkahiwa-hiwalay. Nag moving up kami na lahat kami ay nakakuha ng medalya.

We started to part ways for our soon careers on our senior high school years. Warren wants to be an engineer so he chose to go for STEM. Si Warren naman ay TVL, he loves cooking and wants to be a chef. Si Jesther, tulad ng sinabi niya sa akin noon ay gusto niya maging Lawyer so he go for HUMSS. Kami ni Kyla ang natirang magkasama and we go for ABM para sa business.

TrepidationWhere stories live. Discover now