Promotion
Hindi ko na hinintay na tumayo siya sa upuan niya at tinalikuran ko na sila. Narinig kong umatras ang upuan niya.
Noong nasa garahe na ay kinuha ko agad ang helmet ko. Bago ko pa maisuot yon ay nagsalita siya.
"Ayaw mo bang sumabay nalang sakin?" tanong niya.
Ibinaba ko ang helmet ko.
"Ah. No thanks. Ayos na ako dito," sagot ko.
It's ridiculous na dati ay siya ang naka motor at ako ang naka SUV. Baligtad na ngayon.
Tumango siya. "Okay."
Dahil isa lang naman ang grocery store sa bayan ay nauna na ako sakaniya. Kapag nakakasingit ako sa mga sasakyan ay naiiwan ko siya. Hindi din naman nagtatagal ay lumilitaw din agad siya sa likuran ko. Kaya pag dating ko sa parking ng grocery store ay kasunod na din siya.
Akala ko ay maiiwan lang siya sa labas at iintayin nalang ako pero hinabol niya ako.
"Samahan kita sa loob," aniya.
"Sigurado ka?" tanong ko.
Tumango siya.
"May karamihan yung bibilhin ko."
"Ade mas dapat kitang samahan kung ganon," aniya at ngumiti sa akin.
Nag iwas ako ng tingin sakaniya at pumasok na.
Kumuha siya ng cart. I tried to take it from him pero hindi niya ibinigay.
Nakasunod siya sa akin kung saan ako pumunta.
Inuna ko sa mga sabon at shampoo. Pati na rin ang para sa skin care. Buti nalang at naka sibilyan lang siya at hindi suot ang uniporme. Cause it's a bit amusing seeing him in grocery stores. Pero kahit ganon ay parang bagay padin.
On this view of him, he looks like a... husband material.
Speaking of husband... I wonder if he is married. Hindi naman malabong oo. He's of age. Kung hindi ako nagkakamali, he's probably 26 now.
Did he marry Sophie? Just like what Tita Mona wants? I wonder if they have kids now.
Tinignan ko ang kamay niyang hawak ang cart. I look for a wedding ring pero wala.
Ramdam kong nakatingin siya sakin kaya di ko napigilan na mapatingin din din.
Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan din niya ang kamay niya at binalik ulit sa akin.
Nag iwas ako at napanguso.
Huminto ako sa mga napkin. It's a bit embarassing pero anong magagawa ko? I need this! Malapit na ang period ko!
Kung hindi pa siya kasal siguro ay girlfriend mayron siya?
Baka naman kasal pero hindi lang suot ang wedding ring?
I wonder if he also accompany Sophie on grocery?
"Sabi ni Dave hindi ka daw pupunta," he said kaya natigil ako sa pag iisip.
"Ah... yeah. Hindi nga sana. Kailangan ko lang si Mang Lando kaya nagpunta ako," I said.
So, kaya siya nagpunta dahil akala niya di ako makakapunta? I chuckled in my mind. He really do trying to avoid me.
"Hindi ka ba masasamahan ng... boyfriend mo mag grocery? Tulad noong nakaraan," tanong niya.
Bahagya akong natigilan pero tinuloy ko ang pagkuha ng gulay. Nilagay ko iyon sa cart. Nailagay ko malapit sa mga sabon kaya inilayo niya at nilapit sa mga pagkain.
YOU ARE READING
Trepidation
FanficAnne Yani Alvarado is a Manila girl that was involved in a car accident causing her to have her biggest trepidation in life. Because of the accident her parents died and it caused her the need to continue her life in a small province with her auntie...