Babaero
Noong mag Lunes na ay hindi ako pumasok pero sumabay padin ako sakanila na mag almusal.
Pagkatapos ng tanghalian ay pumanik na ako sa kuwarto para sana umidlip pero nakatanggap ako ng video call mula kay Ethan.
Nanlaki ang mata ko.
Sinagot ko agad ang tawag niya.
"Hi..." bati niya.
"Hello..."
"I heard what happened to you. Nagkita si mommy at ang tita mo dito sa Manila. Mom asked how are you," aniya.
Nawala sa isip ko ang sugat sa noo ko. Kaya pala hindi na siya nagulat noong nakita ang itsura ko.
"You're still beautiful though," komento niya kaya napangiti ako.
"Huwag mo akong bolahin," sabi ko sakaniya.
We talked for almost half an hour. I'm happy that somehow, there's still someone who cares for me. You'll know who's real when you're in your hard times.
Noong oras na ng uwian ay inantay ko ang pagdating ni Kyla dahil bagot na bagot na ako buong araw dito sa mansyon. Pano pa bukas? Sa isang araw pa ako puwedeng pumasok.
Pasalamat nalang ako dahil kahit papaano ay nalibang ako habang kausap si Ethan, kahit sa video call lang.
He's still the same. Sweet and humble.
Kakatapos lang linisan ang sugat ko sa noo. Nakailang tahi din ito kaya isang linggo pa bago ako bumalik sa ospital para magpatingin ulit.
Minsan ay kumikirot ito pero hindi na katulad noong nasa ospital ako.
"Jes!" Sinalubong ko sila sa garahe. Hindi ko inaasahan na kasama siya ni Kyla.
"Hello? Nandito din ako," utas ni Kyla at napairap.
"Mas gusto akong makita ni Anya kesa sayo," asar ni Jesther kay Kyla.
"So kayo nalang ang magkaibigan ngayon?"
"Sus. Tampururut ka naman agad," si Jesther.
"Huwag kang mag alala. Kaibigan ka padin niyan," ani ko kay Kyla at pabirong inirapan kaming dalawa ni Jesther at nauna na sa pagpasok.
Natawa ako sa kaartehan niya. Kung hindi ko to pinsan ay matagal na akong nainis dito. Saksakan ng arte.
Inaya kong maupo si Jesther sa may sala habang hinihintay namin na bumalik si Kyla dahil nagpalit muna siya ng pambahay.
Nagpahanda ako ng minandal para sa aming tatlo.
"Wala ba kayong basketball training?" Tanong ko sakaniya.
"Nakalimutan mo bang kapag Lunes wala kaming training?" Tanong niya.
Oo nga pala. Sila ay kapag Lunes, sila Dave naman ay Friday.
"Dahil ba yan sa pagkakabaldog mo?" Biro niya kaya natawa ako.
"Hindi naman," natatawa kong sabi.
"Kamusta ka na? Nagulat ako noong umuwi si Kuya," aniya.
Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Ano kayang kinuwento sakaniya ni Arzel?
YOU ARE READING
Trepidation
FanfictionAnne Yani Alvarado is a Manila girl that was involved in a car accident causing her to have her biggest trepidation in life. Because of the accident her parents died and it caused her the need to continue her life in a small province with her auntie...