Grave
Dumating kami kila Jes ng nandoon na si Arzel. Nakaparada na sa loob ng bakuran nila ang kaniyang motor.
"Saglit lang Anya ha. Wala pala si mama. Bibili lang ako ng merienda sa labas," pagpapaalam ni Jesther.
"Teka lang, iiwan mo ko mag isa dito?" pigil ko sakaniya.
Natawa siya sa akin.
"Wala namang multo dito noh. Tsaka maliwanag pa oh. Wala pang multo ng ganitong oras. Nandiyan naman si Kuya, bababa din yon," aniya.
Hindi naman multo ang inaalala ko. Ayokong maiwan mag isa kasama si Arzel. Inaamin ko, parang naging bastos ako kanina. He just want to offer some help. Puwede naman akong tumanggi ng hindi sa pilosopong paraan pero hindi ko talaga napigilan ang inis ko na kaninang umaga pa naipon at pinipigalan.
I think I offend him.
"Intayin mo nalang ako dito sa sala. Babalik din ako agad," paalam niya ulit.
"Dun nalang sa labas Jes. Labas mo muna yung mga gamit natin para makapagsimula na ako."
Naisip ko din na kung talagang nagalit o na-offend ko si Arzel ay siguro hindi na yon bababa para lang samahan ako.
Lumuwag ang pakiramdam ko sa naisip kong iyon.
Pero paano kung bumaba siya? Should I say sorry?
I groaned. Paano?
Pumanik si Jesther para kunin ang mga gamit. Bumaba siya dala ang mga iyon at nakapang bahay na ang suot.
Nag simula na kong mag gupit ng mga pang design namin sa portfolio. Hindi pa nagtatagal na umalis si Jes pero inip na inip na akong bumalik siya. Hindi ako mapakali.
Iniisip ko kung paano ako hihingi ng sorry kay Arzel? Parang ang hirap pa naman niyang paamuhin kapag galit at iritado.
Dahil lumilipad ang isip ko sa kung saan ay napapitlag ako noong may humila ng upuan sa harap ko at naupo siya.
Nahalata niya ata na nagulat ako. I cleared my throat and looked away. Hindi pa man din ako nagsasalita ay pakiramdam ko parang natutuyo na ang lalamunan ko.
Bakit naman siya bumaba agad?! Hindi pa ako nakakapag isip!
He tried to catch my gaze kaya panay ang tingin ko sa ibang bagay. I focused on what I am doing pero pilit niya pading hinuhuli ang tingin ko.
"Ano ba?" inis kong tanong at tinignan siya. He looked so amused, tila sobra akong nakakatawa para sakaniya.
Kinagat niya ang pang ibabang labi para pigilan ang pag ngiti. He is trying to be serious but he obviously can't!
Ano bang nakakatawa?!
I feel so frustrated!
Sinusubukan kong maging mabait at hindi bastos pero iniis nanaman niya ako.
I sighed heavily and tried to calm myself. Hindi pa man din ako nakakapag sorry ay parang madadagdagan nanaman ang kasalan ko.
"Sorry..." tanging nasabi ko. I can't look at him.
"Hmm?"
Parang nagulat pa siya sa sinabi ko kaya napatingin ako sakaniya. Pero parang napagtanto niya din kalaunan kung anong ibig sabihin ko.
"For what?" tanong niya.
Hindi ako makapaniwala. Kala ko ay nakahinga na ako ng maluwanag dahil nasabi ko na ang "sorry" pero hindi pala.
YOU ARE READING
Trepidation
Fiksi PenggemarAnne Yani Alvarado is a Manila girl that was involved in a car accident causing her to have her biggest trepidation in life. Because of the accident her parents died and it caused her the need to continue her life in a small province with her auntie...
