Chapter 23

10 1 0
                                    

REINA'S POV

Pagkababa ko sa sasakyan ni Helvric ay agad kong inilibot ang aking paningin.

Napansin ko na nasa park kami. Ang ipinagtataka ko ay walang kahit isang tao sa ganitong oras.

"Wear my coat." Ipinasuot niya sa akin coat niya. Medyo malamig kasi ang simoy ng hangin.

"Saan ba tayo pupunta? Bakit tayo nasa park?" tanong ko sa kaniya.

"I'm going to get your 'Yes'." Kinuha niya ang kamay ko at marahan itong minasahe. Nakatitig siya sa aming mga kamay na magkahawak saka dahan-dahan inangat ang kaniyang mga paningin. Tinitigan niya ako sa mata at ngumiti. Iginaya niya ako. Sumusunod lang naman ako sa kaniya hanggang sa nakarating kami sa fountain. Makikita ito sa gitna ng park.

"Reina, I've been so mean to your feelings and I am so sorry. I'm sorry for realizing too late of how much you mean to me, how much I love you," sambit niya saka hinalikan ang aking noo.

Heto na naman. Nagwawala na naman ang puso ko. Tila natuod ako sa aking kinatatayuan. Ang tanging nagawa ko nalang ay pagmasdan siya.

Mayamaya ay bigla umandar ang fountain. Natalsikan pa kaming dalawa.

"Oh!" Malapad akong ngumiti at tumawa. "Nabasa pa tayo," sabi ko at ngumiti lang siya. Pagkatapos ay bigla nalang umilaw ng sabay-sabay ang mga ilaw. Ngauon ay maliwanag na ang paligid.

"Wow~" Namangha ako sa aking nasisilayan ngayon. Muli na namang hinawakan ni Helvric ang aking pulsuhan at umikot kami sa fountain hanggang sa tumigil kami sa gitna. May nakita akong mga lalaki na may dalang mga instruments. Ang ibang mga tao na narito ay nagpalipad ng mga umiilaw na lantern sa kalangitan.

"Helvric..." Napatakip ako sa aking mukha dahil hindi ko mapigilan hindi maiyak. Hinila niya ako papalapit sa kaniya at niyakap.

"Shh." Pagtatahan niya sa akin sabay himas sa likuran ko. Nakasubsob lang ako sa dibdib niya. Mayamaya ay tumingala ako at tinanggal ang mga kamay niya na nakapulupot sa akin.

"Just stay here and watch me, okay?" Hinawakan niya ang kanang pisngi ko at tumango lang ako sa kaniya.

Lumapit siya sa mga lalaki at puwesto sa gitna. May hawak siyang microphone at nagsisimula ng tumugtong ang gitara at sinundan pa ng iba.

••••

Kinakanta ngayon ni Helvric ang At My Worst by Pink$weat. Bawat lirikong binibigkas niya ay malalaman mo na may emosyon ito. Sa simula hanggang sa pagtatapos ng kanta ay nakatitig lang siya sa akin at gano'n rin ako sa kaniya.

Bigla nalang may sumabog na fireworks sa kalangitan at may nakasulat ro'n na Will You Be My Girlfriend? Napasinghap ako matapos kong basahin iyon at ibinalik ang tingin sa kaniya na lumalakad na ngayon papalapit sa akin habang hawak ang isang bouquet ng rosas.

"Will you be my girlfriend? Will you accept me to love you?" tanong niya sa akin. Pinahiran ko ang aking mga luha na dumadaloy sa aking magkabilang pisngi.

Huminga ako ng malalim at tumango sabay sabing, "Yes!"

Sumilay ang ngiti sa kaniyang mukha. Halatang masaya. Bigla niya akong kinarga at agad akong napakapit sa leeg niya. Nagpaikot-ikot kaming dalawa. Mayamaya ay binaba niya ako at hinalikan sa noo.

"I love you! I love you, Reina." Unti-unting tumutulo ang mga luha niya. "Mahal kita," sabi niya na nakayuko, umiiyak.

Napakagat ako sa aking ibabang labi at suminghot. "Helvric, mahal rin kita. Noon pa kita mahal at hindi nagbago 'yon." I cupped his face and lifted it up. When our gaze met, I kiss him.

"I love you," he said between our kisses. Narinig namin ang hiyawan ng mga tao na narito. Niyakap niya ako muli at gano'n rin ako.

Naiisip ko si Ate Ceila, ang mga sinabi niya sa akin pero; hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Hindi ko na kayang itanggi ang pagmamahal ko kay Helvric dahil sinabi niya. Hindi ko kayang itulak palayo si Helvric. Hindi ko siya kayang saktan. At napagtanto ko, ayaw ko siyang mawala sa akin.

Sa wakas, sinuklian na rin ni Helvric ang pagmamahal ko sa kaniya. Hindi ko mailarawan ang kakaibang saya na nararamdaman ng puso ko ngayon.

•••

Pagkatapos ng pag-amin niya, nagsi-uwian na ang banda mula sa entertainment niya. Pumunta kami sa tabing ilong na narito sa park. Naglalakad kami papunta sa tulay at sa unahan noon ay isang cottag na lumulutang sa tubig.

"You must be hungry, my love," sabi niya at iginaya niya ako papalapit sa cottage na kung saan nakahanda ang pagkain naming dalawa. May candlelight pa. Inalalayan niya ako at pinaupo sa silya saka siya umupo kasalungat ko.

"I'm sorry. It's not much. My efforts, I will triple it next time or even make it a million," sabi niya kasabay ng pagkamot sa likod ng ulo niya.

Tumawa ako at nagsalita, "This is too much for me. Thank you so much."

He smiled. "Anything for you, Reina."

••••

Our dinner went well at hinatid na niya ako pabalik sa condo.

"Can I sleep here?" nakangusong tanong niya sa akin. Napadilat saglit ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Nasa tapat kami ng pinto sa aking silid.

"I mean, I-uh... um, j-just want to be here," nauutal niyang sabi. "Y-You know, I want to be with my girlfriend."

Tumawa ako dahil sa inaasta niya ngayon. "Hindi ko alam na clingy ka pala ha," panunukso ko sa kaniya.

Bigla niya ako hinapit sa aking beywang at niyakap ako kasabay ng mahinang paghaplos sa likod ng aking ulo. "Good night. Have a sweet dreams. I love you." Inilayo niya ako sa kaniya upang makita niya ang aking mukha. Samantala, nasa magkabilang-balikat ko naman nakapatong ang kaniyang mga kamay.

Dahan-dahan niya inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Napalunok naman ako ng malaki sa sarili kong laway.

'Hahalikan na naman niya ako. Ano na ang gagawin ko? May hibla ng karne na nakaipit sa ngipin ko baka mapansin niya~'

I cupped his face and give him a peck of his lips. Agad na akong tumalikod sa kaniya at pumasok na sa loob. Narinig kong tinawag niya ako ngunit mabilis ko lang sinara ng mabilis ang aking pinto.

Agad kong kinuha ang phone sa bulsa ng pajama ko at tinawagan siya.

"Why did you shut the door?" tanong niya pagkasagot niya sa tawag ko. Halatang may halong pagtatampo ang boses niya.

"K-Kasi...a-ano kasi, um... parang sasabog na ang puso ko sa saya at kilig." Kinakagat ko ang ibabang labi ko at ngumiti.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. "Me too. My heart feels like it gonna explode any moment," sabi niya.

"S-Sige na. Good night. Mag-iingat ka pauwi," sabi ko.

"Yes, love. See you tommorow. I love you."

"I love you," nakangiting sabi ko at ibinaba na ang tawag.

Dali-dali akong pumasok sa banyo, kaharap ko ang salamin ngayon. Kinuha ko ang aking toothbrush, nilagyan ito ng toothpaste at marahas na nagsipilyo.

"Sayang eh! Bakit ba kasi may hibla ng karte na naipit sa pagitan ng ngipin ko?!" mangiyak-ngiyak kong kausap sa ere.

Pagkatapos kong nagsipilyo ay lumabas na ako sa banyo. Dumiretso ako sa aking kama at humiga saka niyakap ang unan ko.

"Ang saya-saya ko ngayon! Boyfriend ko na si Helvric. Ang mahal kong modelo~!"

ANG MAHAL KONG MODELOWhere stories live. Discover now