Chapter 4

20 0 0
                                    

REINA'S POV

Hinahanap ng aking mga mata si Helvric ngunit hindi ko siya nakita.

"Ang bilis naman nawala no'n," sabi ko.

"Buset na sandal 'to." Hinubad ko ang aking suot ng wedge saka tumakbo sa hallway ng nakapaa. Marami akong nalalagpasan na mga pinto. Kumanan ako at nakita ko si Helvric na pinalilibutan ng mga babae trainees.

Pakiramdam ko umusok ang aking ilong dahil sa inis at selos. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang babaeng kumapit sa braso niya saka nag group selfie.

"Damn. Helvric is mine, you leeches!" Mabilis akong naglakad papalapit sa kanila at hinila si Helvric. Nagulat siya ng makita ako.

"Sino siya, Sir Helvric?"

"Sir, Helvric! Isang selfie pa, please,"

"Miss, bago ka lang ba rito?"

Napakaingay nila na halos ikaputok na ng ugat sa aking ulo. Kailangan maganda pa rin ang poise ko. Nais ko mang lamunin sila isa-isa, dapat look pretty pa rin.

Matamis akong ngumiti. "Ako ang bagong model na makakapareho niya," sabi ko.

Tinaasan niya ako ng kilay.

'Aba, mataray! Wala sa aming dugo ang mahina at nagpapaapi,'

"May deperensya ata 'yang kilay mo. Tinaasan ako, e. If you don't mind, I can shave them for free. Bet mo?" tanong ko sa babae.

"Reina, ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Helvric sa akin.

'Jusko. Nakakapanghina ang bawat banggit niya sa pangalan ko,'

Dahil binalingan ako ng tingin ni Helvric, naglaho ng parang bula ang aking inis at selos.

Ngumiti ako. "Sinusundan ka," sagot ko sa kaniya.

"Do you need anything?" tanong niya sa akin at wala sa sarili akong umiling.

"Umalis ka na rito," sabi no'ng babaeng nagtaray sa akin. Mabilis na napunta ang tingin ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

"Shut up or I'll stitch that mouth of yours," mahina kong sabi at binalik ang tingin kay Helvric.

"Girls, train harder, okay? Fighting! I have to go," sabi ni Helvric at maglalakad na sana ngunit tinawag ko siya.

"Helvric! May kailangan pala ako sa 'yo," sabi ko sa kaniya. Nilingon niya ako.

"Okay. Follow me," sabi niya at binelatan ko isa-isa ang mga babae.

"Ano, ha? Mahal ko 'yon, aagawin niyo! Tss!" sabi ko sa kanila at aakma silang susuntukin.

"Ops! Mabait ako. Bye!" nakangiting sabi ko sa kanila.

"HINTAYIN MO AKO, HELVRIC!" malakas kong sabi para marinig nila saka tumakbong sumunod kay Helvric.

Nang makalayo na kami ay bigla siyang tumigil. "What do you want, Reina? I have to go to the company because my brother needs me," sabi niya sa akin.

Dumapo ang tingin niya sa mga paa ko. Kumunot ang noo niya. "Did you just run along the hallway barefooted?"

Tumango ako at ngumiti. Napatitig lang ako sa mukha niya.

'Hindi ako makapaniwala na nasa harap kita ngayon at mahahawakan,'

"Reina? What are you doing?" tanong niya na nagpabalik sa akin sa katinuan. Nang napagtanto ko ang aking ginawa ay nagulat ako dahil ang aking kanang kamay ay mahahawakan na ang mukha niya. Agad ko itong binawi at tinago ang aking kamay sa likod.

"Sorry," nahihiya kong sabi.

"Ano ang kailangan mo?" seryosong tanong niya.

"Sasabihin ko lang sana na..."

"What?"

"Mahal kita, Helvric. Mahal na mahal kita simula no'ng pumasok ka sa pagiging modelo. Mahal na mahal kita kaya ikaw ang rason kung bakit ko pinili ang maging isang model!" mabilis kong sabi habang nakatungo.

Bigla kaming natahimik na dalawa. Hinihintay ko siyang magsalita ngunit hindi siya umimik. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at tinignan siya na nakatitig sa akin.

"Woah! I-I'm speechless. You're a total opposite of your cousin when it comes to handling feelings. You're showy. Sinasabi mo kung ano ang nararamdaman mo." Tumawa siya ng tipid.

"But, I'm sorry. I'm not into relationship right now," sabi niya sa akin.

"I'm not asking you to be in relationship with me. Hinay-hinay lang tayo, no? Sinabi ko lang ang nararamdaman ko na matagal na panahon ko ng dala-dala," sabi ko sa kaniya.

"Mahirap kasi na may iniibig kang isang tao tapos hindi niya alam. Hindi niya alam kung gaano niya napapasaya ang buhay ng taong nagkakagusto sa kaniya at hindi niya alam kung gaano niya pinapaselos ang taong nagkagusto sa kaniya na dapat hindi naman. Gusto ko lang talaga umamin sa 'yo ngayon. Mahal kita, Helvric Seiverous," buong sinseridad kong sabi.

"Alam ko na may pagtingin ka sa pinsan ko noon. Oo, nasaktan ako. Hindi dahil gusto mo siya kung hindi dahil hindi nasusuklian ang nararamdaman mo," seryoso kong sabi. Nakita kong napalunok siya sa sariling laway at umiwas ng tingin sa akin.

"Kaya." Huminga ako ng malalim. "I'm here for you. I love you and you can love me when you're ready," nakangiting sabi ko sa kaniya. Napatitig lang siya sa akin.

"Helvric, hindi ka pwedeng mailang sa akin. You can treat me just like you did earlier," sabi ko sa kaniya.

"I know. It just that, I received a lot of confession everyday but yours left me speechless," sabi niya habang napakamot sa likod ng ulo niya.

"Talaga? Dahil ba maganda ang pag-amin ko? O dahil maganda ako?" masigla kong tanong sa kaniya.

"You're beautiful and cool like your cousin but your confidence is way too high," sabi niya saka tumawa na umiiling.

Bigla akong nalungkot. Kinokompara niya ako kay Fenice.

Malapad akong ngumiti. "Helvric, I wish you'll love me like how I love you. I wish you will love me as me. Not just you'll love me because of my cousin," sabi ko sa kaniya. Napatigil siya sa pagtawa at bakas sa mukha niya ang awa.

"I'm sorry, Reina. I can't promise you also. As of now, I'm more on focus on my work. Let's just do our best in work, okay? Disregard that feeling of yours for me. Ayaw kong masaktan ka at paasahin sa wala," seryosong sabi niya sa akin.

Umiling ako. "Kung masaktan man ako, bibili ako ng painkiller sa drugstore," sabi ko at natawa.

"Seryoso ako, Reina. Pinsan ka ni Fenice. Ayaw kong may masabi si Fenice sa akin," sabi niya at pinatong ang kamay niya sa balikat ko.

"Let's just be good friends, okay?"  tanong niya at matagal akong nakaimik.

'Nasa balikat ko ang kamay niya. Jusko! Paano kumalma?'

Umatras siya papalayo sa akin at tinalikuran ako at naglakad.

"Helvric! Mahal kita!" sabi ko sa kaniya. Hindi pa rin niya akong nilingon.

"SABI KO, MAHAL NA MAHAL KITA! AYAW KONG MAGING KAIBIGAN LANG!" sigaw ko.

"MAHAL KITA SABI, EH! HINDI KITA KAIBIGAN! SOON TO BE GIRLFRIEND MO AKO!" naiinis kong sigaw sa kaniya. Hindi niya pa rin ako nilingon hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

"Tss!" Binato ko ang aking sandal sa pader. "Kainis naman, eh!" 

"Akala mo titigil ako, ha. Hindi, no! Wala sa dugo namin ang sumusuko," kausap ko sa sa aking sarili sabay kinuha ang sandal na binato ko.

ANG MAHAL KONG MODELOWhere stories live. Discover now