REINA'S POV
Nang makapasok na ako sa aking silid ay dumiretso ako sa aking kama at dumapa. Doon ako umiyak nang umiyak. Mayamaya ay umayos ako ng higa at umupo habang sumisinghot. Pinahiran ko ang aking luha gamit ang aking mga palad. Kumuha ako ng Pringles, binuksan ito at kumain.
Tatayo sana ako upang kumuha ng tubig nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa tabi ng lampshade. Kinuha ko at sinagot na hindi tinitignan kung sino ang tumawag. Sinusuot ko kasi ang bunny slippers ko. Napaupo ako ulit nang marinig ko kung kaninong boses ito.
H-Hey, Reina?" Nandilat ng kaunti ang aking mga mata at mabilis na tumitibok ang aking puso. Hindi ako umimik.
"I just wanted to know if you're okay," sabi niya ulit sa kabilang linya.
Huminga ako ng malalim saka nagsalita, "Helvric?" mahinang sambit ko sa kaniyang pangalan.
"Reina? Are you okay?" nag-aalala niyang tanong. Dapat ba ako maging masaya dahil sinusuklian na ni Helvric ang pag-ibig ko sa kaniya? Hangad ko na mahalin niya ako, makasama siya, marinig ang boses niya at mahawakan ang kamay niya noon. Ngayon na unting-unti na itong nangyayari, bakit parang nag-aalinlangan ako? Bakit pinipigilan ko ang sarili ko?
I let out a heavy sigh saka siya sinagot, "I am. I want to rest." Kinagat ko ang aking ibabang labi habang nakatungo, pinagmamasdan ang sariling mga daliri.
"You want me to come over?" tanong niya at agad akong tumanggi.
"No! T-There is no n-need for that. Gusto ko lang magpahinga," sabi ko saka dali-daling pinatay ang tawag.
Binagsak ko ang aking sarili sa kama at niyakap ang sarili. "I hope, I will never regret this. Sana, kaya kong panindigan ang sarili ko," sabi ko saka bumangon at kinuha ang ice cream.
•••••
HELVRIC'S POV
Habang nagmamaneho ako, bigla nalang bumagsak ang ulan. Pinaandar ko ang aking wipers upang alisin ang tubig sa windshield ng kotse.
Bigla akong napahinto ng may matandang lalaki na mag-u-u turn sana, tinutulak ang kariton. Nababasa na ito ng ulan. Bumaba ako sa kotse at tumakbo papalapit sa kaniya sa gitna ng ulan.
"Manong, tutulungan ko po kayo," sabi ko sa kaniya.
"Salamat hijo," pagpapasalamat niya at sabay naming tinulak ang kaniyang kariton. Nang makapunta na siya sa kabila ng gilid ng daan. Binigay ko ang coat ko sa kaniya upang gawing pantakip sa kaniyang ulo upang hindi siya mabasa masyado sa ulan. Nagpaalam na ako at tumawid sa daan upang marating ko ang aking kotse.
Pumasok na ako sa loob na basang-basa. Inayos ko ang aking buhok saka pinaandar muli ang makina.
••••
REINA'S POV
"Ang lakas ng ulan," sambit ko habang nakatingin sa bintana. Pinagtagpo ko ang kurtina sa gitna upang hindi ko makita ang pagkidlat na parang tatama na gusali.
Lumabas ako sa aking silid upang tumungo sa kusina. Nauuhaw kasi ako at gusto kong uminom ng tubig. Nang nasa kusina na ako at binuksan ko agad ang refrigerator. Kinuha ko ang pitcher na may malamig na tubig saka nilagyan ng tubig ang baso. Ininom ko agad ito pagkatapos ay lumabas na sa kusina. Papatayin ko na sana ang ilaw sa sala dahil balak ko ng matulog ngunit bigla nalang tumunog ang doorbell.
"Sino na naman to?" naiirita kong sambit saka binuksan ang monitor at tumambad ang mukha ni Helvric.
"Sira na ba 'tong mata ko at nakikita ko na si Helvric?" tanong ko sa aking sarili.
YOU ARE READING
ANG MAHAL KONG MODELO
RomanceANG MAHAL KONG MODELO written by genhyun09 Genre: Romance-Comedy and Drama Date Started: August 15, 2020 Date Finished: June 10,2021 Story Description Helvric K. Seiverous is a handsome guy who belongs to a wealthy family. He's an Engineer and a fam...