Chapter 19

27 2 0
                                    

REINA'S POV

Naiilang akong nakasunod kay Helvric ngayon. Naglalakad kami sa hallway at papalabas na ng building.

Nakatungo lang akong naglalakad kaya hindi ko namalayan na tumigil pala siya sa paglalakad kaya tumama ang mukha ko sa matigas niyang likod.

I can feel the awkwardness between us. Who wouldn't? Imagine, the man that you had a crush and love for a long time; finally, my gusto na rin sa 'yo.

"Are you a tail?" tanong niya sa akin. Nakatayo siya ngayon sa harapan ko.

"Ano? Sa ganda kong 'to," sabi ko sa kaniya.

Inabot niya ang kamay ko at hinawakan ito. "You've been following me from behind. Now, you don't have to do that," sabi niya habang papalapit nang papalapit ang mukha niya sa akin.

"Walk beside me, understand?" bulong niya sa aking tenga. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Pakiramdam ko, umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo.

Agad akong tumango kaya inilayo na niya ang mukha niya at tumayo na nang maayos.

"Let's go," nakangiting sabi niya at marahan akong hinila sa tabi niya.

Naglalakad ako ngayon sa tabi niya at hinawakan pa ang kamay ko.

'Wah! Paano kumalma?!'

Mayamaya lang ay nasa labas na kami ng building. Nakita ko ang van mula sa malayo. Babawiin ko na sana ang kamay ko kay Helvric ngunit mahigpit niya itong hinawakan. Hinatid niya pa talaga ako kung saan nakapark si Aeron.

Nasa harapan na kami ni Aeron. Napunta ang tingin niya sa kamay namin ni Helvric. Tumikhim siya at umiwas ng tingin.

"Ihahatid na kita, Reina," sabi niya saka umikot sa van at pumasok sa kabila.

Binitawan na ni Helvric ang kamay ko. "Are you sure you're okay now?" tanong niya sa akin.

"I'll be fine. Ingat ka sa pagmamaneho," sabi ko sa kaniya at tumango lang siya saka niya ako pinagbuksan ng pinto.

Pumasok na ako sa loob at kumaway ako sa kaniya. "Bye," nakangiting sabi ko.

"Okay," sabi niya saka sinara ang pinto ng van.

Agad na pinaandar ni Aeron ang van at umalis na kami ro'n. Unti-unting nawala ang ngiti sa aking mukha. Buong biyahe, tahamik lang ako.

Iniisip ko pa kasi ang nangyari sa amin ni Ate Ceila. Hindi ko kasi akalain na gano'n siya. I didn't expect her to see me as someone who should be get rid of because I am a treat.

Tinuring ko siyang kaibigan, kung gusto niya talaga; pwede naman akong magparaya.

Huminga ako ng malalim dahil naiiyak na naman ako. Tumingala ako at pinapaypayan ang aking mga mata gamit ang aking mga kamay.

"Napuwing ako," sabi ko saka suminghot.

"Nasa parking lot na tayo," he informed. I looked around to see if we are really already at the parking lot.

"Akala ko malayo pa tayo," sabi ko at bumaba na ng van. Kinuha ni Aeron lahat ng mga gamit ko sa likod at siya ang nagbitbit nito.

Sumakay kami sa elevator at pinindot ang floor kung saan ako.

"Ano na ang gagawin mo?" biglang tanong ni Aeron.

Lumingon ako sa aking kanan na kung saan siya nakatayo. Kita ko ang gilid ng mukha niya at halata talaga ang tangos ng kaniyang ilong.

"Aeron," tawag ko sa kaniya kaya tumingin siya sa akin.

"Ano?" Nakatitig siya sa aking ng maigi. "May sasabihin ka?" tanong niya sa akin.

ANG MAHAL KONG MODELOWhere stories live. Discover now