Chapter 26

12 0 0
                                    

AERON'S POV

KAKARATING ko lang sa likod ng stage. Napansin ko na nagkakagulo sila kaya lumapit ako.

"Nasaan na ba ang dalawang 'yon! Sila ang star sa event na 'to!" Bakas sa mukha ng babae ang pag-alala at natataranta na ito.

"Excuse me?" Kinuha ko ang kanilang atensyon at napatingin siya sa akin. "What's wrong? Nasaan si Reina?" tanong ko sa kaniya.

"Nawawala sila eh," sagot niya.

Kumunot ang aking noo. "What? Nawawala sila?" Luminga-linga ako sa paligid upang hanapin si Reina. Wala rin si Helvric sa pwesto niya.

"We don't have a choice but to continue the Fashion Show," rinig kong sabi sa kausap ng babae. Siya ata ang coordinator sa event na 'to.

"What do you mean na e continue ang show na wala si Reina?! Dapat hanapin niyo siya!" Medyo tumaas ang tono sa aking boses. Nagulat sila sa inasta ko.

"We already contacted the guards to look for them," sagot ng babae sa akin.

Tinalikuran ko sila at tumatakbo palabas ng hall.

"Where are you Reina?" Tumakbo ako sa hallway at naisipang pumunta sa restroom ng mga babae baka nag-cr lang siya.

Binuksan ko ang pinto. "REINA!"

Inilibot ko ang aking paningin sa loob at dumapo ito sa baba na kung saan nakita ko ang isang heels na alam kong pagmamay-ari iyon ni Reina.

Dali-dali akong lumabas sa banyo at tumakbo nang tumakbo at pumasok sa elevator saka pinindot ang ground floor na kung saan ang parking area.

Mayamaya ay bumukas na ang elevator at dali-dali akong lumabas.

Inilibot ko ang aking mga paningin habang hinihingal.

Masama ang kutob ko. Alam kong may hindi magandang nangyari kay Reina. I swear, if my guts is right; I will never forgive that person.

Habang mabilis akong naglalakad na palinga-linga sa paligid ay may narinig akong sasakyan na umaandar. Tinakbo ko ang direksyon na kung saan nanggagaling ang ingay ngunit huli na ako dahil nakaalis na ito.

Inis kong hinila pataas ang aking buhok gamit ang aking mga kamay. "FUCK!"

Tumayo ako ng maayos saka kinuha ang phone sa aking bulsa.

Mabilis kong tinext ko si Fenice.

To Fenice:

May nangyari kina Reina at Helvric.

Pagkatapos kong sinent ang text ay dali-dali akong tumakbo papunta sa van. Mabilis ko itong pinaandar at hinanap ang pulang kotse. Buti nalang ay medyo matraffic sa unahan at naabotan ko sila.

Tinignan ko ang GPS tracker ni Reina. Nasa loob nga siya ng pulang sasakyan. Maingat ko itong sinundan. Mayamaya lang ay may tinapon sila at napansin kong phone iyon ni Reina ang bumagsak sa daan.

"Stupid. It's too late to do that," seryosong sabi ko na hindi inaalis ang mata sa kotseng sinusundan ko ngayon.

••••

FENICE'S POV

H

INIHINTAY kong lumabas si Reina. Excited pa naman ako kasi first time ko siyang makitang sa isang runaway ngunit biglang nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at nakita may message ako galing kay Aeron.

Kunot-noo ko itong tinignan at binuksan ang message.

From Aeron:

May nangyari kina Reina at Helvric.

Agad akong napatayo ng mabasa ko ang text. Tiningala ako ni Leumark at hinawakan ang kamay ko. "What's wrong?"

"May nangyari raw kina Reina at Helvric," sabi ko sa kaniya at halata ang pagkagulat sa kaniyang mga mata.

"We have to leave." Hinila ko patayo si Leumark at naglalakad na kami palabas ng hall.

"Do you have any idea kung sino ang may pakana sa pagkawala nila?" tanong ni Leumark sa akin saka pinaandar ang sasakyan.

"Sino pa ba eh di si Ceila!" gigil kong sabi.

"Wife, we don't have proof," sabi ni Leumark at nagmamaneho na siya ngayon.

I hissed. "Siya lang naman ang gagawa kasi sinabi sa akin ni Reina na pinagbantaan siya ni Ceila noon," sabi ko. "I told her to kick that girl's face pero sabi niya, hindi naman daw siguro kaya ni Ceila na may gawin sa kaniya ng masama. Magkaibigan kaya silang dalawa at kapatid ang turingan for how many years. Kilala ko 'yan si Ceila. Halatang naiingit siya sa pinsan ko kasi may gusto rin siya kay Helvric," gigil kong sabi.

"Ngayon na magkasintahan na ang dalawa. Normal lang na may gawin siya kasi nga inggitera!"

"Naku! Naku talaga!" Kinuyom ko ang aking mga kamay. "Susuntukin ko talaga siya kapag may nangyari hindi maganda sa pinsan ko!"

"Wife, chill, okay?. We will find them," pagpapakalma ni Leumark sa akin.

Biglang nag-vibrate ang phone ko at dali-dali ko itong binuksan at binasa ang text na galing kay Aeron.

From Aeron:

As of the moment, sinusundan ko ang sasakyan na kung saan sina Reina at Helvric. I'll text you the address and call the police.

"Who's that?" tanong ni Leumark.

"Si Aeron. Sinusundan niya raw ang sasakyan na kung saan nakasakay sina Reina at Helvric," sagot ko.

"We need to go the police and report this to them. Kapag nagtext na si Aeron kung nasaan sila, kasama na natin ang mga police na pumunta ro'n," sabi ni Leumark at tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

••••

CEILA'S POV

"Oh? Nasaan na kayo?" tanong ko pagkasagot ko sa tawag. Nasa vacation house ako ngayon. Medyo malayo ito sa siyudad kaya walang katao-tao sa paligid. Napapalibutan ito ng mga puno at may malinis na ilog. Dito nila dadalhin si Reina at dito ko siya ikukulong.

"Papunta na kami, boss. Kaso may kasama," sabi nito.

Kumunot ang noo ko. "Sino?"

"Isang lalaki. 'Yong sikat na modelong lalaki at ang may-ari ng Seiverous Entertainment," sabi nito.

"Si Helvric Seiverous," singit ng isa.

"ANO?! BAKIT NIYO SIYA SINAMA? SINAKTAN NIYO BA SIYA?! BABARILIN KO KAYO KAPAG SINAKTAN NIYO SIYA!" sigaw ko sa kanila.

"Eh kasi boss, nakialam eh. Kaya pinukpok ko sa ulo at pinatulog," sagot niya.

"BWESIT KAYO! KUNG NAGING MAINGAT SANA KAYO EH HINDI SANA KAYO NAHULI NI HELVRIC!" galit kong sabi.

Sumandal ako sa upuan na gawa sa kawayan saka hinihilot ang sentido ng aking ilong. 'Malalaman ito ni Helvric na ako ang may pakana.' sabi ko sa aking isipan.

"No. This must be a good opportunity for us to negotiate."

"Pasensya na talaga, boss. Ano nalang ang gagawin namin sa lalaki?"

Huminga ako ng malalim. "Dalhin niyo na rin siya rito," sagot ko saka pinatay na ang tawag.

ANG MAHAL KONG MODELOWhere stories live. Discover now