Chapter 10

20 2 0
                                    


REINA'S POV

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Helvric.

Naglalakad kami ngayon palabas ng restaurant.

"You can go home and rest. I have to visit my brother," sagot niya.

Sumabay ako sa paglalakad sa kaniya at tinangala siya na may ngiti sa mukha. "Really? Can I come? I want to visit my cousin also," sabi ko sa kaniya.

Tumigil siya sa paglalakad at tinignan ako ng seryoso. "Tell me, ayaw mo lang malayo sa akin, no?" tanong niya saka naglakad ulit. Hinabol ko siya hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Come on, Helvric. It's not that I want to be with you. I really wanted to be with you..." Tumigil ako sa pagsasalita at ngumiti ng malapad. "FOR.E.VER." I emphasized the word 'Forever' and he just gave me a deadpan look.

"You're annoying. Nakukulitan na ako sa 'yo," sabi niya bago siya pumasok sa kotse.

Pumasok din ako sa loob bago nagsalita. "Aysus! Kapag mawala ako, hahanap-hanapin mo rin ako," I said while putting a seatbelt on me.

"Dream on," sabi niya at pinaandar na niya ang sasakyan.

••••••

"Ma'am, Sir, nandito po sina Sir Helvric at Ma'am Reina," the maid informed them as she opened the door for us.

Nauna na akong pumasok at nakita si Fenice na bumababa sa hagdan kasama si Leumark.

"Oh, what are you guys doing upstairs? At this hour? Seriously?" Ngumiti ako ng nakakaloko kay Fenice na seryosong mukha naman ang iginanti sa akin.

"Oh? Magkasama kayong dalawa?" Nginitian niya ako, ngiting mapang-asar saka lumapit sa akin.

"Of course! Magkatrabaho kami, eh," sabi ko sa kaniya at nagbeso-beso kaming dalawa.

"Ayaw mo lang talaga malayo sa akin," sabi ni Helvric.

"Nasa office ako. Si Fenice naman, nililinis ang kwarto ng mga anak namin. Every week, pinapalitan ng beddings and all," sabi ni Leumark at nakipag-beso-beso rin sa akin.

"Syempre, 'yon ang nais mo. Napakaarte mo, eh," seryosong sabi ng pinsan ko saka naunang naglakad papunta sa sala.

Umupo kami at pinaghanda kami ng maiinom sa mga katulong nina Leumark.

"Of course, wife. We have to be careful always. We have to prevent those germs to stick on our children's body," sabi ni Leumark.

"Kuya, hinay-hinay rin. Masyado kang overprotective sa mga anak mo," singit ni Helvric sa usapan. "Lalaki silang mahina."

"What? If those papers will be needed the next day, I will be the one to do the cleaning. I just told  my wife to just monitor the maids." Tumigil siya at huminga ng malalim. "I saw her helping them," sabi ni Leumark, "and it's her choice."

"Dami mong sinasabi, Leumark," sabi ni Fenice at natawa lang ako sa kanila.

"Pasensya na, Leumark. Wala talagang tamis sa katawan 'yang pinsan ko. Masyadong seryoso at malakas kaya hindi na niya kailangan ng Knight in Shinning Armour. Ikaw pa ang ililigtas niyan," sabi ko, tumatawa.

"That's cool," Helvric complimented. Tinignan ko siya na nasa tabi ko. Nakangiti itong nakatitig kay Fenice.

"I know. I'm aware to her personality and I love my wife so much." Hinalikan ni Leumark ang gilid ng ulo ni Fenice.

"Can we now talk about the business?" seryosong tanong ni Helvric sa kaniyang kapatid. Nauna siyang tumayo. "Come on, bro. This isn't my house so you should guide me to your office," sabi niya at tumayo si Leumark.

ANG MAHAL KONG MODELOWhere stories live. Discover now