Chapter 12

17 2 0
                                    


REINA'S POV

Diretso lang ang aking paglalakad. Hindi ko nilingon sina Ate Ceila at Aeron kahit kanina pa nila tinatawag ang aking pangalan. Kinagat ko ang aking ibabang labi habang nadarama ko ang pagsikip ng aking dibdib, bumibigat ang aking pakiramdam. Tila ba sinasakal ang aking puso. Nagseselos ako. Nagseselos ako kay Zaira.

Matagal ko ng gusto si Helvric. Mahigit pitong taon na. Sa loob ng pitong taon, kinimkim ko lang itong nararamdaman ko. Hindi ko naisip noon na ipakita ang nararamdaman ko sa kaniya o umamin man lang dahil nahihiya ako. At isa pa, may Dianice siya noon at ang pinsan kong si Fenice.

Sa tuwing nasasaktan siya at nag-iiba ng ugali, nasasaktan ako. Kung ako nalang sana ang mahalin niya, hindi siya magsisisi dahil mamahalin ko siya ng tapat at totoo kahit na mali na ipagpilitan ang sarili sa taong ayaw naman sa 'yo.

Because of those things, I've decided to build up my courage. Kinapalan ko ang aking mukha sa kadahilanan na ayaw ko nang masaktan siya at ilihim pa 'tong nararamdaman ko para sa kaniya. Naisip ko, ito lang ang tanging paraan. Aamin ako sa kaniya upang hindi na siya masaktan pa. Upang malaman niya na may babaeng totoong nagmamahal sa kaniya. Malay natin, baka mahalin niya rin ako pabalik. Baka dahil do'n ay may mamumuong pag-asa para sa akin.

Ngunit, hindi pala madali ang lahat. Hindi pala madali na kunin ang puso ng isang tao na kahit kailan, walang pagtingin sa 'yo.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Pinahiran ko ito bago pa man ako makita nina Ate Ceila at Aeron.

"Reina?!" Bakas sa mukha ni Ate Ceila ang inis. Hinawakan niya ang aking braso upang pigilan ako sa paglalakad.

"Let's go home, shall we?" Ngumiti ako sa kanila saka inalis ang kamay niya sa braso ko.

"Reina," pagtawag ni Aeron sa pangalan ko.

Nagulat nalang ako no'ng hinawakan niya ang kamay ko at kinalakad ako hanggang sa makalabas kami sa restaurant. Pinagbuksan niya ako ng pinto at kunot-noo akong pumasok. Naguguluhan kasi ako sa kaniya. Bigla-bigla nalang umaaksyon.

Nasa driver seat siya, nasa tabi niya lang ako.

Binaba niya ang bintana sa gawi ko at sumilip sa labas na kung saan kakalabas lang ni Ate Ceila sa restaurant. Nakita ko rin si Helvric na kasama si Zaira, isang sikat na model. Sobrang ganda pa. Ano ang laban ko ro'n? Eh, palakihan ng dibdib, mas malaki at malusog sa kaniya.

"Ate Ceila, magtaxi ka nalang!" sabi ni Aeron.

"Why?" tanong ni Ate Ceila.

"Basta!" Pinaandar na ni Aeron ang van at nanatili lang ang mga mata ko kina Helvric. Pinagbuksan niya ng pinto si Zaira saka ito pumasok.

Selos na selos na ako.

"Saan ba tayo pupunta? Gusto ko nang umuwi. Pagod na ako," sabi ko sa kaniya.

"Wear your seatbelt and shut up," seryosong sabi ni Aeron. Kapag seryoso na 'yan siya, tatahimik nalang ako. Baka kasi bugahan ako ng apoy niyan. Iba pa naman 'to mainis. Hindi ka iimikan ng halos isang buwan. Depende pa 'yan sa kasalanan mo.

"If you're tired, just take a nap," sabi niya na hindi tumitingin sa akin dahil ang kaniyang mga mata ay nasa daan.

••••••

Nagising ako dahil may umalog sa akin. Minulat ko ang aking mga mata sabay pagkamot nito.

Nang ma-e-adjust ko na ang aking paningin at hindi na ito masyadong blur, nagulat ako dahil sa pagkamangha. Bumaba ako sa van, walang tao rito kaya hindi ako nag-aalala na may makakita sa akin.

ANG MAHAL KONG MODELOWhere stories live. Discover now