REINA'S POV
"Move your face closer," sabi ng photographer sa amin.
'Jusko po! Kabado wanpayb!'
"Smile,"
"Put your arm on her waist, Mr. Seiverous,"
Bigla akong napitlag ng ilagay ni Helvric ang kamay niya sa beywang ko. Pumwesto siya sa aking likod at niyakap ako.
"That's perfect!"
"10 minutes break!"
Nang lumayo na si Helvric sa akin ay nakahinga na ako ng maluwag. Bigla uminit ang mukha ko no'ng niyakap niya ako patalikod.
"Reina? Ayos ka lang? Ba't ang pula ng mukha mo?" tanong ni Aeron sa akin saka binigyan ako ng tubig.
"Naiihi ako sa kilig. Magbabanyo muna ako," sabi ko sa kaniya at pumunta ng banyo.
Pagkarating ko sa loob ay agad akong pumasok sa bakanteng cubicle. Inihi ko na lahat dahil baka mamaya, maihi nalang ako habang nagpo-photoshoot.
May narinig akong mga babae na pumasok.
"Hindi naman bagay maging kapareha ni Papa Helvric ang babaeng 'yon, eh,"
"You're right. Halatang malandi siya,"
"Siguro ang saya-saya niya dahil nakapareha niya si Helvric,"
"Kainis! Sana isa nalang sa atin 'yon,"
"Tama ka--" Malakas kong binuksan ang pinto sa banyo kaya natigil sa pagsasalita ang isang babae.
Nagulat sila ng makita nila ako sa loob.
Lumapit ako sa lababo at sumadal do'n.
"Pwede niyo bang sabihin ulit sa akin ang mga pinuputak niyo sa akin kanina?" Nginitian ko sila at humakbang papalapit sa kanila kaya napaatras naman ang mga ito.
"You know what, it's rude to talk someone behind their back. It's rude. Lalo pa't wala kayong permisyo galing sa akin," seryoso kong sabi saka sinampal 'yong isa nilang kasamahan.
"Ops! I'm so rude too. I slapped you without your permission," nakangisi kong sabi.
"Tumabi kayo. Dadaan ang mas maganda sa inyo. Akala niyo naman! Sa akin lang si Helvric!" sabi ko at akmang susuntukin sila kaya agad silang napatago sa mga braso nila.
"Tss!" Naglakad ako papalapit sa pinto at binuksan ito. Malakas ko itong isinara at lumakad na pabalik ng studio.
•••
"Saan ka galing?" tanong ni Ate Ceila sa akin.
"Sa banyo," wala sa mood kong sagot.
"Bakit ganiyan ka? Dapat masaya ka kasi nakatrabaho mo si Helvric. Tignan mo, oh," sabi ni Ate Ceila saka ngumuso sa direksyon na kung saan si Helvric. May babaeng nag-re-retouch sa kaniya.
Agad kong nahampas ang aking palad sa mesa na narito dahil sa inis. Nakuha ko ang atensyon nila. Lahat sila nakatingin na sa akin pati si Helvric.
Tumawa ako ng peke. "May lamok kasi. Pinatay ko lang," pagsisinungaling ko.
"Ano ka ba, Reina. Bakit ang init ng ulo mo?" tanong ni Ate Ceila sa akin.
Pabagsak akong umupo at lumapit sa akin ang make-up artist ko at sinimulan na ang pag retouch.
"Wala," tipid kong sagot.
"Reina," tawag ng kung sino sa pangalan ko. Tumigil ang babae sa pagretouch sa akin at tumabi. Ibinuka ko ang aking mga mata at nakita si Mr. Laques na may bitbit na kape.
"You want some coffee?" tanong niya sa akin.
"Ayos na ako, Mr. Laques," sabi ko sa kaniya.
"Warren nalang. Masyado kang formal," sabi niya saka umupo kaharap ko.
"Ikaw ang President dito kaya dapat I'll address you formally, Mr. Laques," nakangiting sabi ko.
"I might be the President but the real owner is Helvric. He's the one who's behind me," sabi niya sa akin.
Tumawa ako ng tipid. "Fine," sabi ko, "Warren."
He chuckled. "That's more like it, Reina," sabi niya at nagtawanan kaming dalawa.
•••
HELVRIC'S POV
Reina ang Warren caught my attention. Tinignan ko sila na nagtatawanan.
"When did they become so close?" I asked myself.
"May sinasabi po kayo, Sir?" tanong ng P.A ko.
Umiling ako. "Nothing," sabi ko at inalis na ang atensyon ko sa kanila.
I closed my eyes and tried to relax but I can hear their laughs.
Inis akong tumayo at naglakad papalapit sa kanila.
"Will you both shut up? Rinig na rinig ko ang tawanan niyo mula ro'n," inis kong sabi.
Napatitig sa akin si Reina. "Hala. I'm sorry, Helvric," pagpaumanhin nito.
"We're just talking. I can't help not to laugh, bro. She's funny," sabi ni Laques.
"Models, break time is over!" Lumingon ako upang tignan ang photographer na tinatawag na kami saka binalik ang tingin ko sa kaniya.
"Let's work," seryoso kong sabi sa kaniya saka tinalikuran sila.
••••
Kakatapos lang ng photoshoot namin. Bago pa makalayo si Reina sa akin, tinawag ko siya.
"Reina?" tawag ko sa kaniya.
"Reina! Let's have some lunch!" Kumaway si Warren sa kaniya.
"Sama ka sa amin?" tanong niya sa akin.
My brows furrowed. "Is he asking me also?" suplado kong tanong sa kaniya.
"Ah, h-hindi, eh." Napakagat siya sa ibabang labi niya. Napatitig ako ro'n. Nang mapagtanto ko kung saan ako nakatitig ay agad akong umiwas.
"You said you love me, right?" tanong ko sa kaniya at agad siyang tumango na may ngiti sa mukha.
"Oo. Mahal kita," sabi niya.
"You know what's annoying?" tanong ko sa kaniya.
Napakamot siya sa likod ng ulo niya, halata sa mukha niya na nag-iisip siya saka umiling. "Hindi, eh."
"When someone confessed that she likes you but she's flirting and having a scintillating conversation with some other guys, it's annoying!"
"I'm not telling it's me, okay? T-That's what my friend felt," sabi ko sa kaniya at bigla siyang tumawa.
"Ayaw mo ba na nakikita ako na may kausap na ibang lalaki?" tanong niya sa akin.
"Hey, Reina! Did I just say it's not me? It's my friend," pagtatama ko sa kaniya.
"PASENSYA NA! HINDI AKO MAKAKASAMA!" sigaw niya sa mga kasamahan niya.
"You felt annoyed because I confessed that I love you but I'm having a good time with some other guy, am I right? Don't worry, my love. From now on, I'll ignore every guy para hindi ka na magselos," sabi niya saka ngumiti sa akin.
"Damn! For fucking sake, it's not me!" sabi ko sa kaniya. I glared at her because she keeps on laughing.
She stopped. She managed to keep a straight face for a minute before she let loose with a loud guffaw. She bursts in laughter again.
"Crazy woman!" sabi ko sa kaniya at tinalikuran siya saka naglakad. Sinusundan niya lang ako at tinatawag ang aking pangalan ngunit hindi ko siya nilingon. Naiinis ako sa kaniya.
YOU ARE READING
ANG MAHAL KONG MODELO
RomanceANG MAHAL KONG MODELO written by genhyun09 Genre: Romance-Comedy and Drama Date Started: August 15, 2020 Date Finished: June 10,2021 Story Description Helvric K. Seiverous is a handsome guy who belongs to a wealthy family. He's an Engineer and a fam...