REINA'S POV"HELVRIC!"
"MAHAL KONG HELVRIC!" sigaw ko sa kaniya kasi hindi niya ako nililingon. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako na seryoso ang mukha.
Napatigil rin ako sa paghakbang.
"Can't you just go to your friends or whatever," seryosong sabi niya sa akin.
"Pinauna ko na sila kaya ako nalang mag-isa maglu-lunch ngayon," nakanguso kong sabi.
"So? Is that fault?" tanong niya sa akin at tumango ako.
"Ayaw mo kaya ako ialis sa paningin mo kasi napakaganda ko," nakangiting sabi ko sa kaniya at napahawak lang siya sa sentido ng ilong niya.
"At isa pa, ayaw mo na may pinapansin akong mga lalaki diba?" tanong ko sa kaniya.
Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang bulsa at huminga ng malalim. "Sinabi ko na hindi ako 'yon. Kaibigan ko, kaibigan!"
Tinitigan ko lang siya at hindi ako umimik. Nakita kong tumaas baba ang Adam's apple niya saka umiwas ng tingin sa akin.
"Fine! It's me! I'm referring to myself!" pag-amin niya at bigla nalang nanlaki ang mga mata ko sa tuwa.
"Sabi ko na nga ba! May gusto ka rin sa akin!" masiglang sabi ko.
"You're assuming. I don't like you, okay?" sabi niya. "Sinabi mo sa akin na gusto mo ako, na mahal mo ko. Then suddenly, kung makaasta ka para kang hindi umamin sa isang tulad ko na Seiverous. Masaya ka pang nakikipag-usap sa ibang lalaki. It j-just hurt my pride as a man! You know that?"
Humakbang siya ng isa papalapit sa akin. "Sinasabi mo ba 'yon dahil katulad ka rin ng ibang mga babae?" kunot-noo niyang tanong.
"Okay, tell me? What do you want?" I can sense he's annoyed at me.
"Ang mahalin ka ng totoo," mahinang sambit ko, nakatungo.
His eyes widened. "I'm sorry. I didn't mean to say those things," paghingi niya ng paumanhin.
Umiling ako. "Ayos lang. You don't need to apologize. Kasi hindi naman ako titigil na sabihin at ipakita sa 'yo na mahal na mahal kita. Mahuhulog ka rin sa akin," lakas loob kong sabi sa kaniya.
"Reina, I'm treating you nice because you're Fenice's cousin and you're important to her. I just don't want to do bad things to you that will make her mad at me," sabi niya sa akin.
Biglang sumikip ang dibdib ko sa mga sinabi niya.
I shifted my gaze at my right side to avoid eye contact with him. My hands were on the side, clenching.
"Importante ba ang sasabihin ni Fenice? Gusto mo pa rin ba ang pinsan ko?" tanong ko sa kaniya at saglit na napapikit sa aking mga mata.
"Look, I loved your cousin but I already moved on. Wala na akong nararamdaman sa kaniya. I have someone that I'm looking. Ayaw kong umasa ka sa akin. You're importante to me like how Fenice is important to me," nakangiting sabi niya sa akin.
Napatitig ako sa kaniya na malapit na sa akin. Hinahaplos niya ang aking buhok.
'Para akong aso,'
"You're a beautiful woman but the idea that I know you and you confessed to me, I'm getting irritated when I see you having fun with some other guys. Beware, Reina. Not all men have good intentions," sabi niya saka ipinasok ulit ang mga kamay sa kaniyang bulsa.
"I'm saying this as your friend. We can be good friends," sabi niya sa akin.
"Nasasaktan ako," sabi ko sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.
"Ha? Why?"
"Sino ba'ng hindi masasaktan kung 'yong taong gusto mo ay binusted ka?" I crossed my arms over my chest while raising a brow.
He scratched the back of his head shyly while smiling. "I'm sorry," sabi niya.
Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking mga kamay. "Ah! Bakit ang hirap?" I shrieked.
Inangat ko ang aking ulo. "No! I am Reina Sué Montigues and I don't easily give up! Just wait and see, Helvric. You'll fall in love with me soon. I am 1000 percent sure of that!"
"You sure are full of confidence!" sabi ni Helvric na umiiling.
"Want some lunch? You go out first. I just have to disguise myself," sabi niya sa akin at masaya akong tumango.
"Shit! Sure!" Nauna na akong naglakad palabas ng building.
•••
Nandito ako sa tapat ng coffee shop, naghihintay sa kaniya. Nakatitig lang ako sa entrance ng Seiverous Entertainment. Magkatapat lang kasi ang building at ang coffee shop na narito. Mayamaya lang ay may kotse na tumigil sa tapat ko. Bumaba ang bintana ng nito at nakita ko si Helvric.
"Get in," he mouthed. Sinara niya ulit ang bintana ng kotse.
Dali-dali akong pumasok at umupo sa tabi niya.
"Hindi ako makapaniwala na nasa iisang kotse tayo, Helvric!" masaya kong sabi.
"Whatever. I'm hungry," sabi niya.
"Ako rin. Baka makain na kita ngayon," nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Sometimes, it's kinda scary being with you. It feels like any moment you'll do something not good," sabi ni Helvric saka pinaandar ang sasakyan.
Tumawa lang ako sa sinabi niya. "Grabe ka sa akin. Sometimes I dream of kissing you, marrying you, and having kids with you. How bad is that?" tanong ko sa kaniya.
"You're so honest, Reina," sabi niya sa akin.
I giggled. "Thank you!"
"I don't know if it suppose to be a compliment," I heard him mumbled.
"May sinasabi ka?" tanong ko sa kaniya.
"Nothing. We're here," sabi niya sa akin at itinigil na ang sasakyan.
Pinark na ni Helvric ang sasakyan at bumaba na kami. He's wearing a cap and a black mask so that no one will recognize him. Ako na ang kumausap sa staff at sinabihan ko sila na we need the VIP room.
Once everything is settled, pumunta na kaming dalawa ro'n, being guided by one of the staff.
Pinaghila ako ni Helvric ng upuan. Ngumiti ako sa kaniya saka umupo.
"Salamat!" kinikilig kong sabi.
"Yeah," tipid niyang sabi saka umupo kaharap ko. We're both sitting on both edge of the table. Mahaba pa naman ang lamesa kaya pakiramdam ko ang layo ko sa kaniya.
Tumayo ako na ikinatingin niya sa akin. Umupo ako sa gawing kanan niya.
"This is what I like," sabi ko.
"Ah, what?" naguguluhan niyang tanong.
"Staring you this close," sabi ko sa kaniya. Nagulat nalang ako na nasa labi ko na ang hintuturo niya. Nang napagtanto ko ang ginawa ko ay agad kong inilayo ang mukha ko sa kaniya.
"You're trying to kiss me?"
"Ah, eh... N-No. I mean, yes! N-No. Hindi pala. I'm unaware. Akala ko nag-iimagine lang ako sa utak ko," nahihiya kong sabi.
'Wah! Kainin mo na ako lupa!'
"Lumayo ka sa akin, Reina," sabi ni Helvric saka umusog palayo sa akin. Umupo siya sa gawing kaliwa, kaharap ko.
"Tss. Arte mo, ah," sabi ko sa kaniya.
"It's not being maarte. Pati kasi dapat nasa isip mo lang, naipapakita at ginagawa mo na. Unaware. Hindi na ako magtataka kong mababalitaan ko nalang ang sarili ko na nirape ng isang tulad mo,"
"Tulad ko na maganda," dugtong ko sa sinabi niya.
Mayamaya ay dumating na isa-isa ang mga pagkain namin at inilapag na ito sa mesa.
"Kumain ka nalang, okay? Gutom lang 'yan," sabi ni Helvric sa akin at sumimangot lang ako.
'Wala bang epekto sa kaniya ang kagandahan ko?'
YOU ARE READING
ANG MAHAL KONG MODELO
RomanceANG MAHAL KONG MODELO written by genhyun09 Genre: Romance-Comedy and Drama Date Started: August 15, 2020 Date Finished: June 10,2021 Story Description Helvric K. Seiverous is a handsome guy who belongs to a wealthy family. He's an Engineer and a fam...