Chapter 13

22 2 0
                                    


REINA'S POV

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Ate Ceila. Kakarating lang namin sa building, aalis na naman kami.

"Both of you are invited to do a clothing line for FILA," sabi ni Laques na kakapasok lang sa silid ko.

My eyes widened in glee. "Totoo?" I asked. "I mean, they're including me?"

Tumango si Jaiven sa akin na may malapad na ngiti sa mukha. "Of course. Ikaw ang partner ni Helvric. Nakita nila 'yong last photoshoot niyo. I gave them the book and both of you look good together. We will be going there to meet the coordinator para ma-orient kayo," sabi niya.

Napatakip ako sa aking bibig dahil sa sobrang saya. Nais ko sana humiyaw kaso nakakahiya dahil nandito si Jaiven. Mahina kaming tumili ni ate Ceila na magkahawak-kamay. "Congrats, Reina!" sabi ni ate Ceila sa akin.

Tumigil kami sa kakatili nang pumasok si Helvric sa silid.

"Can we just go? What took you guys so long?" Dumapo ang tingin niya sa akin. "And you, after the meeting; you'll come with me.  It's Ceriv's birthday. Dumating siya kagabi. Nais nila na dumalo ka," seryosong sabi ni Helvric sa akin.

Tinuro ko ang aking sarili na nakatulalang nakatitig sa kaniya.

"Oo, ikaw!" bulaslas niya saka lumabas sa silid.

••••

"Dapat tinatarayan ko siya, diba?" Hinarap ko si Ate Ceila na nasa tabi ko na nakaupo. Si Aeron naman ay tahimik lang na nagmamaneho.

"Bakit naman?" tanong ni Ate Ceila.

"Kasi nga diba, nagseselos ako. Naiinis ako sa kaniya. No'ng nakita ko lang siya, wala na, na blangko na ako." Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking mga kamay.

I crossed my arms over my chest and lean on the chair then I exhaled. "Tapos sasama ako sa kaniya mamaya. Paano ko ipakakalma ang puso ko?" tanong ko sa kanila.

"Isipin mo lang siya na kasama si Zaira. 'Yong nakakapit si Zaira sa kaniya samantalang ikaw, ni hawakan siya; hindi mo pa nagawa," sabi ni Ate Ceila at bigla nalang ako nakaramdam ng inis.

"I can drive you to your cousin's house. Hindi mo na kailangang sumama sa kaniya," singit ni Aeron.

"Tama," Ate Ceila agreed. "May paraan naman kung gugustuhin mo. Unless, gusto mo talaga magkasama kayong dalawa." She looks at me playfully while grinning from ear to ear.

Napapikit ako at kinagat ang ibabang labi ko. Pinipigilan kong sumagot.

Mayamaya ay napasinghap ako saka nagsalita. "Gusto ko siyang makasama. I mean, hindi. Um...Oo, gusto. Ay, hindi pala," naguguluhan kong sagot.

Kumunot ang noo ni Ate Ceila na nakatitig sa akin.

"Ano ba talaga?" tanong niya.

Huminga ako ng malalim. "Fine. Gusto pero hindi ako sasama sa kaniya. Pwede naman ako pumunta na mag-isa," sabi ko sa kanila.

"Okay," sabi ni Aeron at tumawa lang si Ate Ceila.

Naisipan ko nalang na tumingin sa bintana at pagmasdan ang mga nalalagpasan naming mga gusali at mga sasakyan.

••••

"This two are perfect for our new designs!" Pumalakpak ang baklang 'to. Ang coordinator. Kanina pa siya paikot-ikot sa likod ni Helvric habang nakapatong ang isa nitong kamay sa balikat ni Helvric.

"I'm looking forward, Mr. Laques. I know this event will become successful because Mr. Helvric Seiverous, a famous model will be our visual for the event. I know dadagsain ng mga tao at ang new release naming mga designs." Nag-shakehands sila ni Mr. Laques.

ANG MAHAL KONG MODELOWhere stories live. Discover now