Chapter 27

15 0 0
                                    


SOMEONE'S POV

"Napapansin mo 'yon, Red?" Lumingon ako sa likod dahil kanina ko pa napapansin na may sumusunod sa amin.

Sumilip si Red sa side mirror ng kotse. "Bakit ba?"

"May sumusunod ata sa atin," sabi ko sa kaniya.

"Sus. Guni-guni mo lang 'yan. Wala naman nakakita sa atin, ah. Baka same lang talaga ang direksyon na pupuntahan," sabi niya at binalik ang atensyon sa harap.

"Gago ka ba?! Ibahin mo muna ang daan natin. Tignan natin kung susunod ba talaga 'yang van na 'yan o hindi," singhal ko sa kaniya.

"Oo na! Oo na!" Biglang lumiko si Red sa kanan.

"Gago ka, bro! Mag-iingat ka nga!" saway ko sa kaniya saka ako lumingon sa likod at sumilip.

Mayamaya ay lumiko rin ang itim na van at nakasunod ito sa amin kahit medyo nilalayo niya ang distansya sa pagitan ng sasakyan namin.

"Sumunod ba?" biglang tanong ni Red at sumagot ako, "Oo."

"Ha! Tignan natin kung makakahabol 'yan!" natatawang sabi ni Red at bigla nalang binilisan ang pagmamaneho niya.

•••••

AERON'S POV

Mahigpit ang paghawak ko sa manubela. Pinalobo ko ang aking pisngi at bumuga ng hangin.

"They noticed me," sabi ko saka lumiko sa kanang kalye.

Napansin ko na mas binilisan nila ang kanilang pagmamaneho.

"Gusto ata nila makipagkarera ah. I won't let you!" gigil ko sabi.

•••••

THIRD PERSON'S POV

Mabilis na humarurot ang pulang kotse dahil hinahabol sila ng itim na van. Kahit saan-saan na sila lumusot ngunit hindi pa rin sumusuko si Aeron. Ang tanging nasa isip niya lang ay mailigtas si Reina.

Lumabas ang pulang kotse mula sa masukal na daan at lumiko pakaliwa. Mabilis nilang nilalagpasan ang ibang mga sasakyan.

Samantala, si Aeron naman ay kakalabas lang sa masukal na eskinita. Sa kasamaang-palad, hindi niya napansin na may papalapit palang malaking truck sa kaniya. Iiwasan niya sana ito ngunit huli na ang lahat dahil nahagip pa rin siya nito. Pumasok ang van sa isang store at nawasak ito. Ang harap ng van ay wasak na rin dahil sa malakas na impact ng pagkakabangga. Nauntog nang malakas ang ulo ni Aeron sa matigas na manubela. Nakasandal sa upuan ang ulo ni Aeron, nakatagilid. Umaagos ang dugo niya mula sa kaniyang ulo at ang ilang bubog ng salamin sa van ay napunta sa kaniya.

Umusok ang van at dali-daling bumaba ang nagmamaneho sa truck. Nagkumpulan ang mga tao at, bakas sa kanilang mukha ang pagkagulat.

"TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!" sigaw ng driver ng truck at sinusubukang ilabas si Aeron.

"R-Reina..." Huling salitang binitawan niya bago tuluyan nawalan ng malay.

••••

Samantala, ang dalawang lalaki na dumukot kay Reina at Helvric; napansin nila na hindi na nakasunod sa kanila ang itim na van. Humiyaw ang dalawa sa tuwa at binalik na ang atensyon sa kanilang dapat na gawin.

Naging tahimik ang biyahe nila at sina Reina at Helvric, wala pa ring malay na nasa likod ng sasakyan.

Ilang oras ang nakalabay, narating na nila sa wakas ang rest house ni Ceila. Malayo ito sa siyudad at walang masyadong tao. Tanging matatayog na puno, malinis na ilog ang narito at samut-saring mga bulaklak.

ANG MAHAL KONG MODELOWhere stories live. Discover now