Chapter 29

20 3 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

I HOUR AGO

FLASHBACK...

Dinala ng dalawang lalaki si Helvric sa silid ni Ceila. Nang mailapag na nila si Helvric sa malambot na kama ay agad na silang lumabas. Mayamaya, pumasok si Ceila sa loob at nilapit si Helvric na nakahilat sa kama na walang malay.

Umupo siya sa tabi nito saka nakangiting hinahamplos ang buhok ni Helvric.

"Mahal na mahal kita, Helvric," sabi nito habang nakangiti.

Napunta ang kaniyang tingin sa polo ni Helvric. Isa-isa niyang tinanggal ang pagkabutones at nang masilayan na ang collarbone ni Helvric ay tumigil na siya.

Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa leeg ni Helvric at inamoy ito saka niya hinalikan.

Samantala, unti-unti ng bumabalik ang malay ni Helvric. Habang abala si Ceila sa paghalik sa leeg niya at sa kaniyang bukas na dibdib, tuluyan na siyang nagising at marahas na itinulak si Ceila.

Bakas ang galit sa mukha ni Helvric at pagkagulat naman kay Ceila. Agad na inayos ni Helvric ang kaniyang suot. Binatones niya muli ang kaniyang polo.

Tumayo siya. "WHAT THE HELL ARE YOU DOING, CEILA?! ARE YOU OUT OF YOUR MIND?!" galit na tanong ni Helvric sa kaniya.

Tumayo rin si Ceila. Nasa pagitan nila ang kama. "H-Helvric," sambit niya sa pangalan nito at aakmang iikot at lalapitan si Helvric ngunit nagsalita ito.

"DON'T GO NEAR ME!" Umigting ang panga nito. "Baka ano ang magawa ko sa 'yo," mahinahon niyang sabi.

Seryoso niyang tinignan si Ceila. "Nasaan si Reina? What did you do to her?" tanong nito na ikinainis ni Ceila.

"Shut up! Don't mention her name using that mouth of yours! Nagseselos ako!" inis niyang sabi.

Marahas niyang ginulo ang kaniyang buhok dahil sa inis at muling tinignan si Helvric. "PAPATAYIN KO SI REINA! HINDING-HINDI AKO TITIGIL NA MAWALA SIYA SA BUHAY NATIN!" singhal niya.

"Kung hindi ka man lang mapasaakin. Mas mabuti pang mawala si Reina para pareho tayong magdusa!" Umupo siya sa kama saka tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga palad. Gulat lang na nakatitig sa kaniya si Helvric.

Hindi niya akalain na ito pala ang tunay na kulay ni Ceila.

"She's your friend. Why are you doing this?" tanong ni Helvric.

Tinanggal ni Ceila ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mukha at tumungo. "Hindi ko siya kaibigan," mahina nitong sambit.

Nilingon niya si Helvric. "KAAGAW KO SIYA SA 'YO! KAAGAW! GINAGAWA KO 'TO KASI MAHAL NA MAHAL KITA!"  malakas niyang sabi.

"Ceila...this isn't right. This is not love. What you're doing is an act of obsession. If you truly love me, you will consider the things what makes me happy. Including the person who I truly love," sabi ni Helvric.

Tumayo siya at hinarap si Helvric saka umiling. "Hindi. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka sa akin at makitang umibig sa iba. Wala akong paki-alam sa kung ano ang sabihin nila." Tumungo siya at umiyak. "Iniisip ko pa lang para akong nasisiraan ng bait. Parang pinupunit ang puso ko," mangiyak-ngiyak niyang sabi.

Inangat niya ang ulo niya at tinignan si Helvric. "Please. Love me, Helvric. Ako nalang please," paki-usap ni Ceila sa kaniya.

"I'm sorry. I'm very sorry," paumanhin ni Helvric. "I can't love you. I can't choose you because my heart already chose Reina. I love her. Only her," seryosong sabi ni Helvric.

Muli na namang sumeryoso ang mukha ni Ceila. Puno ng galit at selos ang kaniyang sarili.

"If that's the case..." Tinalikuran niya si Helvric at lumapit sa drawer saka ito binuksan. Kinuha niya ang baril mula sa loob ng drawer.

Nang makita ito ni Helvric ay nanlaki ang kaniyang mga mata. Natatakot siya at puno ng pag-aalala. Hindi para sa kaniyang sarili kung hindi para kay Reina.

"Papatayin ko siya. Hinding-hindi ako titigil na sirain ang buhay niya. Marami akong pera at koneksyon, Helvric. Kung hindi mo ako mamahalin at hindi ka mapasaakin, kukunin ko sa 'yo ang minamahal mo," seryosong wika ni Ceila.

"C-Ceila, p-please don't hurt her," pakiusap ni Helvric. "I will do what you want just don't..." Pumikit ito saglit at bumuntong-hininga. His fists clenched as he opened his eyes again and look at Ceila. "Just don't hurt her. Let her leave this place safely. Hindi ako aalis dito," sabi ni Helvric saka iniwas ang tingin kay Ceila.

Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi upang pigilan ang sarili na umiyak.

"Okay. Papakawalan ko siya. Siguraduhin mo lang na hindi ako lokohin," sabi ni Ceila ngunit hindi man lang siya tinignan ni Helvric.

Lumabas si Ceila sa silid at iniwan si Helvric.

Napaupo si Helvric sa kama at napahilamos sa sariling mukha gamit ang kaniyang kanang palad at tahimik na umiyak. "I am s-sorry, Reina. I love you so much but I have to think your safety first," sabi niya na umiiyak.

Pinindot niya ang ilalim ng kaniyang relo upang e activate ang tracking device saka siya tumayo mula sa pagkakaupo at lumabas sa silid ni Ceila.

END OF FLASHBACK.

••••

LEUMARK'S POV

"Yes, Sir Leumark. Naactivate na po ang tracking device ni Sir Helvric. Alam na namin ang location niya. Tatawag na po kami ng police," one of my men informed.

"Okay. I'll be there in an hour," sagot ko saka binaba ang tawag.

Hinabol ko na si Fenice kasi siya muna ang pinauna ko sa loob ng hospital. Mabilis akong naglalakad sa hallway at lumiko ako sa kanan. Mula sa malayo, may narinig akong umiiyak. Tumakbo ako at bumungad sa akin ang pamilya ni Aeron na humagulhol sa pag-iyak. Si Fenice naman ay napatakip lang sa kaniyang bibig na may mga luhang tumutulo sa kaniyang mga mata. Nilapitan ko siya at hinawakan ang balikat niya.

"Wife," tawag ko sa kaniya.

Nang makita niya ako ay agad niya akong niyakap. "H-He's dead. A-Aeron is d-dead. A-Ano nalang ang m-mararamdaman ng p-pinsan ko?" umiiyak niyang sabi.

"KUYA~"

"KUYA! GUMISING KA! H-HUWAG M-MO KAMING I-IWAN!"

Bigla nalang hinimatay ang ina ni Aeron. Agad kaming lumapit ni Fenice at inalalayan siya ng mga nurse.

"MA!"

"MAMA?!"

"DOC, SI MAMA!"

Mas lalong umiyak si Fenice at nilapitan ang dalawang kapatid ni Aeron at niyakap ang mga ito.

"Wife? Stay with them. I located where Helvric is. I'll make sure na makukulong si Ceila at ang kasamahan niya," sabi ko kay Fenice at tumango lang siya saka ako lumakad at iniwan sila.

ANG MAHAL KONG MODELOWhere stories live. Discover now