Chapter 3

28 1 0
                                    

REINA'S POV

Nandito na kami sa tapat ng building. Bumaba ako saka sinuot ang sunglasses ko. Napatitig ako mula sa baba hanggang sa taas ng building.

"Wah~Seiverous Entertainment! Nandito na ako mahal ko!" masayang sambit ko.

"Tara na sa loob. Mukha kang tanga," ani ni Ate Ceila.

"May tanga bang maganda?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad.

"Oo meron," sagot niya.

"I'm sure it's not me," nakangiting sabi ko sa kaniya sabay flip ng hair ko at naunahan siya sa paglalakad. Nakasunod siya sa akin ngayon.

••••

Maraming mga babae rito sa building na pagmamay-ari ng Seiverous, ang Seiverous Entertainment. Isa ito sa sikat na Entrainment at maraming magagaling na trainees ang nakapagdebut at sumikat. Si Helvric K. Seiverous ang modelo ng kompanyang 'to.

Pumasok ako sa building pagkatapos na maipakita ang I.D ko sa guard at macheck ang laman ng bag ko. Nahihirapan akong makalusot dahil sa mga babaeng nagkukumpulan. Nakaalalay lang ang manager ko sa akin na si Ate Ceila.

"Napaka-wild na man ng mga babaeng 'to!" ani ni Ceila.

"Syempre! Sino ba ang hindi magiging agresibo kung alam mo na nasa building si Helvric," sabi ko sa kaniya.

"Ikaw, ha. Umayos ka. Huwag kang papahalata na gusto mo siya. Baka mapano ka pa sa mga fans ni Helvric," pagpapaalala niya sa akin.

"Oh, please. Ako ang presidente ng fan club ni Helvric," sabi ko saka tumawa.

"Sinungaling!" sabi ni Ate Ciela sa akin.

Nang makalusot na kami ay dumiretso na kami sa elevator at pumunta sa meeting hall. Pagkabukas ng elevator, bigla nalang kumabog ng malakas ang puso ko.

Napahawak ako sa akin dibdib. "Huwag nalang siguro!  Kinakabahan ako na makatrabaho siya, Ate Ceila," sabi ko sa kaniya.

Hinampas niya ng mahina ang braso ko. "Ano ka ba? Malaking opportunity 'to para sa 'yo! Pasalamat ka nga at makakatrabaho mo siya!" sabi niya saka hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Tumitig ka sa mga mata ko," sabi nito at ginawa ko naman.

"Marami ang nais na makatrabaho si Helvric. Himala nga na napili ka ng kompanyang 'to! Sa wakas, sa ilang beses natin pag-apply, natanggap na tayo at agad kang may trabaho. Hindi lang sa basta sino, isang SEIVEROUS. Gaga ka!" sabi ni Ate Ciela habang marahan akong niyuyugyog.

"Oo na! Oo na! Tara na. Ikakasal na ako," sabi ko saka naunang lumabas ng elevator at naglalakad sa hallway.

Nakasunod lang sa akin si Ate Ciela.

"Hoy? Ano'ng sabi mo? Nangangarap ka na naman?" tanong ni Ate Ciela at sumabay sa paglalakad ko. Kunot-noo siyang nakatitig sa akin.

"Luh. Hindi na ako nangangarap dahil aamin na ako sa kaniya," nakangiting sabi ko at mas binilisan pa ang paglalakad. Tinatawag ako ni Ate Ciela ngunit hindi ko siya nilingon. Bakas sa aking mukha ang masaya kong expression.

'Wait for me, my Helvric!'

•••

Nasa tapat na kami ng meeting hall. Masyado na akong kinakabahan ngunit hindi ko pa rin inaalis ang ngiti sa mukha ko. Kumatok si Ate Ceila at pinagbuksan kami ng kung sino sa loob.

ANG MAHAL KONG MODELOWhere stories live. Discover now