Chapter 30

23 1 0
                                    

ANG MAHAL KONG MODELO ✍🏻 genhyun09

CHAPTER 30

REINA'S POV

Tahimik lang ako buong biyahe hanggang sa narating na naman ang sentro. Ibinaba nila ako sa tapat ng coffee shop. Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan saka ako bumaba. Pagkatapos ay isinara ko ito at lalakad na sana na biglang tinawag ako nang dalawa.

"HOY?!" Binuksan ni Paul ang bintana ng kotse at inilabas ang kaniyang ulo. "Huwag kang magsusumbong sa police o guluhin ang amo namin kung ayaw mong may mangyari sa lalaking mahal mo," pagbabanta niya.

Kinuyom ko ang aking mga kamay at huminga ng malalim saka tumango bilang pagsang-ayon sa kaniya.

Pagkatapos ay isinara na niya ang bintana ng kotse saka sila umalis.

Bigla akong napaupo sa gilid ng daan. Ipinatong ko ang aking mga braso sa ibabaw ng aking mga tuhod saka ako tumungo at isinubsob ang mukha ko. Pumasok sa aking isipan ang inasta ni Helvric kanina sa akin. Kumirot ang aking puso at tumulo na naman ang aking mga luha mula sa aking mga mata.

Mayamaya, bigla nalang ako nakaramdam ng paghaplos ng malamig na hangin. Napaangat ako sa aking ulo saka pinunasan gamit ang aking mga palad ang mga luha ko. Dahan-dahan akong tumayo at mabigat na humahakbang patungo sa convenience store. Pumasok ako roon at dumiretso sa counter.

"Miss? P-pwede makitawag?" tanong ko sa babae at nakatitig lang siya sa akin, sinusuri ang itsura ko ngayon na ang dumi ng damit ko at ang gulo ng buhok ko.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong niya at inilapit niya kaunti ang kaniyang sarili sa akin. "Parang familiar ka sa akin," saad niya.

"NEWS FLASH: Isang sikat na model na si Helvric Seiverous at ang kaniyang kasama na si Reina Súe Montigues ay bigla nalang nawala sa mismong fashion show ng F. I. L. A. Ang pamilya ng dalawa ay nananawagan na sa pulis upang humingi ng tulong at hanapin ang dalawang sikat na modelo. Sa kun--" Nawala ang atensyon ko sa tv dahil bigla nalang ako napitlag sa biglaang pagsalita ng babae.

"NAKO! ANG HELVRIC KO!NAWAWALA?" gulat niyang sabi. Tumitig muli siya sa tv na nakadikit sa dingding.

"Te?Makitawag sa--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla na naman siya nagsalita.

"Ito cellphone ko," sabi niya na hindi inaalis ang mga mata sa tv.

"Salamat," pasalamat ko.

"Ang ganda ni Miss Reina, sana ayos lang sila ni Kuya Helvric no?"

"Malay mo nagtanan lang 'yong dalawa,"

"May point ka. Kasi diba, may rumor na dating na daw ang dalawa."

"NO WAY! MASASAKTAN TALAGA AKO!"

Napapikit nalang ako sa mga pinagsasabi ng mga High School students na kakapasok lang sa store. I took a heavy sigh as I open my eyes again and dial Fenice's number.

"KAMAKAILAN LANG, ANG LALAKING NAAKSIDENTE SA MAY GAINDO CROSSING NA NABANGGA UMANO NG TRACK; Patay na,"

Tila bang binuhusan ng malamig na tubig ang aking buong katawan nang e flash sa screen ng telebisyon ang sasakyan na alam kung kanino 'yon. Nabitawan ko ang cellphone na hawak ko nang ipinakita rin ang plate number ng sasakyan at tama ang kutob ko.

"Ang cellphone ko!" hiyaw ng babaeng nagbabantay sa store. Nakuha niya ang atensyon ng mga High School students at lumapit sila sa amin. Tinignan ako ng maigi ng apat at bigla nalang napasinghap dahil sa gulat.

Dali-dali kong dinampot ang cellphone."I'm sorry," paghingi ko ng paumanhin.

Tinuro ako ng isa. "S-Si Miss Reina."

ANG MAHAL KONG MODELOWhere stories live. Discover now