Chapter 33

17 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Helvric is so drank. He's in the club together with Leumark. This club is owned by Marvin, Harold and Lance with the help of Leumark and Fenice's support.

"Reina..." banggit niya muli sa pangala ni Reina.

Kanina pa siya Reina nang Reina. Kahit ano'ng gawin niya pag-inom, hindi pa rin mawawala ang sakit na nararamdaman niya. He loves Reina so much. The fact that Reina broke up with him, nasasaktan siya. Alam niya ang dahilan pero natatakot siya, baka hindi na babalik si Reina sa kaniya.

"Just give him time, bro," sabi ni Leumark.

"That i-is w-what I a-am doing!" he stuttered because of hiccups. " I am g-giving h-her t-time b-but w-what i-if... I c-can't have h-her back? W-What if... Kapag mahanap n-na niya ang s-sarili niya, w-wala n-na ako s-sa kaniya?" Nilunok niya muli ang isang bote ng alak saka nagsalit sa muli.

"P-Paano nalang k-kung h-hindi na r-rin niya mahanap ang p-pagmamahal n-niya s-sa akin?" naiiyak niyang sabi.

Umiling-iling siya. "No! No! I will love her still! I will make h-her l-love me a-again! I w-will definitely, definitely... pursue h-her!" sabi niya.

"Magandang ideya 'yan, Helvric," sabi ni Lance.

"Yeah. Since you love her that much, to anything to win her back!" segunda ni Marvin.

"But, let her heal first. Maybe Reina is doing this for the both of you, " sabi ni Harold.

"Harold is right. Give her time. And when she's ready, pursue her," pagsang-ayon ni Leumark kay Harold.

Tahimik lang si Helvric at walang imik. Nagtaka ang apat kung bakit bigla nalang ito natahimik.

"He's sleeping," natatawang sabi ni Lance. "Tinulugan na tayo," dagdag nitong sabi.

"Help me with him," sabi ni Leumark sa tatlo at inalalayan nila si Helvric palabas ng bar.

••••

It's Aeron's funeral day. Everyone is mourning for the last time. All were saying their goodbyes and prayers.

Nang matapos na ang libing, nagsi-uwian na ang mga dumalo maliban kay Reina na nagpaiwan. Nakatitig lang siya sa lapida ni Aeron habang umiiyak.

"Namimiss na kita, Aeron," mahina niyang sambit. "Hindi ko alam kung kaya ko na wala ka. Buong buhay ko, nasa tabi kita. Kaya sabihin mo sa akin, paano ako magpapatuloy na wala ka sa tabi ko ngayon?" mangiyak-ngiyak kong sabi.

Biglang nakaramdam ng malamig na hangin si Reina na tila ba, niyayakap siya nito. Napahawak si Reina sa kaniyang puso saka humagulhol ng iyak.

"A-Alam k-kong nagpapaalam k-ka na s-sa akin. A-alam ko n-na dapat na k-kitang p-pakawalan na hindi nalulungkot p-pero... "Tumingala ako sa langit. "Hindi ko pa kaya na maging masaya ngayon," sabi ko sa ere.

"Alam kong ayaw mo ako maging malungkot. I'm sorry, Aeron. I'm really sorry, " sabi ko saka binalik muli ang tingin sa kaniyang lapida.

••••

REINA'S POV

3 months later

"Sure ka ba na ayaw mong hintayin si Helvric?" tanong ni Fenice sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya saka umiling. "No need. Ayaw ko siyang guluhin pa," sagot ko sa kaniya.

"Naaawa ako sa kaniya eh," sabi ni Fenice. "Eh kasi naman, mahal na mahal ka niya. Araw-araw siyang nagpipigil na guluhin ka dahil nga gusto mong mapag-isa. Naiirita na nga ako kasi lagi niya akong tinatanong tungkol sa 'yo," dagdag niyang sabi.

"Mas mabuti na rin na ganito kami. Hindi pa ako handa. Kailangan ko munang hanapin ang sarili ko," sabi ko sa kaniya.

"Hindi mo na ba siya mahal?" tanong ni Fenice sa akin. Hindi ako sumagot sa kaniya.

"Alam kong importante sa 'yo si Aeron at grabe ang sakit na dinanas mo nang nawala siya. Kaso, gusto mo rin na mawala sa 'yo ng tuluyan si Helvric?" tanong niya sa akin.

"If kami talaga para sa isa't isa, kami talaga. If hindi, wala na kaming magagawa," sagot ko sa kaniya.

"He said, he'll wait for you, " sabi niya.

Ngumiti ako. "I know, " sabi ko sa kaniya.

Nilapitan ako ni Fenice at niyakap. "Mamimiss kita. Mag-iingat ka sa Paris ha?"

Tumango ako saka humiwalay ng pagkakayakap sa kaniya. "Ano ba! 1 year and a half lang ako ro'n. May gaganapin kasi na fashion show. Mas maganda na 'to, diba?"

Tumango-tango si Fenice. "Sige. Basta mag-iingat ka ha? Tumawag ka sa akin lagi," paalala nito.

"Oo na," sagot ko sa kaniya at saglit na tumawa.

Aalis na sana ako dahil tinatawag na ang flight number ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"REINA?!"

Lumingon ako muli at nakita si Helvric na hingal na hingal.

"W-Wait," sabi niya.

Lumapit siya sa akin at may nilabas na box mula sa loob ng jacket niya.

Kunot-noo ko siyang tinignan. "Helvric? Bakit ka nand---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita siya.

"Listen. I will not stop you. But, I want you to promise to me." He opened the box and I saw a bracelet in it. "That you will come back for me," dugtong niyang sabi.

"I know. Kaya kitang puntahan at sundan pero, nirerespeto ko ang desisyon mo," sabi niya saka kinuha ang bracelet.

"Pwede sa pagbalik mo at kapag nahanap mo na ang sarili mo, will you be my girlfriend again? This is a promise bracelet. I have mine too. "Pinakita niya ang suot niyang bracelet.

"I made this design, exclusively for us," sabi niya na nakangiti.

Isinuot niya ang bracelet sa akin at napunta ang tingin niya sa aking daliri nang natapos niyang isuot sa aking kamay ang bracelet. Mas sumilay ang ngiti sa kaniyang mukha saka unti-unti ng naiiyak.

"I feel s-so relieved when I see that, you still wore the ring I gave you," sabi niya.

"You said, you'll wait, right?" tanong ko sa kaniya at agad siyang tumango.

"Yes. I will wait for you. I will do anything that you will say to me because I love you," sagot niya sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya saka siya hinalikan sa pisngi.

Nagpaalam na ako sa kanila saka ako tumalikod at pumasok na sa loob.

'Hintayin mo lang ako, Helvric,'

ANG MAHAL KONG MODELOWhere stories live. Discover now