Prologue

82 3 0
                                    

REINA'S POV

Hindi parin ako makapaniwala na makakatrabaho ko si Helvric. Kahit nakikita ko siya sa malapitan, kahit malapit lang kami sa isa't isa noon; hindi niya ako nakikita dahil ang kaniyang atensyon ay nasa pinsan kong si Fenice. Naaawa ako sa kaniya dahil hindi nagawang mahalin ng pinsan ko si Helvric. Ang minahal at pinakasalan nito ay ang kapatid ni Helvric na si Leumark, isa sa sikat na business man.

Kinuha ko ang litrato ni Helvric at hinalikan ito.

"Magkikita na tayo, mahal ko! I love you so much! I will love you forever and ever!" Tumili ako.

Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Anak, nasa baba na ang manager mo," sabi ni Mama.

"Opo! Lalabas na!" sigaw ko pabalik.

Ngayon araw na 'to ang  oras ko. Aaminin ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya. Matagal ko ng gusto si Helvric. Katulad ng ibang mga babae, nangangarap rin ako na mapansin, mahalin, at maging girlfriend niya.

Hindi ko dapat ipagpalagpas ang pagkakataong ibinigay sa akin. Aamin na ako.

"Kaya ko 'to! Kaya ko!" Ilang beses kong paulit-ulit na sinasabi sa aking sarili na kaya ko 'to.

•••••

Maraming mga babae rito sa building na pagmamay-ari ng Seiverous, ang Seiverous Entertainment. Isa ito sa sikat na Entrainment at maraming magagaling na trainees ang nakapagdebut at sumikat. Si Helvric K. Seiverous ang modelo ng kompanyang 'to.

Pumasok ako sa building pagkatapos na maipakita ang I.D ko sa guard at macheck ang laman ng bag ko. Nahihirapan akong makalusot dahil sa mga babaeng nagkukumpulan. Nakaalalay lang ang manager ko sa akin na si Ate Ceila.

"Napaka-wild na man ng mga babaeng 'to!" ani ni Ceila.

"Syempre! Sino ba ang hindi magiging agresibo kung alam mo na nasa building si Helvric," sabi ko sa kaniya.

"Ikaw, ha. Umayos ka. Huwag kang papahalata na gusto mo siya. Baka mapano ka pa sa mga fans ni Helvric," pagpapaalala niya sa akin.

"Oh, please. Ako ang presidente ng fan club ni Helvric," sabi ko saka tumawa.

"Sinungaling!" sabi ni Ate Ciela sa akin.

Nang makalusot na kami ay dumiretso na kami sa elevator at pumunta sa meeting hall. Pagkabukas ng elevator, bigla nalang kumabog ng malakas ang puso ko.

Napahawak ako sa akin dibdib. "Huwag nalang siguro! Kinakabahan ako na makatrabaho siya, Ate Ceila," sabi ko sa kaniya.

Hinampas niya ng mahina ang braso ko. "Ano ka ba? Malaking opportunity 'to para sa 'yo! Pasalamat ka nga at makakatrabaho mo siya!" sabi niya saka hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Tumitig ka sa mga mata ko," sabi nito at ginawa ko naman.

"Marami ang nais na makatrabaho si Helvric. Himala nga na napili ka ng kompanyang 'to! Sa wakas, sa ilang beses natin pag-apply, natanggap na tayo at agad kang may trabaho. Hindi lang sa basta sino, isang SEIVEROUS. Gaga ka!" sabi ni Ate Ciela habang marahan akong niyuyugyog.

"Oo na! Oo na! Tara na. Ikakasal na ako," sabi ko saka naunang lumabas ng elevator at naglalakad sa hallway.

Nakasunod lang sa akin si Ate Ciela.

"Hoy? Ano'ng sabi mo? Nangangarap ka na naman?" tanong ni Ate Ciela at sumabay sa paglalakad ko. Kunot-noo siyang nakatitig sa akin.

"Luh. Hindi na ako nangangarap dahil aamin na ako sa kaniya," nakangiting sabi ko at mas binilisan pa ang paglalakad. Tinatawag ako ni Ate Ciela ngunit hindi ko siya nilingon. Bakas sa aking mukha ang masaya kong expression.

'Wait for me, my Helvric!'

ANG MAHAL KONG MODELOWhere stories live. Discover now