THIRD PERSON'S POVHumagulhol si Reina ng iyak. Nilapitan siya ni Fenice na lumuluha na rin at hinihimas-himas ang likuran nito.
"A-Aeron..." nahihirapan sambit ni dahil sa kaniyang paghikbi. Ang pamilya ni Aeron ay umiiyak na rin, nasa labas ng silid. Hindi nila kaya tignan ang kanilang anak at kapatid na wala ng malay.
Dahan-dahan na humakbang si Reina papalapit kay Aeron na wala ng malay. Hinaplos niya ang pisngi nito at humagulhol muli siya.
Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi upang pigilan ang sarili sa paghikbi. Sa isip niya, ayaw ni Aeron na nakikita siyang umiiyak, nasasaktan o nalulungkot. Parang pinunit ang kaniyang puso nang yakapin niya ang bangkay ni Aeron.
"I am s-sorry, A-Aeron," paghingi niya ng paumanhin. "I'm s-sorry. Nang dahil s-sa a-akin..." Tinignan niya ang mukha ni Aeron. "Nangyari sa 'yo 'to," malungko niyang saad.
"Aeron... B-Bakit mo 'ko iniwan? Aeron... Please. G-Gumising k-ka. Oh?" Mahina niya itong niyuyugyog. "S-Sige n-na, please. Please," she pleaded as tears stream down to her cheeks.
"Aeron." Bumagsak siya sa sahig at napaupo. Niyakap ni Reina ang kaniyang sarili habang mabilis pa rin ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Nilapitan siya ni Fenice saka siya niyakap.
••••
Samantala, nasa lugar na sina Leumark at ang mga pulis na kung saan dinala sina Reina. Pinalibutan ng mga pulis ang buong lugar. Tahimik nilang nilalapitan ang bahay at maingat na nagmasid ang iba sa paligid.
"Sir Leumark, confirm po. Nasa loob si Helvric Seiverous," pagpapaalam ng isang pulis kay Leumark.
"Is he fine?" tanong ni Leumark. Tumango ang pulis saka sumagot, "Yes, Sir. He's fine. Nasa silid siya. At may isang babae at dalawang lalaki sa sala."
"Pasukin niyo na," seryosong utos ni Leumark sa mga pulis.
Agad na pumasok ang ilang mga pulis sa bahay.
Bakas ang pagkagulat ng tatlo. Hindi nila napaghandaan ang mga nangyayari. Maski isa sa kanila, wala sa kanilang isip na may makakahanap sa lugar nila.
"PUT DOWN YOUR WEAPON!" sigaw ng pulis nang kukunin sana ng isang lalaki ang baril niya na nasa lamesita.
Inangat nila ang kanilang mga kamay sa ere. Tatakbo pa sana si Ceila sa taas upang puntahan si Helvric ngunit agad siyang pinaputukan ng pulis kaya napatigil siya.
Pumasok si Leumark, Marvin, Harold, at Lance. Nilapitan nila si Ceila na bakas sa mukha ang galit.
"Si Reina ba ang nagsumbong sa mga pulis?!" nanggagalaiti nitong tanong.
Leumark just smirked at binangga niya si Ceila sa balikat saka niya ito nilagpasan at pumunta sa silid na kung saan ang kapatid niya.
"Girl, don't be so stupid," nakangiting pang-aasar ni Lance sa kaniya.
"Reina didn't say anything. Because..." Nilapitan ni Marvin si Ceila at bumulong, "Helvric has a tracking device installed in his watch and to Reina as well." Umatras agad si Marvin saka kinindatan si Ceila.
"Pretty sana, bro. Desperada lang," komento ni Marvin kay Lance na ikinailing naman ni Lance na para bang nasasayangan siya.
"Kunin niyo na siya," sabi ni Harold sa mga pulis at pinupusasan si Ceila.
"BITAWAN NIYO AKO!" sigaw niya. Nakita niyang bumaba si Helvric kasama si Leumark.
"Helvric, Helvric, please save me. Mahal kita Helvric kaya ko 'to nagawa," sabi niya na tila naiiyak na ngunit hindi siya pinakinggan ni Helvric. Nilagpasan lang siya nito at nauna na silang lumabas saka muna kinaladkad si Ceila at ang dalawang lalaki palabas ng bahay.
•••••
Nang nasa biyahe na sila, kwinento ni Leumark ang nangyari.
"Reina is safe. Kasama niya si Fenice sa hospital ngayon," sabi ni Leumark.
Kumunot ang noo ni Helvric sa sinabi ng kaniyang kapatid. "Why? What do you mean? Reina is fine, right? Why are they in the hospital?"
"Aeron got into an accident and he didn't make it," sagot ni Leumark.
"What?" naguguluhan niyang tanong. "What do you mean?" tanong niya ulit.
"Aeron followed those men who kidnapped you and Reina. He got into an accident and... "Malungkot niyang tinignan si Helvric. "Aeron's dead," sabi niya na nagpagulat kay Helvric.
Yumuko siya at kinuyom ang kaniyang mga kamay. "T-This c-can't be," he muttered
"R-Reina w-will b-be h-hurt. S-She's... She is crying now and... "He took a deep sigh and control himself not to cry.
Helvric knows how important Aeron to Reina's life is. Kung tutuusin, mas deserving si Aeron kaysa sa kaniya. Aeron give up on Reina because he wanted his only bestfriend, his only love to be happy with someone whom she really love. Aeron accepted the fact that Reina loves Helvric than him but despite of it, he still continue to love her and stay by her side when Helvric doesn't know about Reina's feeling towards him. Aeron is a bestfriend that anyone could wish for. Aeron is a man whom every girl wish to have but he's a guy who wish to be in Reina's side.
Reina felt like her other self is missing. She's too dependent to Aeron. She's too spoiled to Aeron's care and attention. She feels guilty for not doing anything to him. She is feeling guilty for not showing how much Aeron is important to her life.
As what they said, you only appreciate someone's existence when their gone and that's what Reina is feeling right now. All the memories she had with Aeron, she realized how much Aeron loves her.
••••
It is Aeron's first day of funeral. All the family, friends and whom who know him give condolences to the family. Reina, at the first row of the chair; sits quietly. She is wearing shades to cover her puffy eyes.
"Reina, just take a biscuit and---" Helvric words left unfinished when Reina cuts him off. "I'm not hungry," malamig niyang saad.
Helvric understands her coldness, hindi rin naman sa kaniya, lahat ng mga tao na kinakausap siya; malamig ang kaniyang pakikitungo nito.
Madali na siyang mairita at magalit. Buong araw siyang walang kain at walang pahinga which made Helvric to worry about her. Baka kasi mapaano siya.
"Please, love," paki-usap niya kay Reina.
"Huwag mo muna akong guluhin, Helvric. Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko!" singhal nitong sabi na ikinakuha niya ng atensyon sa mga taong narito sa silid.
Huminga ng malalim si Helvric. "Fine, I'll try to ask you again to eat later. I am j-just... worried about you," sabi niya kay Reina at wala siyang natanggap kahit anumang imik galing kay Reina.
YOU ARE READING
ANG MAHAL KONG MODELO
RomanceANG MAHAL KONG MODELO written by genhyun09 Genre: Romance-Comedy and Drama Date Started: August 15, 2020 Date Finished: June 10,2021 Story Description Helvric K. Seiverous is a handsome guy who belongs to a wealthy family. He's an Engineer and a fam...