REINA'S POVNandito na kami sa tapat ng mansion nina Fenice. Bumaba na ako sa van. Isasara ko na sana ang pinto nang magsalita si Aeron. "Want me to tag along?" tanong niya sa akin.
"Pwede naman kami sumama diba kahit hindi kami invited? Like, we are your friends," sabi ni Ate Ceila sa akin. Natigilan ako saglit at nag-iisip nang biglang lumabas mula sa loob sina Fenice at Leumark.
"Reina," tawag ni Fenice sa pangalan ko. Lumingon ako at hinarap sila. Nagkayakapan kaming dalawa ng ilang minuto saka naghiwalay.
"Pasok kayo sa loob," sabi ni Leumark sa amin.
"Pwede ba na isama ko sila?" tanong ko kay Fenice.
Tumango lang si Fenice bilang sagot saka ngumiti ng tipid sa mga kasamahan ko.
Bumaba na si Ate Ceila at tumayo sa tabi ko. "I'm Ceila, Reina's Manager," pagpapakilala niya kay Fenice.
"Hi. Nice to meet you," sabi ni Fenice.
"Nandoon silang lahat sa loob," nakangiting sabi ni Leumark.
'Ang gwapo talaga ng mga Seiverous,'
"E pa-park ko lang ang sasakyan," sabi ni Aeron.
"Sige. Pumasok ka lang sa loob, ha?" Tumango lang si Aeron sa akin at pinaandar na ang van.
Pumasok na kami sa mansion. Naglalakad kami hanggang sa nakarating na kami sa likod ng mansion na malawak pool, may mga cottages at may karaoke set pa. May mga maids sa bawat gilid ng pool at nagbabantay sa buffet table.
"Reina!" Kumaway si Lance sa akin. Lumapit kami sa kanila at nagbabatian, nangangamusta sa isa't isa.
"Ceriv, happy birthday," bati ko sa kaniya. "Sorry. I wasn't able to buy you a gift. Biglaan kasi, eh," sabi ko sa kaniya.
"No, it's fine. Good thing you're here," nakangiting sabi niya sa akin.
"Nasaan pala si Helvric?" pabulong kong tanong kay Fenice.
"Nasa loob lang. Lalabas na 'yon. Maiinit ata ang ulo. May nangyari ba?" Tinignan ako ni Fenice at halata ang kuryosidad sa mukha niya. Hinihintay niya akong sumagot. Napalunok ako sa sariling laway saka ngumiti sa kaniya.
"Wala naman," pagsisinungaling ko.
"Wife?" Tinawag ni Leumark si Fenice na nasa tabi ko nakatayo. Nagpaalam siya na pupuntahan niya muna si Leumark kaya tumango lang ako. Umupo ako sa bakanteng upuan, katabi ko si Ate Ceila.
"Mga kakilala mo lahat ang mga 'yan?" bulong na tanong ni Ate Ceila sa akin habang isa-isang tinitignan sina Pers, Katof, Kai, Lance, Harold, Marvin at Ceriv.
"Oo," simpleng sagot ko.
"Talaga?"
Tumango ako. "Mga kaibigan sila ng pinsan kong si Fenice. Mga mababait ang mga 'yan, maitsura pa," sabi ko sa kaniya.
"Agree ako diyan. Ang gagwapo nila," sabi niya at tahimik na tumili sabay sundot sa tagiliran ko. May kilitan pa naman ako ro'n kaya napatalon ako sa upuan ko na ikinatingin nila sa akin.
"Are you okay?" tanong ni Kai sa akin.
"Oo," nakangiting sagot ko.
"Reina, I've seen your latest picture with Helvric. You look so pretty," sabi ni Marvin sa akin.
Nilagay ko ang isang kamay ko sa aking bibig na nakangiti. Nahihiya kasi ako. "Ano ba? Normal lang 'yon," sabi ko sa kanila.
"Normal na?" tanong ni Marvin.
YOU ARE READING
ANG MAHAL KONG MODELO
RomanceANG MAHAL KONG MODELO written by genhyun09 Genre: Romance-Comedy and Drama Date Started: August 15, 2020 Date Finished: June 10,2021 Story Description Helvric K. Seiverous is a handsome guy who belongs to a wealthy family. He's an Engineer and a fam...