Chapter 20

15 2 0
                                    


CEILA'S POV

Umuwi ako sa aming mansion at agad akong sinalubong ng mga katulong. Agad silang naghilera sa bawat gilid at nagbow sa akin bilang pagbibigay galang. Dire-diretso lang ang aking pagpasok at tinungo ang hagdan.

Mayamaya lang ay narating ko na ang second floor ng mansion. Naglalakad ako sa hallway at tinungo ang aking silid.

Pumasok na ako sa loob ng aking silid. Malakas ko itong sinara at umupo sa aking kama na puno ng inis dahil sa aking nakita kanina. Naiinis at nasasaktan ako dahil kay Reina.

Mahal na mahal ko si Helvric. Ginawa ko ang lahat para walang sino mang babae ang lalapit sa kaniya. Ginawa ko ang lahat ng malaman ko na isa si Reina sa mga babae na gusto si Helvric. Kaya, sinasabi ko kay Reina na huwag siyang kikilos patungkol sa kaniyang nararamdaman kay Helvric. Ilang beses kong kinansela ang pag-apply niya sa Seiverous Entertainment ngunit dahil sa kaniyang pinsan, nagulo ang lahat. Dahil sa hindi ko na mapigilan si Reina na hindi siya aamin, umamin talaga siya sa kaniyang nararamdaman. Akala ko, hindi magkakagusto si Helvric sa kaniya pero bakit ganito? Paano nakuha ni Reina ang atensyon ni Helvric habang hinahanap ako ni Helvric? Akala ko, kapag makikilala na niya ako; magkakaroon na siya ng feelings sa akin at mamahalin niya ako dahil sa nangyari sa aming dalawa. Ginawa ko ang lahat pero bakit kulang pa? Saan ako nagkamali?

Napahawak ako ng mahigpit sa bedsheets at kinagat ang ibabang labi. Hindi ko maiwasan na hindi umiyak.

Marahas akong tumayo at kinuha ang susi sa aking sasakyan sa loob ng drawer.

Lumabas ako ng silid at bumaba sa second floor. Nang nasa baba na ako ay nakasalubong ko si Daddy. Nagulat siya ng makita niya ako sa mansion.

"Ceila? What are you doing here?" tanong niya sa akin na nakakunot ang noo. May kasama na naman siyang babae. Nakayakap ito sa kaniya at hapit na hapit sa kaniyang katawan ang kaniyang suot na damit.

"I came here to get my  stuffs and my keys," seryosong sabi ko.

"Since you left in this house and chose to live outside, you have nothing left in this house," seryosong sabi niya.

"I just want you to remember, my dear father; all of this came from my mother who shed her sweat over the company and in this house while the only thing you do is to have fun!" galit kong turan sa kaniya.

"So, if you excuse me; I have somewhere to go," mahinahon kong sabi saka yumuko sa kaniya at nilagpasan na sila.

•••••

Pumunta ako sa parking lot at nakita ko ang aking limang kotse at isang motorbike.

Ginamit ko ang kulay itim na kotse at pinaandar ito. Mabilis ko itong pinaharurot sa pathway. Mabuti nalang nakabukas na ang gate.

"Hindi ako papayag na magiging kayo ni Helvric, Reina. Kung kailangan ialis kita sa mundong 'to, gagawin ko," seryosong sabi ko at mabilis na pinatakbo ang sasakyan.

•••••

HELVRIC'S POV

I am standing in front of this glass window. I can see the city lights and the tall buildings. I can even see the moon from afar, shone over us.

Kinuha ko ang aking phone sa bulsa at hinanap ang number ni Reina. Ngumiti ako saka dinial ang number niya. Hindi ko alam pero gusto ko siyang makita o marinig man lang ang boses niya. I wanted to know how she is.

Nakailang ring muna ito bago niya sinagot ang tawag ko.

Natuwa naman ako. "H-Hey, Reina?" Napakagat ako sa aking ibabang labi at nagsalita ulit, "I just wanted to know if you're okay."

ANG MAHAL KONG MODELOWhere stories live. Discover now