Chapter 17

19 3 0
                                    


REINA'S POV

Napatigil ako sa paghakbang papalapit kina Helvric at Ate Ceila. Bigla akong nanghina. Buti nalang ay nasa likod ko si Aeron kaya agad niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko.

Nakita ko kung paano nagulat si Helvric at hindi makapaniwala sa nangyari. Maski ako, hindi ako makapaniwala na si Ate Ceila ang hinahanap niya.

"Let's go," sabi ni Aeron at hinihila ako palayo ro'n ngunit binawi ko lang ang aking kamay at naglakad papalapit sa kanila.

"Ate Ceila," tawag ko sa kaniya kaya agad siyang lumingon. Nang makita niya ako ay nagulat siya at dahan-dahan lumungkot ang mukha niya.

"What did you just s-say?" tanong ko sa kaniya. Tila bang natuyo ang lalamunan ko.

"3 years ago, we went together to the States for your photoshoot. We attended to a party after that because your co-model  invited us. We attended together to a party which was held on her condo. We were so drunk. Nagpaalam ka sa akin noon na mauuna ka na sa condo natin kasi lasing na lasing ka na. Bago pa no'n, nagulat ako na makita ko si Helvric kasama si Mr. Laques. Pinagmamasdan ko lang siya. No'ng lumabas siya sa condo, I followed him to his room and something happened to us," pagkwento niya sa akin.

Tears escaped from my eyes. Tinignan ko si Helvric na walang anumang emosyon na makikita sa mukha niya. Ate Ceila looks so apologetic. I just can't understand. May gusto siya kay Helvric? Pero alam niya na gusto ko si Helvric.

Tumawa ako ng mapakla. "You know that I like him," sabi ko sabay pahid sa aking mga luha. "Do you like him?" tanong ko sa kaniya saka napakagat sa aking ibabang labi.

"I like him for 9 years. Hindi ko sinabi sa 'yo kasi ayaw kong masaktan ka," sagot niya sa akin.

Tumawa ako. "You? Don't want to hurt me? Liar! Kung sa una palang, sana sinabi mo na sa akin!" Napalakas na ang aking boses dahilan para maagaw ko ang atensyon ng iba na nasa loob ng hall.

"Tell me honestly, why did you chose to be my Manager? I remembered, when we first met; I told you that I love someone," sabi ko.

"And that made me shock that you also like someone which I like for almost 2 years. I became your manager than being a heiress because I want to keep an eye on you, na malayo ka kay Helvric," sabi niya. "Nagulat nalang ako na magkakaroon kayo ng project na dalawa. I have no choice kung hindi bantayan ka nalang. Ngunit, napapansin ko na tila bang may unti-unting nagbabago. Nagseselos ako at nasasaktan. But everything turns out to be in my favor. Narinig ko kayo ni Helvric, ilang beses na. He's looking for me and that made me happy. " Tinalikuran niya ako at hinarap si Helvric. "Ako 'yong hinahanap mo, Helvric," sabi niya.

"Why did you left? What I only found is an earring," seryosong tanong ni Helvric sa kaniya.

"I'm sorry I left you after that. I'm just afraid that time. Naunahan ng hiya at ka ba," sagot ni Ate Ceila. "At 'yong earring na 'yon ay kay Reina. Pinahiram niya sa akin kasi naman mabilis ang pangyayari, hindi ako nakapaghanda,"dagdag niyang sabi.

"Oh! You're here, Ms. Montigues. Let's have the practice," singit ng isang staff.

"Reina? If you're not feeling  well, let's ju---" Hindi natapos ni Aeron ang sasabihin niya dahil nagsalita ako.

"No. Personal matters shouldn't intervene your work," seryosong sabi ko at naunang naglakad papalayo sa kaniya.

•••

Nagsimula na ang pag-ensayo namin. Nasa likod kami ng backstage at kami dalawa ang naunang lumabas. Habang naglalakad ako na may poise ay bigla niya akong tinawag.

"Reina?"

Hindi ako umimik. Nang marating ko ulit ang backstage, saka ako nagsalita. Nilingon ko siya na may ngiti sa labi. "I'm happy you found her. Akalain mo 'yon, nandito lang pala ang hinahanap mo. Kasama ko pala. Nakakatawa. "Tumawa ako ng pilit.

"Rei---" putol niyang sabi dahil nagsalita ako. "Let's work!" pilit kong maging masigla pero sa loob-loob ko, I felt so much pain. I felt betray.

••••

Our practice were fine. The designer shows us her magnificent designs. Pagkatapos ng lahat ay nag-ayos na ako para umalis.

Pumasok si Ate Ceila sa aking dressing room. "Reina, since yo--" I cut her off. "May sinasabi ka?" tanong ko na hindi man lang siya hinarap dahil abala ako sa pag-aayos.

"Since you know everything, I am sorry. I treat you as my fri--"

Inis kong hinampas ang aking palad sa mesa. "Friend?" Tumawa ako. "No. You're my bodyguard. Binabantayan mo ako, diba? Na malayo ako kay Helvric. Isa kang stalker na nasa tabi lang pala kapag nag-uusap kami ni Helvric kaya nga nalaman mo na hinahanap ka pala. Isa kang makati na babae kaya nga sumiping ka sa kaniya, diba? Huwag ka ng plastic. Hindi pa kita sinusunog, nangangamoy ka na," nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Fine! I'm too tired to pretend anyway. I did everything para hindi ka mapalapit kay Helvric. Kahit ilang beses kang nag-apply sa Seiverous Entertainment, kinakansela ko. When you said you'll confess to him, sinabi ko sa 'yo na huwag. Pinapatigil kita kasi ayaw ko. Ayaw ko na agawin mo sa akin si Helvric. Una ko siyang nagustuhan kaysa sa 'yo. Isa rin akong katulad mo na nagkagusto at iniibig siya. Kaya hindi mo ako masisisi na nagawa ko 'yon sa 'yo," sabi niya.

"Hindi." Umiling ako. "Hindi kita sinisisi sa mga ginawa mo," sabi ko sa kaniya. "Ang pinagsisihan ko ay 'yong tinuring kitang kaibigan at ate," sabi ko sa kaniya at pinigilan ang sarili na hindi umiyak.

"You got Helvric. What do you want? Held a big congratulations party for you?" tanong ko sa kaniya.

"I want you to stop loving Helvric. After this, you'll leave him. Leave the Seiverous Entertainment," seryosong sabi niya sa akin. 

"Ikaw muna mauna. Umalis ka sa mundong 'to. Baka maawa pa ako sa 'yo, gawin ko ang death wish mo," sabi ko sa kaniya at iniwan siya sa loob ng dressing room.

Pagkalabas ko ay doon na pumatak isa-isa ang mga luha ko. Nakita ko si Aeron sa labas ng silid. Lumapit siya sa akin at pinahiran ang aking mga luha gamit ang kaniyang mga hinlalaki . Hinawakan niya ang pulsuhan ko at hila-hila ako. Mabigat ang bawat paghakbang ko, kasing bigat ng nararamdaman ko ngayon.

Biglang tumigil si Aeron sa paghila sa akin. Humakbang siya papalapit sa akin at niyakap ako. Pinapatahan niya ako. "Tahan na. Gusto mo ng ice cream?" tanong niya sa akin. Umiyak lang ako nang umiyak sa dibdib niya. "Tahan na kasi. Papangit ka niyan," sabi niya kaya tinulak ko siya ng mahina para makawala ako sa pagkakayakap niya saka mahinang sinuntok ang dibdib niya.

"Gago ka! Umiiyak man o hindi, maganda pa rin ako," sabi ko sa kaniya.

"I know. Sila lang 'yong bulag at may deperensiya kasi hindi nila nakikita ang halaga mo at ang kagandahan ng loob mo," sabi ni Aeron na may ngiti sa mukha.

'Himala. Ang ganda ng sinabi sa akin, ah. Ngumiti pa sa akin,'

"Dapat ba nasasaktan ako para maganda ang masabi mo sa akin at nakangiti pa?" tanong ko sabay pinahiran ang sariling mga luha.

"Kung ikaw, sana ako nalang. Ako lang dapat nasasaktan. Huwag lang ikaw," nakangiting sabi niya at inakbayan ako. "Tara na pangit!" pang-aasar niya sa akin. Pangit talaga ang tinatawag niya sa akin kahit noon pa. Maganda naman ako.

ANG MAHAL KONG MODELOWhere stories live. Discover now