REINA'S POV
Ilang araw ko ng iniiwasan si Helvric. He's trying to reach out to me but when he does, I find ways to make myself out from his sight. Aeron became my manager and a driver. Wala na akong mapagkakatiwalaan pa. Itinuon ko ang aking atensyon sa pag-eensayo sa nalalapit na fashion show. Pero mahirap, kasi siya ang kapareha ko. Dapat magiging masaya ako pero bigla nalang nagbago ang lahat. Si Reina na nais makasama si Helvric, ngayon ay nais na niyang layuan ito. Nais ko siyang iwasan.
"Reina, you're seem spacing out again!" singhal ng nagtuturo sa amin. Tinuro niya ako. "Your poise! Ayusin mo!"
"O-Opo. S-Sorry," paghingi ko ng paumanhin.
Inayos ko ang paglakad ko at ang pagposing pagdating sa harap. Punta sa bandang kanan tapos kaliwa na naman pagkatapos babalik sa backstage.
"Bukas na oh! Ayusin niyo!" sigaw na naman ni Mr. Remer.
"Ang gwapo ni Helvric no? Kaya nga nagaganahan ako sa mga practice natin eh," sabi ng co-model ko sa kaniyang kaibigan. Kanina pa sila nagtitilian at pinagmamasdan si Helvric na nakatayo habang nasa bulsa niya ang kaniyang mga kamay. Nakatungo ito at maya-maya ay umubo.
Dumating si Mr. Remer. "Mr. Seiverous and Miss Montigues, kayo na," sabi ni Mr. Remer.
Nakuha niya ang atensyon ni Helvric at pagkatapos ay tumingin ito sa akin. Lumapit siya sa akin at dali-dali naman akong lumabas mula sa backstage.
"What? Sila na?"
"No way! Bobo mo. Part na nila!"
•••••
"Sa last part, lalabas kayong dalawa at maglalakad sa gitna na magkahawak ang kamay. Pagkatapos, both of you will parted ways. Reina, you go to the right then sa left ka Helvric. Posing kayo. Then, both of you will meet on the middle again. Gets niyo?" paliwanag ni Mr. Remer.
Tanging tango lang ang sagot ko.
"Yes," sagot ni Helvric.
Bumalik kami sa backstage. Hinihintay namin ang cue ni Mr. Remer. Kahit saan na napunta ang tingin ko dahil naiilang ako. Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag maging marupok at mahina sa kaniya.
"Reina," banggit niya sa pangalan ko.
"Oh?" sabi ko ng hindi siya tinitiggnan na nasa tabi ko.
"You've been avoiding me." Huminga siya ng malalim. "It making me sic--" Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil sumignal na si Mr. Remer na lalabas na kaming dalawa.
••••
Nakita ko si Helvric na inaasikaso ng P. A niya. Kakatapos lang namin mag-ensayo at bukas na gaganapin ang fashion show.
"Nilagay ko na lahat ng gamit mo sa van," sabi ni Aeron at ngumiti lang ako sa kaniya.
"You look tired," sabi niya at tipid na ngumiti saka inilagay ang kanang kamay niya sa tuktok ng ulo ko.
"Reina?" tawag niya sa aking pangalan pagkatapos niyang alisin ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko. "Do you want to go the beach? I think you need the view of a sunset right now," sabi niya at natawa ako.
"Oo. Kailangan ko nga pero pagod ako ngayon eh. Itutulog ko nalang 'to," sabi ko at nauna ng naglakad sa kaniya. Nakasunod lang si Aeron sa akin.
•••
HELVRIC'S POV
"Ano 'yan ha? Hanggang titig nalang ba?" biglang sambit ni Jaiven. Kakapasok ko lang sa kotse at nakita ko si Reina na kakapasok lang din sa van niya.
YOU ARE READING
ANG MAHAL KONG MODELO
RomanceANG MAHAL KONG MODELO written by genhyun09 Genre: Romance-Comedy and Drama Date Started: August 15, 2020 Date Finished: June 10,2021 Story Description Helvric K. Seiverous is a handsome guy who belongs to a wealthy family. He's an Engineer and a fam...