Chapter 16

18 2 0
                                    

REINA'S POV

Nagising ako sa ingay ng aking alarm clock. Pikit mata kong inaabot ito sa ibabaw ng drawer upang patigilin ang pag-ingay nito. Sa kasamaang-palad, nahulog ako sa aking kama.

"Aray!" pagdaing ko.

Nakapulupot pa rin sa akin ang aking kumot. Parang akong caterpillar sa itsura ko. Inis akong naggagalaw-galaw para matanggal ang kumot sa akin saka ako tumayo.

E-noff ko na ang alarm clock ko saka ako lumapit sa whole body mirror ko. Dahan-dahan kung iminulat ang aking mga mata. Napatitig ako sa aking sarili sa salaman at literal itong nanlaki ng makita ko nang maayos ang aking sarili.

Ang taba na ng eye bags ko at namamaga ito. Malakas akong tumili. "Aaaaaah!"

Inilapit ko ang aking mukha sa salamin na nakabusangot. "Wah! What happened?"

Bigla pumasok sa aking isipan na umiyak pala ako kagabi dahil hindi ko talaga napigilan ang sakit. Napatampal ako sa aking noo. Dali-dali kong hinila palabas sa ilalim ng aking kama ang timbangan. Pumatong ako rito at nadagdagan ako ng 1kg.

"Pota na," nakatulalang sabi ko. "Tataba na ako nito, " dagdag kong sabi.

"Paano nalang kung tataba ako? Mas lalo na akong ayawan ni Helvric," malungkot kong sabi.

Nang mapagtanto ko na malapit na mag-8 ay dali-dali na akong pumasok sa banyo para mag-shower.

••••

Pagkatapos kong ihanda ang sarili ko at mga kakailanganin ko ay lumabas na ako ng condo. Nakasuot ako ng high waist pants, nag-sando ako ng white at pinarisan ko ng black jacket. Naka-black boots rin ako at isinuot ang sunglasses kasi namumugto talaga ang mga mata ko.

Nandito ako sa lobby ngayon, hinihintay na dumating sina Aeron.

"Bakit wala pa sila?" nagtatakang tanong ko saka tinignan ang wrist watch ko.

Nakaupo lang ako rito sa single couch habang naghihintay sa kanila ng biglang nagring ang phone ko. Sinagot ko ang tawag na galing kay Ate Ceila.

"Where are you?" tanong ko sa kaniya.

"There's an emergency," sabi niya na nagpakaba sa akin.

"Bakit? Ano ang nangyari?" kabado kong tanong. Napatayo ako mula sa aking pagkaupo.

"Sinugod sa hospital ang mama ni Aeron. Kailangan niya ng tulong mo," sabi niya sa kabilang linya.

"Ano?!" nagulat kong tanong. "Paano ang rehearsal?"

"Ako na bahala magsabi. Puntahan mo nalang si Aeron," sabi niya.

"Sige, sige. Pupuntahan ko siya. Text mo sa akin kung ano'ng hospital. Kung magiging okay na ang lahat, hahabol nalang ako," sabi ko kay Ate Ceila. Hindi ko na siya pinasagot pa dahil agad kong binaba ang tawag saka tumatakbo palabas ng building.

Pumara ako ng taxi. Pagkapasok ko sa loob ay agad na nag-vibrate ang phone ko at binasa ang text na galing kay Ate Ceila. Sinabi ko kay Manong ang address ng hospital saka niya pinaandar ang sasakyan at umalis na kami.

•••

"Bayad po," sabi ko at inabot ang bayad kay Manong.

"Maraming salamat," pasasalamat niya at ngumiti lang ako. Bumaba na ako sa kotse at naglalakad na papasok sa hospital. Lumapit ako sa front desk at tinatanong kung ano'ng room number ni Mrs. Felwyn Bendriones. Pagkasabi ng room number sa akin ay agad ko ng tinungo ang elevator. Marami akong nakasabay kaya inayos ko ang aking sunglasses at kinuha ang bonet sa aking bag.

ANG MAHAL KONG MODELOWhere stories live. Discover now