Chapter 5

23 1 0
                                    

REINA'S POV

"Kanina pa kami naghihintay rito sa labas ng building, ah. Saan ka ba pumunta?" tanong ni Ate Ceila.

Malapad akong ngumiti sa kaniya. "Umamin na ako kay Helvric na mahal ko siya," masaya kong sagot.

Napahilot siya sa sentido ng kaniyang ilong at bumuga ng hangin. Tinignan niya ako saka tinuro-turo. "Alam mo, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa 'yo? Ang ibang model na katulad mo, hindi sila masakit sa ulo. Hindi gumagawa ng kalokohan. Ikaw... napakatigas at napakakulit mo, Reina," panenermon niya sa akin.

She turned her back on me and went inside to the van first.

"Ate Ceila, hindi naman masama umamin," sabi ko sa kaniya ay pumasok na sa loob. Sinara ko ang van.

"Ano naman ang napala mo sa pag-amin mo?" singit ni Aeron sa usapan namin.

"Siya! Soon," I said with confidence.

Aeron just shook his head and he started the engine.

"Ano ba! Why are you so against it?" I asked in irritation. I leaned on the my chair then crossed my arms over my chest.

"If I were Helvric, I'll definitely find it creepy and... aggressive," sabi ni Ate Ceila.

"And Reina, we all know that you are crazily, madly in love with Helvric Seiverous pero pwede ba, hinay-hinay lang. Magpakipot ka naman. Make him fall for you on his own hindi 'yong sinabi mo," she added, brows furrowed.

"Oh, come on, guys! Hindi ko siya sinabihan na mahalin niya ako agad. Mahalin niya ako kung ready na siya," sabi ko sa kanila.

"And besides, confessing your feelings to the one you like isn't a sin, it's an act of bravery. Take note of that," sabi ko kay Ate Ceila at kinindatan siya. Inirapan lang niya ako.

"What if wala kang mapapala sa pag-amin mo? What if rejected ka at hindi talaga ikaw ang gusto niya at magugustuhan niya? What will you do?" tanong ni Ate Ceila.

"Wala sa dugo namin ang sumusuko," panimula ko," at hindi ako basta-bastang sumusuko sa taong mahal ko. Confident ako na magugustuhan ako ng ni Helvric," sabi ko saka nilagay ang mga kamay sa aking pisngi at tumili.

"Baliw ka na, Reina. Baliw ka na," sabi ni Ate Ceila na tila bang sinasabi na wala na akong pag-asa at malala na ako sa kabaliwan ko kay Helvric.

Tumango ako. "Oo. Baliw sa kaniya," pagsang-ayon ko.

"Sa mental na ba kita dadalhin?" tanong ni Aeron sa akin.

"Sige. Pero ang mental hospital nasa puso ni Helvric. Dalhin mo ko ro'n at ikulong," I shrieked.

"Just drive, Aeron," sabi ni Ate Ceila saka sinapo ang kaniyang noo.

"Oy! Bibisitahin ko si Fenice. Sasabihin ko sa kaniya ang nangyari," I informed them. Aeron changes the direction and made a U turn.

•••••

An hour later, we finally arrived. Aeron parked the car and the three of us went out. Naglalakad kaming tatlo papunta sa mansion. The door suddenly opened so we went inside. Nasa sala na kami ngayon.

"Ma'am Fenice, nandito na po si Ms. Montigues," pagpapaalam ng katulong nina Fenice.

Mayamaya ay lumabas si Fenice mula sa kusina.

"Oh? Bakit ka nandito?" tanong niya ng makita ako.

"Bawal ba ako na dalawin ka?" tanong ko sa kaniya saka pinulupot ang kamay ko sa braso niya.

"Hindi naman," seryosong sagot niya.

Napakaseryoso ng pinsan ko kahit kailan.

"By the way, I have something to tell," sabi ko at umupo kami sa sofa.

"Mira, pakihanda nalang 'yong pagkain at pakitawag rin sa mga bata. Sabihin na nandito ang Tita Reina nila," sabi ni Fenice.

"Dito ka na mananghalian," sabi niya sa akin at tumango.

"Alam mo ba, umamin na ako kay Helvric!" masayang sabi ko.

"Inaasahan ko na 'to," sabi niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.

"What do you mean?" seryosong tanong ko.

"Tsk. Reina, pinsan kita. Alam ko na wala kang hiya. 'Yon lang," sabi niya at inirapan ko siya.

"Tss. Grabe ka sa akin," sabi ko sa kaniya. I heard her snickered then tapped my shoulder. "Totoo naman kasi. Hindi ka nahihiya na sabihin ang tunay mong nararamdaman. Pinapakita mo 'yon. 'Yan lang ang pinagkaiba natin kasi ako noon, hindi ko pinapakita kay Leumark ang totoo kong nararamdaman sa kaniya. Tinatago ko iyon at dinedeny ko," mahabang sabi niya.

"Kaya, proud ako sa 'yo," dugtong niyang sabi saka nginitian ako.

"Si Helvric, napakasweet niya at caring katulad ng kapatid niya. Mabait siya at mapagmahal kaso mayabang lang minsan," sabi ni Fenice na ikinatawa ko.

"Mayabang kasi may ipagmamayabang," sabi ko at humagalpak ng tawa.

Mayamaya ay may narinig akong tumatakbo sa hagdan.

"Zian!" saway ni Fenice sa anak niya kasi tumatakbo itong bumababa sa hagdan. Nang tumaas ang boses ng Mommy niya, maingat na siyang bumaba sa hagdan.

Si Cholene naman, ang seryoso ng mukha. May pinagmanahan talaga.

"Tita Reina!" Niyakap ako ni Zian pagkalapit niya sa akin.

Hinalikan ko ito sa pisngi. "Ang gandang lalaki ng Zian namin, ah. May nagkakagusto na ba sa 'yo, ha?" tanong ko at tumawa lang si Zian.

"Most of the girls in our school have a crush on me, Tita," sagot ni Zian.

"Is that so? Expected from our Zian. Pero huwag pababayaan ang pag-aaral, ha?"

Tumango si Zian. "Yes po. Mommy said the same," sabi niya.

"Hello. Kamusta ho kayo?" tanong ni Cholene sa akin. Pinaupo ko siya sa tabi ko at hinihimas ang makintab niyang buhok.

"I'm fine, sweetie. What about you?" tanong ko sa kaniya.

"Tita, did you know that Cholene beat up some boys in our school. Mommy just cheered for her while Daddy's face shows only frustration on how Mommy reacted in school," pagkwento ni Zian sa akin.

"They're bad kids, Tita. They deserve it," sabi ni Cholene.

"See? Your daughter acts like you," sabi ko kay Fenice.

"Syempre, anak ko," seryosong sabi ni Fenice.

"Cholene, Tita bought a lot of dresses for you. Did you wear it?" tanong ko kay Cholene.

"I didn't," sagot ni Cholene.

Tinignan ko si Fenice at agad siyang umiwas sa titig ko.

"K-Kumain na tayo." Tumayo si Fenice at iniwan kami sa sala.

"Bakit hindi mo sinuot?" tanong ko sa kaniya.

"I'm not comfortable with it, Tita," sagot niya.

"And, Mommy said, it's fine," dugtong niyang sabi.

'Lagot ka talaga sa akin, Fenice,'

I frowned. "Baby, Tita worked so hard just to bought those dresses," malungkot kong sabi.

Napatitig si Cholene sa mukha ko at bumuntong-hininga. "Fine. I'll wear them po," sabi niya.

It's works, just like how I persuaded her Mom to wear a dress and a swimsuit before.

Hinalikan ko si Cholene sa tuktok ng ulo niya. "Good girl. Now, let's go the dining," sabi ko saka tumayo. Nauna ng naglakad si Zian at magkahawak kamay kami ni Cholene na naglalakad pumunta sa dining.

ANG MAHAL KONG MODELOWhere stories live. Discover now