Chapter 7

21 0 0
                                    


REINA'S POV

"Good morning, Ma!" masigla kong bati at niyakap si Mama. Mayamaya ay humiwalay ako at umupo.

Kumunot ang noo ni Mama na nakatitig sa akin. "Maganda ata gising mo ngayon, ha?"

"Of course, Ma. Magkikita kami ng future son-in-law mo," kinikilig kong sabi.

Umupo si Mama saka nagsalita, "Tulog ka pa ba, Reina?"

Sumimangot ako dahil sa sinabi niya. "Mama naman, eh!"

Tumawa siya ng tipid. "Oo na. Future son-in-law na kung future son-in-law. Basta anak, hinahayaan kita sa lahat ng gusto mo pero hinay-hinay lang, ha?" paalala ni Mama at tumango lang  ako.

••••

Nakita ko sina Ate Ceila at Aeron sa labas.

"Magandang umaga!" masigla kong bati sa kanila.

"Ang hyper mo, ah. Pasok na sa loob," sabi ni Ate Ceila saka pinagbuksan ako ng pinto. Nauna akong pumasok sa van at sumunod siya.

"Ate, maganda ba ako, ha?" tanong ko sa kaniya saka pinakita ng maayos ang mukha ko. Sasagot na sana siya ngunit nagsalita ako.

"Bakit ko pa ba tinatanong? Alam ko naman na maganda ako. Lintek lang kung hindi mahuhulog sa akin ang mahal kong si Helvric," sabi ko at bigla nalang ako binatukan ni Ate Ceila.

"Tumigil ka, Reina. Kay aga-aga, para ka ng bulateng binudburan ng asin," sabi niya sa akin na nakakunot ang noo. Halatang naiinis siya.

"Bulate talaga? Sa itsura kong 'to, bulate? Pwede po ba bulaklak ako tapos si Helvric ang paru-paro? Dadapo siya sa isang maganda na ako?" Nilagay ko ang likod ng kaliwang palad ko sa ilalim ng aking baba at matamis na ngumiti kay Ate Ceila.

"Araw-araw nalang sumasakit ang ulo ko sa 'yo," reklamo niya saka tumagilid sa akin at isinandal ang ulo niya sa bintana ng kotse.

'Tss! Wala man lang suporta sa mga sinasabi ko,'

•••••

Lumipas ang isang oras ng biyahe ay nakarating na rin kami sa Seiverous Entertainment.

"Gusto mo ng kape, Reina?" tanong ni Aeron sa akin pagkababa namin sa tapat ng building. May coffee shop kasi na malapit rito.

"Sige. Pati si Helvric ibili mo rin. Maghihintay kami rito," sabi ko sa kaniya. Bigla nawala ang ngiti sa mukha niya at tumango lang sa akin saka tumawid sa daan.

"Kawawang Aeron," biglang sabi ni Ate Ceila na nakatayo sa tabi ko.

Kunot-noo ko siyang nilingon. "Bakit naman?"

"Wala. Manhid mo," sabi niya sa akin.

Kumaway ako kay Aeron na kakalabas lang ng coffee shop. Tumawid ulit siya sa daan at naglakad papalapit sa amin.

"Heto na," sabi niya saka inabot sa akin ang dalawang kape.

"Maraming salamat! Pasok na tayo sa loob," sabi ko sa kanila at lumakad na kami papasok.

••••

Nandito na kami sa silid na inihanda para sa akin. Pagpasok namin ay agad nilang inilapag ang mga gamit ko sa sofa.

"Guys, pupuntahan ko lang sa kaniyang silid si Helvric!" pagpapaalam ko sa kanila.

"Samahan na kita," sabi ni Aeron.

ANG MAHAL KONG MODELOWhere stories live. Discover now