Thankful
RYAN's POV
Masaya kaming lahat dahil sa wakas nagtagumpay kami sa plano namin
"Thanks bro" sabi ko kay Keith. Kung wala si Keith ewan ko nalang kung mapapaamin ba namin ang dalawang yan
"Wala yun"
"Oh my gosh! Oh my gosh! Paano natin sasabihin sa kanila sa ginawa nating plano?" natatarantang tanong ni Sofie
"Relax Sofie, okay? Ginawa lang naman natin kung ano yung makakatulong sa kanila. Dapat nga they should be thankful to us for helping them"
Nagnod lang si Sofie at umupo na sa couch.
Paano nga kung magalit sila sa ginawa namin? Knowing Cassy and Nathan, matataas ang pride hindi nakikinig sa iba. Hays!
The next day...
---
SOFIE's POV
Kinakabahan talaga ako sa mangyayari mamaya
"Hoy Sofie! Wag ka ngang kabahan!" saway ni Mitch
"Wag ka nga" angal ko naman
Eh ano bang pake nila kung kinakabahan ako rito knowing Nathan baka mapatalsik pa kami sa school nila
*Kriiiiiiiiiiiing*
Waaaaaaaaah! Break na! Ayokong lumabas, nakakatakot pa naman magalit sina Nathan at Cassy!
"My loves, halika na!" sabi ni Kent sabay hawak sa kamay ko at pumunta na kami ng tambayan
"Okay! Andito na tayong lahat" sabi ni Ryan na nasa harapan namin. Siya dapat mag-explain noh, siya nakaisip nun eh
"Wait! Wala pa si Keith" sabi ni Avin
"Si Tiu? Bakit siya kasali dito?" Naku! Hindi pa nga namin nasasabi eh galit na si Nathan lalo na nung marinig niya ang pangalan ni Keith.
"Calm down bro, you'll know later" Ryan
Bigla namang bumukas ang pinto
"Andiyan na pala si Keith eh"
"Yow" bati niya sa amin at umupo sa tabi ni Cassy? Lintek ka Tiu! Bakit diyan ka pa umupo? Madadagdagan atraso mo kay Nathan eh!
"Hoy Tiu! Umalis ka nga diyan. Dun ka sa sahig umupo" Nathan
"Ano? Sa sahig? Nahihibang ka ba? Wala namang masama kung katabi ko si Cassy ah." angal naman ni Keith
"Whatever! Basta umalis ka diyan o baka gusto mong kaladkarin kita palabas?" kitang-kita sa mukha ni Nathan na galit na siya. Wala talagang pasyensya to.
"Nathan stop!" awat ni Cassy kay Nathan. Naku Cassy! Awatin mo yan baka magkagulo pa dito!
"Seloso" simpleng sabi ni Keith
"An--"
"STOP! BOTH OF YOU!" nabigla kami at napatigil naman sila sa pag-aaway nila nang hampasin ni Ryan ang table
"Wag nga kayong mag-away! Para kayong mga bata!" Ryan
"Ano ba kasi ang sasabihin niyo?" tanong ni Nathan
"Before ka magreact, listen first" kinuwento nga ni Ryan ang mga ginawa namin simula nung naisipan niyang gawin yung plano.
Matapos magkwento ni Ryan ay walang umimik sa amin
"Thanks to us dahil okay na kayo" binasag na ni Keith ang katahimikan
"Yeah! Thanks to all of you" nagulat kami dahil sa sinabi ni Nathan. We didn't expect na magpapasalamat pa siya sa amin akala ko kasi magagalit siya
BINABASA MO ANG
Man Hater Meets The Spoiled Guy
Teen FictionWhen a man hater meets the spoiled guy.
