Chapter 36

3.6K 80 7
                                    

Thank you


CASSY's POV

Ang hirap ng buhay estudyante palaging pinapalinis eh may mga janitor naman. Nakakainis talaga! Ayoko pa naman sa lahat ang maglinis pero no choice ako ngayon kasi sabi ng adviser namin may grade daw. Naku naman!

"Oh ex, bakit parang binagsakan ng langit at lupa yang mukha mo? Yan tuloy para ka ng matanda. Hahahaha!"

"Walang hiya kaaaaaa! Alam mo bang pagod na ako kakalinis dito tapos aasarin mo pa ako? Diyan ka na nga" sigaw ko at iniwan ko ang walis sa kanya. Siya na maglinis diyan total wala pa naman si sir eh.

"Hoy ex, anong gagawin ko rito?" tanong niya na pinakita pa sa akin ang walis

"Try mo kayang kainin?" Ang bobo talaga nito!

"Arrrrgh! Lumayas ka na nga" sabi niya at nagwalis na.

**

"Class, please all clean. Walang pwedeng uupo-upo at tatayo-tayo lang diyan. Kawawa naman iyong iba" HAY NAKUUU!

Wala akong nagawa kaya nagwalis nalang ulit. Di ko na nakita si Nathan, siguro nagre-relax na yung lalakeng iyon. Tss! Unfair! Porket anak ng may-ari ng school.


---
NATHAN's POV

Andito ako ngayon sa canteen bumibili ng tubig kasi napagod ako kakawalis doon sa room. Kahit kami ang may-ari ng AGFA hindi naman ako nagfe-feeling hari rito noh gaya ng iba.

Naglalakad na ako ngayon papuntang classroom namin nang may kumapit sa braso ko

"Hey babe" parang linta lung makadikit ah. Inalis ko kaagad ang pagkakahawak niya

"Who are you?" kunot noo kong tanong sa kanya

"Ouch! Hindi mo na ako kilala, babe? Niyaya mo pa nga akong magdate nung isang araw eh!" Naalala ko na! Nagpustahan kasi kami ulit at itong babaeng 'to ang napaglaruan.

"No. So back off and don't you ever follow me or else ipapatanggal kita rito sa school" sabi ko sa kanya at naglakad na ulit.

Pagkarating ko sa classroom ay naglilinis pa rin sila. Umupo muna ako sa may gilid. Nakita ko naman si Cassy na naglilinis at pawis na pawis na. Ang alam ko, ayaw niya sa lahat ang maglinis eh kaya ganyan mukha niya parang binagsakan ng langit at lupa.

Iinomin ko na sana ang tubig ko nang may nahagip ang mga mata ko. Malapit nang babagsak yung ilaw at kung mababagsak ito kay

"CAS---"

"CASSYYYYYYYY!"

Ililigtas ko na sana siya kaya lang naunahan na ako ni Tiu. LINTEK! AKO DAPAT YUN EH, HINDI YANG BWISIT NA TIU NA YAN!

Napahinto ang lahat sa paglilinis matapos bumagsak ang ilaw.

"Cassy, okay ka lang?" tanong ni Tiu kay Cassy pagkatapos ay tumingin sa direksyon ko and he just smirked. ARRRRGH! NAISAHAN MO AKO TIU! HINDING-HINDI AKO PAPATALO SAYO!


---
CASSY's POV

Langyang Nathan nayan oh! Andun lang sa may gilid pasimple-simple.

"CASSYYYYYYY!" nabigla ako sa sumigaw ng pangalan ko at bigla nalang may humigit sa akin at niyakap ako.

Nabigla ako nang may bumagsak sa may likuran namin at dun ko lang nalaman na niligtas pala ako ni, pagtingala ko

Keith?

Kung hindi siguro ako niligtas ni Keith siguro'y—haay! Ayoko nang isipin yun.

"Keith, t-thank you" at niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko alam kung bakit ko siya niyakap pero feeling ko, safe ako sa kanya.











A/N: This is the last update for today guys :). Please support my story

READ. COMMENT. VOTE

Man Hater Meets The Spoiled GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon