It's a yes
CASSY's POV
Everyday, maraming surprises si Nathan sa akin. Nung valentines ay nagdate kami sa isang romantic place with candlelight dinner. I felt that he's sincere.
Gusto ko na siyang sagutin.
Ngayon papunta na ako sa school. March na nga pala, malapit na kaming gagraduate ng high school, isang taon nalang. (K12 program) Ang bilis talaga ng panahon parang kailan lang yung unang pagtatagpo namin.
"Good morning po guard" masayang bati ko sa security guard sa aming school. Ewan ko ba kung bakit ganito ako kasaya ngayon. Simula nung pagising ko kanina, good mood na good mood na ako.
"Good morning din hija"
Naglakad na ako papuntang room, nasa second floor pa yun.
Ha-hakbang na sana ako sa stares nang may biglang nagbigay ng rose sa akin, one of the varsities of our school. Nabigla naman ako sa ginawa niya pero tinanggap ko rin, ang weird.
Umakyat na ako at may nagbigay na namang rose. And so on..
8 roses na ang natanggap ko ngayon at may mga petals naman sa floor kaya sinundan ko ito hanggang sa rooftop.
Pagkabukas ko ng pinto sa rooftop ay may nagplay na guitar. Nakikita ko lang 'to sa mga romantic movies. I can't believe it! akala ko dati ang OA ng mga ganun-ganun, may paharana-harana pa pero ngayon shocks! Hindi ako makapaniwala na kikiligin ako ng ganito.
---
NATHAN's POVToday! today is the day that i will ask her if she can be my girlfriend. Hindi naman ako kinakabahan dahil I'm really sure na sasagutin niya ako at makukuha ko na ang premyo ko.
"Sigurado ka na ba talaga rito bro?" tanong sa akin ni Kent.
"Bro, pwede mo naman 'tong hindi ituloy eh. Ibibigay naman namin ang premyo kahit hindi mo na siya mapasagot." Jack
"Oo nga bro. Nakakaawa si Cassy" Alvin
"Bro please. We're begging you" Ryan
Langya! paulit-ulit? kanina pa 'to tanong nang tanong ah. Alam ko namang nako-konsensya na sila eh.
"NO!" sagot ko at tinalikuran na sila
"BRO!" they shouted in unison.
"SABING HINDI EH. WALA AKONG PAKI KUNG MASASAKTAN SIYA. WALA!" sabay walk out ko. Pambihira naman oh! Ilang beses ko na bang sinabi sa kanila na hindi ako titigil hanggat hindi ko napapasagot si Cassy.
--
Alam kong hindi ako tutulungan nila Ryan kaya ang mga ka-teammates nalang namin ang pinakiusapan ko.
Andito ako ngayon sa rooftop ng school, naghahanda.
"Nathan, andiyan na si Cassy" isa kong ka-teammate
Napangiti naman ako sa narinig ko. This is it!
Dahan-dahang bumukas ang pinto, alam kong si Cassy na yun kaya't nagstart na akong magstrum.
It took
One look
And forever lay out in front of meI saw her smiled. Eto na 'to! Siguradong sasagutan na niya ako. Ilang buwan din akong nagtitiis dito.
One smile
Then I died
Only to be revived by you
There I was
Thought I had everything figure out
It goes to show
Just how much I know
'Bout the way life plays outLumapit ako sa kanya at nakita kong namumula siya. Tss! sabi na nga ba't walang babaeng hindi nagkakagusto sa akin sa tuwing nakikita nila ako eh.
I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only youPagkatapos ko ay tinanggal ko na ang gitara at mas lumapit pa sa kanya and I caught her smiling again.
"Cassy, you're my one and only. I don't know why I like you, no! I don't like you anymore because I love you. When I first saw you my heart said that it's you. You're the one for me kaya't hindi ko na pinalagpas yun. And everytime I see you, kompleto na araw ko. I know it's corny but I love you, Cass. I really do." Nasusuka ako sa mga pinagsasabI ko. Asan ko ba yun nakuha?!
I sighed and held her hands "Cassy, Will you be my girlfiend?"
---
CASSY's POV"Cassy, you're my one and only. I don't know why I like you, no! I don't like you anymore because I love you. When I first saw you my heart said that it's you. You're the one for me kaya't hindi ko na pinalagpas yun. And everytime I see you, kompleto na araw ko. I know it's corny but I love you, Cass. I really do." OMG! Alam mo yung feeling na parang hihimatayin ka na sa kilig? Eto yun eh. Hindi ko akalaing nangyayari pala 'to sa totoong buhay. I'm so lucky to have him.
He sighed and held my hands "Cassy, Will you be my girlfiend?"
Eto na yun. This is the right time!
"Noon, iniwan kami ni daddy kaya galit na galit ako sa mga lalaki because I saw how my father hurts my mother so much, not physically but emotionally. That's why I promised to myself that I will never ever
enter into a relationship because it will just cause me so much pain but when I met you, I realized. I realized that not all boys are like my father. I'm sorry kung pinapahirapan kita araw-araw kasi tini-test lang kita baka niloloko mo lang ako but I was wrong. you're not fooling me, you're sincere.I love you too Nathan and yes, I will be your girlfriend"
Nabigla ako ng yakapin niya ako ng mahigpit at bumulong "Thank you Cass. Ako na ang pinakamasayang lalake sa buong mundo and I promise that I won't hurt you." sabay halik niya sa noo ko.
"Tara na?" aya niya sa akin kaya tumango nalang ako as a sign of response.
Ang saya-saya ko! Ang saya-saya ko talaga. hindi ko pa to naranasan ang ganito kasaya. Nagpapasalamat talaga ako kay Nathan na binago niya ako. I'm proudly say now that I'm no longer a man hater.
Bumaba na kami sa rooftop at nakasalubong namin ang mga kaibigan namin.
"Oh my gosh gurl! May boyfie ka na. And you're no longer a man hater. I'm so happy for you. Congrats gurl!" sabay hug sa akin ni Sofie.
At yumakap naman sila Kristine, Loraine at Mitch sa akin.
"Congrats bro" sabay-sabay na sabi nila Ryan, Alvin, Kent, at Jack kay Nathan peo parang hindi sila masaya. Ay ewan! paranoid lang siguro ako.
______________________________________________
A/N: GUYS, SANA UMABOT NA NG 700 READS PARA MAKA-UPDATE NA AKO SA NEXT CHAPTER. THANK YOU :)))))))))
READ.VOTE.COMMENT
BINABASA MO ANG
Man Hater Meets The Spoiled Guy
Teen FictionWhen a man hater meets the spoiled guy.