Intramurals (part1)
CASSY's POV
Today is the opening of Intramurals and I'm so excited! And one thing, Nathan will fetch me at sabay na daw kaming pupunta ng school.
Ginawa ko na ang aking daily routine at pagkatapos bumaba na ako at pumuntang kitchen para kumain.
*ding dong*
Dali-dali kong inubos ang pagkain ko kasi alam kong si Nathan na yun. Pagkatapos kong ubusin ang pagkain ko ay tumakbo na ako papuntang pintuan. "Oh anak dahan-dahan lang baka madapa ka masyado ka namang excited makita ang iyong prince charming hehehe" Oo nga pala alam na ni nanay Doring about kay Nathan
"Nanay talaga. Oh sige na nay. Babye" sabay hug ko at lumabas na at nakita ko naman dun si Nathan na nakasandal sa kotse at nakalagay ang mga kamay niya sa pocket, isa lang ang masasabi ko
Pogi
"Cassy, let's go?" at pinagbuksan pa talaga ako ng pinto. How gentleman naman!
"A-ah sige" at pumasok na ako sa loob. Umikot naman siya para makapunta sa driver's seat at inistart niya na ang engine ng kotse niya. Allowed na siyang magdrive kasi 18 na siya at may driver's license din.
After 15 minutes ay nakarating na din kami sa AGFA
Bumaba muna siya at pinagbuksan ako ng pinto.
Habang naglalakad kami ay panay tili ng mga babae ang naririnig ko
"kyaaaaaaaah! Nathan I love youuuu"
"Ang gwapooooooo"
"Papa Nathan! Ang gwapo mo talaga!"
Ano pa bang aasahan ko eh sikat ang kasama ko at anak pa ng may-ari ng school pero hindi ako nababahala na may umagaw sa kanya sa akin kasi hanggang tingin lang sila ako abot kamay ko na. Natatawa ako sa naisip ko, ang corny ko na talaga. Ganito ba talaga 'pag in love?
Pumunta na kami sa field kasi magsisimula na ang program para sa opening ng Intrams.
Pagkatapos naming magnational anthem ay may lalaking speaker namang pumunta sa stage na parang nasa edad na 40's
"Good morning students. Today is the opening of Intramurals 2014... blah blah blah" hay naku! naiinip na ako. Ang pinakaayoko talaga sa mga programs ay yung may magsasalita sa harap at magdi-discuss ng kung anu-ano, ang boring eh. Marami na ngang nagrereklamo eh
"And now, idinideklara ko na ang pagsisimula ng Intramurals 2014"
"Yeeeeeeeeees" sigaw ng lahat ng mga studyante kasi nadeclared na ang opening ng Intrams. At last!
"Saan mo gustong pumunta, Cassy?" tanong sa akin ni Nathan at bigla niya nalang hinawakan ang kamay ko I felt butterflies in my stomach.
"H-ha?" argh! nagsa-stutter na naman ako sa harap niya!
"Ang sabi ko saan mo gustong pumunta?" ulit ni Nathan. Narinig ko naman talaga yung sinabi niya eh, kinabahan lang ako
"Kahit saan" basta't kasama kita. At nagsimula na kaming maglakad
Maraming mga booths na nakapalibot dito sa campus like photobooth, movie booth, marriage booth, at marami pang iba.
"Ikaw po ba si Ms. Cassy Sandoval?" tanong sa akin nung isang sophomore na babae
"Ah oo ako nga bakit?" bakit niya naman ako hinahanap?
"Sumama nalang po kayo sa amin" sabay hawak sa magkabila kong braso nung kasama niyang mga lalake. Oh no! Asan nila ako dadalhin ha? Asan na ba kasi yun si Nathan? Bigla-bigla nalang akong iniwan
BINABASA MO ANG
Man Hater Meets The Spoiled Guy
Novela JuvenilWhen a man hater meets the spoiled guy.
